Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ninakawa ng baril ang security guard ng isang kondominium sa Maynila na nakatulog habang naka-duty.
00:07Arestado ang isa sa tatlong suspect na umami naman sa krimen.
00:10May unang balita si Jomer Apresto.
00:16Tulog ang gwardyang yan ang pumasok ang dalawang lalaki sa main entrance na isang kondominium sa Malate, Maynila,
00:21pasado alas 3 ng madaling araw nitong lunes.
00:24Sa balapitang anggulo, makikita na dahan-dahan nilang binubuksan ang security podium.
00:28Hanggang sa nakuha nila ang 9mm na service firearm ng gwardya na hindi pa rin nagigising noong mga oras na yun.
00:36Sa kuhang yan, makikita na ang dalawang salarin, mayroon pa palang isang kasama.
00:40Ayon sa polisya, makalipas ang labing tatlong minuto, doon palang nagising ang gwardya at natuklasan na nawawala na ang kanyang service firearm.
00:49Agad daw niya itong ipinagbigay alam sa mga polis.
00:52Sa backtracking ng mga otoridad, napagalaman na dumaan ang mga salarin sa Castro Street,
00:56papunta ng Fidel Reyes Street hanggang sa makarating sila ng Noli Agno Street.
01:00Dito na nahuli na mga polis ang isa sa kanila.
01:03Na-identify na siya yung mismo yung kumuha doon sa drawer.
01:07Nung pagkadala namin dito, wala pa sa kanya yung firearms, yung dalawa kasi nagkahihwaiwalay na sila.
01:13Kalaunan, itinuro din ang 19-ayos na sospek kung nasaan ang baril na ibinaon pala nila sa ilalim ng isang puno.
01:20Isa sa ilalim ito sa ballistic examination.
01:22Aminado naman ang sospek sa kanyang nagawa.
01:24Na-undyokan lang po ako ng kaibigan ko.
01:29Nakakunin daw po namin yung baril.
01:31Balak daw, ibenta, sabi ng tropa ko.
01:34Benta na lang daw po na wala po ang magagawa, gumawa din po ako ng mali.
01:39Nain quest na kahapon ang sospek at nasampahanan ang reklamong TEF.
01:43Patuloy ang hinahanap ang iba pa niyang kasama.
01:45Sabi ng polis siya, may investigasyon na rin ang security agency kung bakit nakatulog noon ang 23-anyos na gwardya.
01:51Inaalam din nila kung may posibilidad na nasobrahan sa oras ng duty ang biktima at hindi sapat ang pahinga.
01:58Baka naman hindi nila kaya, pinipilit na lang.
02:00Ang pinaka-worse kasi dito na nakikita natin, what if yung firearms ay magamit sa krimen?
02:08O magamit ito sa mismo sa gwardya?
02:12Sinubukan namin makipag-ugnayan sa security agency ng kondominium.
02:16Itinanggi ng shift in charge doon na nagkaroon ng insidente ng nakawan sa kanila.
02:20Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:38Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended