00:00Inilatag ng Philippine Sports Commission ang ilan sa kanilang mga plano
00:04upang mas paigtingin pa ang paghahanap ng mga bagong atlata sa ibang-ibang partes sa Pilipinas.
00:10Para sa detalya, Nartole Forti, Paulos. Salamat.
00:15Isinusulong ng Philippine Sports Commission ang pagkakaisa ng grassroots development program sa bansa
00:21kasama ang Department of Education para sa mga taonang paligsahan
00:25tulad ng Batang Pinoy at Palarong Pambansa.
00:28Sa kasalukuyan magkahihwalay na isinasagawa ang Batang Pinoy na nasa ilalim ng PSC
00:33at ang Palarong Pambansa na pinangangasiwaan naman ng DepEd
00:36na nagiging hamon para sa mga mag-aaral na sumasabak sa parehong torneo
00:41na may halos magkaparehong kwalifikasyon.
00:44Sa panukala ni PSC Chairman Patrick Gregorio, maaaring itakda ang Batang Pinoy para sa mga edad 8 hanggang 15
00:51habang ang Palarong Pambansa naman ay para sa mga 16 hanggang 20 taong gulang.
00:57Sa ilalim ng bagong setup ang PSC ang mga ngasiwa sa mga kompetisyon kasama ang mga national sports associations
01:03habang ang DepEd naman ang tututok sa administrative at logistics dahil sa mas malawak nitong network sa bawat rehyon.
01:11Tampok sa Batang Pinoy ngayong taon ng halos 25,000 delegado
01:16kabilang ang mahigit 18,000 atleta mula sa mahigit 100 local government units na nakipagtag-iisa ng galing sa 27 sports.
01:25Kapag natuloy ang koordinasyon ng PSC at DepEd,
01:28inaasahang lalong lalakas ang programa sa pagbuo ng National Youth Training Pool
01:32na magmumula sa mga pinakamahusay na atleta ng Batang Pinoy at Palarong Pambansa.
01:37Ibinahagi rin ni Gregorio na may mga pag-uusap ng dalawang ahensya upang matiyak na hindi mag-overlap ang mga nasabing paligsahan.
01:46Dagdag pa nito, nilalayong ma-streamline ng mga grassroots events pagdating ng 2026
01:52sa pamamagitan ng pag-ahati nito base sa mga age group.
01:56Kaugnay pa rito, aminado rin si Gregorio na pinalalakas ang PSC
02:00ang pakikipagtulungan sa mga local government units
02:03para sa pagtatayo ng mga regional training centers sa iba't ibang lalawigan sa bansa.
02:07Kabilang ang target na pagtatayo ng mga training centers para sa sepak takraw at boxing sa Bukidnon
02:13habang nagnanais naman ang lungsod ng Bakulod na magkaroon ng pasilidad para sa football at archery.
02:20Paulo Salamatin para sa atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.