00:00Mga kapuso, maganda kumaga po sa inyo.
00:02Nandito pa rin po tayo ngayon sa isang bahagi ng paanan ng Binalio Landfill
00:07kung saan nga po naganap yung pagguho ng bundok ng mga basura noong January 8.
00:12At sa mga sandali pong ito ay tuloy-tuloy pa rin po yung isinasagawang paghahanap
00:17sa 23 pa nga nawawala.
00:20At yung naririnig nyo pong ingay at yung nakikita ninyo po sa aking likuran
00:24ay yung patuloy na operasyon ng paglilipat at pagbabagsak ng mga debris
00:29na nanggagaling po doon sa guho.
00:31At ito po ay nagko-concentrate sa ngayon yung mga rescuers na linisin yung mga debris
00:40para mas madali po yung paghalukay doon sa lugar at hanapin,
00:45mahanap yung mga nawawala pa.
00:47Sa punto pong ito ay makakausap po natin ang isa sa mga rescuer
00:50na si Senior Fire Officer 1, Fulbert Navarro, ng BFP Special Rescue Force.
00:58Magandang umaga po sa inyo.
00:59Magandang umaga po sa iyo, ma'am.
01:01Una po sa lahat, makikibalita po kami.
01:03Meron na po bang nadagdag doon sa mga na-recover,
01:07doon sa bilang po na labing tatlo na na-recover ng mga nasawi?
01:12As of 6 a.m., ma'am, yung report na nakuha natin,
01:16we have 13 na cadavers currently recovered from the site.
01:23So, wala pang nadagdag as of now sa ngayon.
01:27Meron po kasi nasasabi sa amin ng mga taga rito na involved din po sa paghanap
01:31na meron pong mga nakita na na mga bangkay pero hindi ma-extract.
01:37Meron po bang ganitong positive identification?
01:40Currently, ma'am, may mga teams na ina nag-conduct ng search doon sa area.
01:43So, they have found mga around siguro, 6 siguro yun.
01:48Pero hindi pa yun pwede ma-extract kasi pahirapan pa rin yun.
01:51Patuloy pa rin yung clearing operations.
01:54Sir, hanggang kailan po magpapatuloy yung inyo pong paghahanap?
01:58Talagang tatapusin nyo hanggang matapos o ma-recover yung all 23?
02:02We will try, ma'am, na i-recover lahat talaga, no?
02:06So, until such a time na mag-command yung IC, na mag-remain muna kami dito,
02:12yung incident commander namin.
02:13So, we will do our best sa makuha yung lahat na missing persons.
02:19Kahapon po, may sinasabi po sa akin, no, nung kapanayam ko po si Cebu City Mayor Archival,
02:27si Mayor Nestor Archival, na meron daw pong signs of life pa.
02:31Hanggang ngayon po ba, meron pa po kayong nadedetect using your equipment?
02:34The team, ma'am, na in charge dun sa pag-detect ng signs of life is separate sa amin.
02:42We have a specialist.
02:43We tap to several mining firms para mag-conduct ng testing using their equipment.
02:51So, probably ma'am, may mga nadedetect pa rin sila.
02:55But we can't really tell if it's human or baka mga daga lang yung sa ilalim.
02:59Ah, possibly kasi may daga sa ilalim.
03:00Sensitive kasi yung mga equipment nila.
03:02Mm-hmm, mm-hmm. Pero, syempre, hindi pa rin kayo nawawala ng pag-asa?
03:07Ah, syempre, umaasa pa rin tayo na may magkuha tayo dun sa loob.
03:12Kasi, based on our experience, kahit na ilang araw na yung operation, may nakukuha pa rin.
03:19Nabuhay?
03:20Oh, yes. So, most probably, baka lang may sign of miracle,
03:27na makakuha pa rin tayo dun ng buhay mula sa loob ng scene.
03:31Ano po yung ginagawa po ninyong pag-iingat para masigurong hindi rin po malalagay sa peligro yung mga rescuers
03:36na sa around 500 daw po, sabi ni Mayor, yung mga talagang tumutulong doon.
03:41Ah, dahil syempre, meron pa rin pong ulat ng mga paggalaw, pag-uho, tapos umuulan din po, di ba?
03:47Yes. Ah, puno sa lahat yung health ng mga rescuers natin, lahat ng mga responders na nandito,
03:52ay pinagbigyan ng pansin ng ating gobyerno.
03:56So, we have emergency medical services available na nag-vaccinate sa amin
04:00and then give first aid to whoever na ma-injured na mga responder.
04:06In fact, meron tayong kasamahan na nasugatan nung magkarawang araw,
04:11nasugatan lang siya sa kamay.
04:12But, although malaliit na yun na nasugat, so, it can still pose a danger,
04:19so, kagad na nilapatan ng paunang lunas.
04:22And then, we have safety protocols na strictly being enforced dun sa loob.
04:28So, lahat ng mga responders must wear proper PPE, personal protective equipment,
04:34gaya ng helmet, gloves, tsaka naka-boots, lahat.
04:37Walang nakashorts, walang nakasinilas.
04:39So, strictly enforced yun to prevent further injuries, to protect us.
04:44At saka, meron tayong mga spotter team na constantly monitoring the landfill.
04:48Kasi sa likod dun, kung saan nagkaroon ng pag-uhoop,
04:52mataas pa rin yung basura dun sa loob.
04:55Kung sakali magkaroon ng danger, madali kayong makaka-evacuate?
04:58Hindi kayo madadagdag dun sa posibleng mabiktima?
05:03Sana hindi tayo umabot dun sa point na ganun.
05:07But, there is still a danger na baka magkaganon, ma'am, kasi medyo unstable.
05:13Parang basura yun, hindi yung lupa eh.
05:15Yung basura kasi, assorted na debris yun.
05:17Opo.
05:18So, pwede, saka basa din.
05:21Kasi umuulan nung makarang mga araw.
05:24So, yung basura is very slippery.
05:27So, bukod po dyan, meron pa po ba kayong nakikitang mga hamon dun sa inyo pong isinasagawang operasyon?
05:32Aside sa mga nakikita nyo sa background natin, mga debris, malalaki yung mga debris dyan.
05:36So, mga steel po yan, mabibigat.
05:39Bakal.
05:39Bakal, o.
05:40Saka may mga machines dun, mga makinarya na sa kanya sa landfill, sa material recovery facility,
05:47na mabibigat talaga.
05:49So, we required cranes, we were using cranes from the AFP,
05:53at saka mga private companies para ma-lift yun.
05:57Alright.
05:58Yes, ma'am.
05:59So, of course, we're wishing you well, sir.
06:01Mag-iingat po kayo, and patuloy po kami makikibalita sa inyo pong isinasagawang operasyon.
06:06Yan po si Senior Fire Officer Juan Fulbert Navarro ng BFP Special Rescue Force.
06:14Maraming maraming pong salamat at ingat po kayo.
06:16God bless you.
06:17Balik po muna sa studio.
06:19Gusto mo bang mauna sa mga balita?
06:22Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
06:27Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments