Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Why are you in the government?
00:06Grabe.
00:08Grabe.
00:10It's a help.
00:12It's a lot of people here.
00:16It's a lot of people here.
00:18It's a woman after she was married at a employee of the Bureau of Internal Revenue,
00:24or BIR.
00:26Kwento ni Nika Kadalin.
00:28Nag-a-apply siya ng TIN ID sa Online Registration and Update Systems o ORUS.
00:34Pero ilang beses daw itong nag-error.
00:36Nang pumunta siya sa tanggapan ng BIR sa Novaliches,
00:39nainis umano ang empleyadong humarap sa kanya dahil hindi siya dumaan sa ORUS.
00:44Ipinaliwanag naman daw ni Kadalin ang naranasang mga error sa website ng BIR.
00:50Ipinakita pa raw niya mismo na hindi ito gumagana sa kanyang cellphone.
00:54Sabi ni Nika, sarcastic ang dating ng mga sagot sa kanya ng BIR employee.
00:59Naghain na ng reklamo si Kadalin sa Anti-Red Tape Authority pero wala pa raw silang tugon.
01:05Ayon naman sa BIR, Novaliches,
01:07nag-leave na ang inireklamo ang empleyado mula nang mangyari ang insidente
01:11at terminated na siya sa trabaho simula bukas.
01:15Inisyohan siya ng show cost order para makapagpaliwanag.
01:21Gumugulong na ang Asia-Pacific Economic Cooperation 2025 sa Gyeongju, South Korea.
01:27Nasa Wabek International Convention Center o HIKU na si Pangulong Bongbong Marcos kung saan isinasagawa ang summit.
01:35Nakakapulong niya roon ang economic leaders ng dalawangpung iba pang EPEC member countries.
01:42Bago ang mismong summit, pumarap muna si Pangulong Bongbong Marcos sa Filipino community sa Busan kahapon.
01:48Ibinahagi niya sa kanila ang pagtatayo ng konsulado sa Busan at ang panggubukas ng SSS office sa Seoul.
01:56Nabanggit din ang Pangulo ang mga isusulong niya sa mismong summit.
02:00Kabilang na riyan ang pagpapalalim pa ng ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asia-Pacific region.
02:06Pati ang pagsusulong sa Pilipinas bilang isang bansang may magandang business climate.
02:12Ang iba pang detalya sa nangyayaring EPEC summit, ihahatid namin maya-maya lamang.
02:17Dahil pa rin po tayo mula rito sa Manila North Cemetery, sa ating obserbasyon ay maganda yung latag ng seguridad at sistema dito sa Manila North Cemetery ngayong taon.
02:34May designated parking para sa mga official vehicles. Hindi na sila nagsisiksikan dito sa harapan mismo ng entrada ng sementeryo.
02:42Marami sa ating mga kababayan naglalakad lang naman mula sa mga kalya patungo rito, particular ang Dimasalang Street, Blooming Street at Calavite.
02:50Para naman sa mga gusto magsiyar ay nakakalat po ang mga portalets sa kabuuan ng sementeryo.
02:55Marami sa mga ito ang nakapuesto sa A Bonifacio Avenue bago pumasok dito sa Manila North Cemetery.
03:01Hindi siyempre mawawala ang mga nagtitinta ng mga bulaklak at mga kandila sa labas ng sementeryo na dinaraanan ng mga tao bago sila pumasok dito.
03:09Bukod sa mga polis, nakaalalay din ang mga tauhan ng barangay at mga kawani ng city hall para sa maayos na dalin ng trapiko at ng mga tao papasok at palabas ng Manila North Cemetery.
03:20Makikita rin po dito ang serbisyong toto boost ng unang hirit.
03:24May libreng pagkain at tubig po dyan, pati na rin kape, kandila at iba pa.
03:29Bukas yan po ngayon ng araw hanggang sa November 1.
03:38Samantala mas kaunti na raw yung mga pasahero sa Batangasport ngayong araw kumpara po kahapon.
03:44Detaly tayo sa ulat on the spot ni Tina Panganiban Perez.
03:48Tina?
03:50Raffi, may mga pasahero pa rin dito sa Batangasport ngayong bisperas ng undas.
03:59Nagahabol na makarating sa kanilang paruroonan para makapagbigay galang sa mga namayapan nilang kaanak.
04:10Ang inaasahang buhos ng mga pasahero ngayong magpukundas dito sa Batangasport mukhang nangyari na kahapon.
04:17Ayon kay Batangasport manager Aurora Mendoza, mahigit 13,000 ang mga pasahero rito kahapon.
04:24Nagsimula ang bilang ng hating gabi ng October 29 hanggang hating gabi kagabi.
04:29Ngayong umaga, maraming pasahero ang nagdatingan kaninang bandang alas 7.
04:34Pero sa waiting area ng mga pasahero, marami pa rin mga bakanteng upuan.
04:39Sa kabuhuan, umabot na sa mahigit 89,000 ang mga pasahero rito sa Batangasport mula noong October 23.
04:48Ayon kay Mendoza, pinakamaraming pasahero ang papuntang Kalapan, Oriental Mindoro kung saan oras-oras ang alis ng mga barko.
04:56Para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga nandito sa Batangasport, namigay ng face masks ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary.
05:07Mukhang kahapon talaga yung pinaka-peak because yun yung last day.
05:11Yung last day of office kahapon and then ngayon kasi declared holiday na tayo.
05:17So sa aming record, kahapon yung pinaka-malaking golyom ng pasaherong dumating.
