00:00Araw po ngayon ng lunes, alamin muna natin ang presyo ng mga bilihin sa Kamuning Public Market. May report si Vell Custodio. Live, Vell?
00:09Rise and shine, Joshua. Nananating stable ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin dito sa Kamuning Public Market.
00:16Walang paggalaw sa presyo ng gulay, kagaya na ang palaya na mabibili na 115 pesos kada kilo. Ang talong ay 100 pesos o hanggang 140 pesos kada kilo.
00:30Ang kamatis ay 63 pesos ang kilo at ang repolyo ay 120 pesos kada kilo. Pero nananatiling mataas ang presyo ng sili na 450 pesos ang kilo dahil pa rin sa mababang supply.
00:43Para naman sa balak mag-ulam na isda, good news dahil bumaba na hanggang 40 pesos ang presyo ng bangus na 240 pesos per kilo na lang.
00:54Bura rin ang tilapia na 160 pesos ang kilo. Pero bumaba daw ang supply ng galunggong, kaya binibenta ito ng 400 pesos kada kilo.
01:03Stable din ang presyo ng karing baboy. Ang kasim at pigay ay mabibili ng 340 pesos kada kilo.
01:09Ang 380 pesos naman sa liempo. Hiling ng retailers na sana huwag nang kumalaw ang presyo nito hanggang sa Desyembre kung kailan inaasahang tataas ang demand ng karing baboy.
01:21Mabibili naman ang isang buong manok ng 200 pesos. Nananatiling stable ang local rice na na sa 37 pesos hanggang 43 pesos kada kilo.
01:30Pero kagaya noong nakarang linggo, mataas pa rin ang presyo ng imported rice na 45 pesos hanggang 58 pesos, depende kung ito ay regular milled, well milled o premium rice.
01:41Joshua, patuli naman ang market inspection ng Department of Agriculture upang tiyakin na angkop ang mga presyong ipinapataw sa mga basic necessities at prime commodities at walang inaibibenta na ismuggled na produkto.
01:56Kung sakaling makakitaan na anumang kwestyonable sa presyo ng mga pangunahing bilihin, ay pagpapaliwanagin naman ng DA ang mga retailers para matunto ng ugat ng anumang anomalya sa presyo.
02:08Balik sa'yo Joshua.
02:09Maraming salamat, Vel Custodio.