Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sumuko sa polisya ang isang lalaki na maril ng kaalitan niyang security guard sa Rodriguez Rizal.
00:07Paliwanag niya, sinuntok siya ng biktima hanggang sa magkaagawan sila ng baril.
00:12May unang balita si EJ Gomez.
00:19Nasa kote ng Rodriguez Police ang 48-anyos na lalaking sospek sa umano'y pamamaril
00:26ng isang security guard sa barangay San Jose Rodriguez Rizal gabi nitong Sabado.
00:31Sa investigasyon ng polisya, nagsimula sa suntukan ng sospek at 57-anyos na biktima ang krimen.
00:39Base sa pahayag ng sospek sa polisya, nagtitinda raw siya ng mga prutas sa may kasiglahan village
00:44nang sugurin daw siya ng biktima.
00:46Yung araw ngayon ay nagkita sila doon, nag-deliver siya ng manga
00:51at kagad siyang kinumpronta, ano yung mga pinagsasabi mo.
00:55At nagkaroon sila ng suntukan doon sa may tindahan mismong yun.
01:01Ayon sa sospek natin, ay bumunot ng baril itong biktima.
01:07Kaya inagaw niya, nagkaroon sila ng agagawan at natumba silang dalawa
01:12at bigla na lang pumutok yung baril.
01:17Natamaan yung biktima natin sa may dibdib.
01:21Nakadapa ang biktima ng madatna ng mga otoridad.
01:23Isinugod siya sa ospital pero nasawirin kalaunan.
01:27Ayon sa polisya, dati nang may awi ang dalawa dahil umano sa mga ipinapagawa ng biktima sa bahay
01:33na kanyang inuupahan na pagmamayari ng sospek.
01:37Wala raw kasi itong paalam sa may-ari.
01:39Nagkabaranggayan na rin daw ang dalawa kamakailan lang.
01:43Tumakas ang sospek matapos ang pamamaril.
01:46Mismong asawa ng sospek ang dumulog sa polisya at itinuro ang kinaroroonan ng kanyang mister.
01:51Sumuko ang sospek sa Dasmarinas Police Station linggo ng hapon.
01:56Ang nangyari, nung paghatid ko, nakita yung misis ko, lumabas agad si ***.
02:04Tapos nagalit.
02:05Ang sabi niya sa akin, dami mong sinasabi.
02:09Sabay suntok agad sa akin.
02:11Nung ano, nagpangbuno na kami.
02:15Bumunod siya eh.
02:17Bumunod siya ng ano niya?
02:19Nang ano po?
02:19Ang baril.
02:21Nagagawan daw sila ng baril.
02:24Nawakan ko rin yung gamay niya na awakan ko rin yung dulo ng waril.
02:30Yun, naitutoko sa akin niya yung baril niya.
02:34Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang kaanak ng biktimang nasawi.
02:38Ayon doon sa asawa ng biktima, yung witness natin doon, ay nagkaroon nga sila ng pag-aaway, pagtatalo at nagsuntukan.
02:48Subalit, yung sospek natin na sinasabi niya ang bumunod ng baril.
02:53Sasampahan ng reklamong homicide ang sospek na nakapiit sa Rodriguez Municipal Police Station Custodial Facility.
03:00Ito ang unang balita.
03:03EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended