Skip to playerSkip to main content
Pamahalaan, doble-kayod sa pagtulong sa mga nasalanta sa Eastern Visayas matapos humagupit ang Bagyong #OpongPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga national at local governments sa Region 8 doble kayod sa post-disaster recovery efforts para matapos humagupit si Bagyong Opong.
00:09Yan ang sentro ng balita ni Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.
00:16Doble kayod ngayon ang mga ahensya ng national at lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng Bagyong Opong nitong Webes.
00:27Inaasahan din ang pagdedeklara ng State of Calamity sa ilang mga LGUs sa Region 8 ngayong araw.
00:34Sa probinsya ng Biliran kung saan tumama ang matinding hagupit ng Bagyong Opong,
00:39nagsusumikap ang DPWH na muling buksan ang mga pangunahing bahagi ng Circumferential Road na lubhang naapektuhan ng mga flash floods, landslides at pagbaha.
00:50May mga barangay pa rin isolated ngunit patuloy ang mga ahensya ng pamahalaan sa kanilang pagsisikap na makarating sa mga ito upang maghatid ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.
01:03Ayon sa pinakahuling tala ng Biliran PDRRMO, walo ang patay, dalawa ang nawawala at labing dalawa ang sugatan.
01:11Sa Tacloban City, binigyang prioridad ng libring sakay ng RORO ng OCD ang mga sasakyang maghahatid sa mga apektadong lugar ng mga family food packs mula DSWD,
01:22power restoration materials mula sa NGCP at mga medical supplies at kagamitan mula sa DOH.
01:30May ilang kalsada pa rin sa Saman at Leyte na patuloy ang pagsasayayos ng DPWH upang mapabilis ang pagbabalik ng biyahe matapos masira ng landslides.
01:39Samantala, matapos ang apat na araw, ligtas na nakabalik kaninang umaga ang limang mangingisda mula sa Maydulong, Easter Summer.
01:48Isa pang mangingisda mula Tanawan Leyte ang nasagip ng Coast Guard sa Manikani, G1, Easter Summer kahapon ng umaga.
01:56Nauna nang nasagip ang anim na pasahero mula sa motorbanka na naglayag sa G1 sa kasagsagan ng bagyo.
02:02Nag-uulat mula sa Tacloban City para sa Integrated State Media, Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.

Recommended