00:00Nasa 26 na individual na ang naiulat na nasa WIS sa pananalasan ng Bagyong Tino sa bansa ayon yan sa Office of Civil Defense.
00:09Habang may 7 iba pa ang nawawala sa Cebu.
00:11Ang detalye sa report ni Rod Laguzad.
00:17Umabot na sa 26 ang bilang na naiulat na namatay sa pananalasan ng Bagyong Tino sa bansa ayon sa Office of Civil Defense.
00:24Paliwanag ni OCD Assistant Secretary Rafi Alejandro.
00:28Ang bilang na ito ay subject pa sa verification at validation.
00:32Anya mula sa bilang na ito, 22 ang mula sa Region 7 kung saan karamihan dito ay mula sa Cebu.
00:38Isa ang mula sa Region 8, isa sa Region 6 at dalawa naman sa Negros Island Region.
00:45Bukod dito naiulat din ang nasa 7 nawawala sa Cebu.
00:48But so far, based on assessment, sa dinaanan niya, mukhang Cebu ang badly hit, Cebu area.
00:58Nakita naman natin sa mga pictures, based on spot reports, na medyo mataas nga yung tubig.
01:04Medyo marami nga yung tubig na buhos sa Cebu.
01:10And we're trying to get the exact from pag-asa.
01:15Base sa inisyal na ulat, pagkalunod ang tinitingang dahilan ng pagkamatay ng mga nasawi.
01:20Umaasa naman ang OCD na hindi na madadagdagan ang bilang na ito.
01:24Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa DSWD pagating sa evacuation center, lalo at may mga bahay na nasira.
01:31Anya, lubang apektado ang Central Cebu.
01:33It's really, ano lang, overwhelming on the part of Cebu kasi yung mga highly urbanized area ang tinamaan.
01:43Yung Talisay, yung southern part ng Cebu City, mandawi.
01:48Offhand, based on pictures, mga spot reports talagang dun, medyo concentrated yung ulat.
01:54Matapos ang pananalasan ng bagyo, may mga lugar nang bumaba ang level ng baha.
01:59Samantala, humingi ng pangunawa at panalangin ng OCD, kasunod ng bumagsak na helicopter ng Philippine Air Force.
02:05They were in route to Butuan para po gamitin ng ating RDRMC doon for the response effort.
02:13So we are sudden by this news.
02:15And rest assured na this will not prevent us from what we are doing.
02:22Part ng mission nila is to provide the platform, yung ating mga helicopter, na gamitin ng ating RDRMC, ng ating response teams, to do our day na, to deliver immediate supplies.
02:36Samantala, patuloy ang monitoring at paghahanda kasunod ng panibagong bagyo na maaring mag-landfall.
02:42Kasama na dito ang pagkakaroon ng early intervention para maibisan ang posibleng epekto ng bagyo.
02:47Rod Laguzad, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.