00:00Matinding pinsala ang dala ng Bagyong Tino ng mag-landfall ito sa Silago, Southern Leyte.
00:06Nanatiling walang kuryente at supply ng tubig sa buong bayan dahil sa landslide na sumira sa isa sa mga water pipelines.
00:13Ang ulit ni Reyan Arinto ng Philippine Information Agency.
00:18Malalakas na hangin at buhos ng ulan ang humugupit sa mga lalawigan ng Leyte at Southern Leyte
00:23matapos ang unang landfall ni Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte bandang alas 12 kaninang hating gabi.
00:30Sa report ng Silago MDRRMO, walang kuryente at supply ng tubig sa buong bayan dahil sa landslide na sumira sa mga water pipelines.
00:40Mahirap pa rin marating ang bayan sa ngayon dahil sa mga natumbang poste ng kuryente at mga punong kahoy.
00:46Sa rapid damage assessment na isinagawa ng Silago LGU, ay wala namang naiulat na namatay at nasugatan dahil sa forced evacuation na ipinatupad ng LGU.
00:58Naramdaman din sa Tacloban City ang hagupit ni Bagyong Tino.
01:02Sa video nito, ipinakikita ni Mayor Alfred Romaldes ang malalakas na alon na humahampas sa tide embankment.
01:09Nagsagawa naman ng clearing operations sa malaking bahagi ng Tacloban matapos magsibagsakan ang mga punong kahoy.
01:16Samantala, sa situational report ng RDRRMC, may 8,883 pamilya o 29,160 na individual ang apektado ng bagyo sa buong regyon.
01:29Aabot naman sa 10,977 na individual ang nagsilikas sa 114 na mga evacuation centers sa iba't ibang LGUs.
01:39Ang ilan sa kinila ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers habang hindi pa ibinababa ang storm warning signals.
01:47As of this time, initial information pala natin na re-receive, may na natin na mga identified kung mga number of families and may na natin mga disruption to electricity and connectivity ito na natin communication.
02:08But initial pala ito, di-repeto ang kabugusan sitwasyon kasi as of this time, gina-advise natin ang mga affected local disaster action management councils, mga LGUs,
02:22two kandakitong era, tagsatagsang ng mga rapid damage analysis.
02:27Ayon naman sa Philippine Coast Guard, may 764 na mga pasahero at 371 rolling cargos ang stranded sa Northern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.
02:41Hindi pa rin pinapayagang pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat habang nakataas pa rin ang storm warning signals sa buong regyon.
02:50Wala pa rin pasok sa mga opisina at lahat ng antas ng paaralan ngayong araw.
02:54Wala pa rin supply ng kuryente sa karamihang bahagi ng Leyte at Southern Leyte at pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon.
03:03Ayon sa NGCP, ang pagkawala ng kuryente ay bunsud na mga nasirang poste at ang sitwasyon mismo sa mga local distribution utilities at electric cooperatives.
03:14Siniguro naman ang DSW din na sapat ang supply ng mga food at non-food items at lahat ay nakapreposition na bago pa man humagopit si Bagyong Tino.
03:23Sa report naman ng CAAP, bumalik na ang operations ng Katarman at Kalbayog Airports pero nananatiling canceled pa rin ang mga biyahe ng aeroplano.
03:34Sa Tacloban, operational na rin ang airport subalit nananatiling cancelado pa rin ang mga flights ng mga aeroplano.
03:42Mula sa lungsod ng Tacloban para sa Integrated State Media, Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.
03:48Sampai jumpa rin ang kanataton.