00:00Magpapadala naman ng karagdagang relief supplies ang Kapitolyo ng Cebu Province
00:05sa mga apektadong bayan sa Lalawigan upang umagapay sa ating mga kababayang nasa lanta ng Bagyong Tino.
00:13Nagbabalik si Jesse Atienza ng PTV Cebu.
00:20Kuha ang video na ito sa Bayan ng Konsolasyon,
00:24ang araw na ginimbal ng malawakang pagbaha ang iba't ibang lugar sa Lalawigan ng Cebu.
00:29Kita ang pagtutulungan ng kalalakihan sa paghila sa isang kalabaw na tinatangay ng malakas na daloy ng tubig baha.
00:39Hindi nilalintana ang sama ng panahon.
00:42Samantala isang aso naman ang isinakay ng isang lalaki sa isang inflatable boat para lang makatawid sa baha.
00:49Sa Talisay City naman, hindi nakaligtaang dalhin ng estudyante na si Sheila May
00:54ang alagang pusa na si Putol sa kalagitnaan ng paglikas.
00:59Aniya, pamilya na niya kung ituring ang alagang pusa.
01:02Mura pamilya na pusa naman na niya.
01:05Wala man po silang ma-stayahan kung iwan dito kay mamatay na pusa.
01:10So sinaman niyo na talaga?
01:11Iilan lamang ang mga alagang hayop na ito ang nailigtas ng mga tao sa panahon ng sakuna.
01:18Sanghalimbawa kung gaano pinahahalagahan ng taong bayan ang mga hayop.
01:23Samantala, nakatakda namang magdagdag pa ng relief supplies ang LGU ng Cebu Province
01:28para sa mga nasa lantang kababayan sa lalawigan.
01:32Pilak ka-LGUs na na-atunigove, naghatag naman sila ug-lista.
01:35And then medyo ubay-ubay yun ang naghatag.
01:37And then we're expecting more to come from the other LGUs.
01:40So of course we will get the list hopefully tomorrow from the other LGUs or in the coming days.
01:45And then syempre as we get them, we will provide.
01:49Una ng nakapaghanda ng 20,000 na kahon ng relief supplies ang Cebu Provincial Government.
01:56Maliban sa pagkain, ang unahing pangangailangan din ng mga apektadong kababayan ang malinis na mga damit
02:02dahil sa karamihan sa kanila ay mga walang nailigtas na kagamitan.
02:07Sa kasagsagan ang pagtama ng pinakamalakas na bagyo na dumaan sa lalawigan ngayong taon.
02:14Para sa Integrated State Media, Jesse Atienza, PTV Sabu.