05:25May darating at may darating pa rin ngayon.
05:27Pero ang sa tingin ko lang, hanggang hindi ganun lulobo din katulad ng naitala kahapon.
05:39Ang sunod na buhos ng mga pasahero na pinaghahandaan ng Batangasport Rafi
05:44ay yung pagbabalik ng mga pasahero sa November 2.
05:49Pero hindi naman inaasahang maiipo ng mga tao sa loob ng terminal
05:53dahil hindi na sila daraan sa passenger waiting area.
05:57Rafi?
05:59Maraming salamat, Tina Pangaliban Perez.
06:04Tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga uuwi sa kanika nilang probinsya
06:07ngayong Long on Das Weekend sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
06:11Alamin po natin ang sitwasyon dyan sa ulot on the spot ni Jun Veneracion.
06:15Jun?
06:20Connie, minsan mahaba ang pila ng mga pasahero.
06:23Minsan naman ay hindi.
06:24Ganyan ang sitwasyon ngayon dito sa entrance ng Paranaque Integrated Terminal Exchange.
06:29Natabilan tayo, bahagya Connie para makita niyo yung live video ng sitwasyon dito sa entrance.
06:35As of 11 a.m., halos 70,000 na ang mga pasahero nagpunta dito.
06:41Ngayong araw, nasa 180,000 hanggang 190,000 na pasahero ang inaasahan dito sa PITX.
06:48Mahigpit ang inspeksyon na ginagawa ng mga security personnel sa mga pasahero at kanilang mga gamit.
06:54Yan ay para hindi makalusot ang mga pinagbabawal na gamit dito.
06:58May mga nakumpis ka ng mga gamit tulad ng patalim, lighter at butane gas canister.
07:05Meron ding mga nakaabang na K9 unit para naman sa random inspection.
07:10Mamaya, Connie, ay inaasahan pa talaga na mas marami pang pasahero ang magpupuntahan dito.
07:17So, gaya nga na sinabi ko kanina, ay sa pagkita ng 180,000 hanggang 190,000 na mga pasahero ang inaasahan ngayong araw, ngayong bispiras ng undas.
07:28Yan ang latest mula rito sa PITX. Balik, Sir Connie.
07:31Maraming salamat, June Veterasyon.
07:33Mga kapuso, ipapasubasta na ang pitong luxury vehicles na mag-asawang diskaya ayang sa Bureau of Customs.
07:47Ipapabid daw ito sa November 15 na planong i-livestream ng customs.
07:52Hindi na raw pumalag dito ang mga diskaya, pero may anim pa raw silang sasakyan na ayaw bitawan.
07:58Gusto rin ang mga diskaya na magbayad na lamang ng multa, pero mahirap daw ito ayon sa customs dahil may hinahapol pa sa kanila ang Bureau of Internal Revenue.
08:07Inaaral pa kung sa BIR o BOC mapupunta ang isinukong sasakyan ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez dahil legal naman daw ang papeles nito pero inaalam pa kung nabayaran ng tama ang tax.
08:20I-sinapubliko na ng Independent Commission for Infrastructure ang ilang natuklasan nila sa maanumalyaungan ng flood control projects.
08:32Kabilang ang testimonya na si dating Congressman Zaldi Corrao ang nasa likod ng 35 billion pesos na flood control projects sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025.
08:45Balitang hatid ni Joseph Moro.
08:50Dahil closed door ang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
08:55pili ang mga detaling nalalaman ng publiko tungkol sa testimonya ng mga humaharap dito.
09:00Pero sa labing siyam na pahin ang interim report ng ICI,
09:03masisilip ang ilang detaling isinawalat ng komisyon.
09:06Sa testimonya ni dating DPWH Engineer Henry Alcantara,
09:10sinabi niyang si dating Representative Zaldi Corrao ang naging proponent o nasa likod ng nasa 35 billion pesos na halaga ng mga flood control project mula 2022 hanggang 2025.
09:22Ayon kay Alcantara, ilang beses siya nagdala ng pera bilang advance kay Corrao sa kanyang mga isinulong na proyekto.
09:29Ayon naman kay dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez,
09:34siya mismo naghahanda ng kahon-kahon at mali-malitang pera para kay Coe na tig-30 hanggang 50 million pesos.
09:41Sa huling delivery ni Hernandez, bago pumutok ang isyo sa flood control projects,
09:46doon na raw niya nadiskubre ng bahay ni Coe sa isang exclusive village sa Pasig,
09:50ginagamit lamang bilang imbakan o taguan na mga idinideliver na cash kay Coe.
09:55Wala daw mga mueble sa loob at ang laman, puro maleta mula sa iba't ibang sources.
10:01Ayon rin kay Alcantara, mga flood control projects naman kung saan sangkot umano si Commission and Audit Commissioner Mario Lipana
10:08para lamang na protektahan ang mga ari-arian niya at ni Coe sa Bustos Bulacan.
10:13At ang in-charge sa mga ito ay ang engineer na itanalaga ni Alcantara.
10:17Ang mga testimonyo ni Alcantara, Hernandez at DPWH Assistant Engineer JP Mendoza
10:23ang ginamit na basihan ng ICI para pakasuhan ito sa ombudsman ng plunder, bribery, graft at iba pa
10:29si na Sen. Jingo Estrada at Joel Villanueva, si Coe at tatlong iba pa.
10:34Itinangginin na Estrada at Villanueva ang aligasyon.
10:37Hinihingin pa namin ang reaksyon si na Coe at Lipana.
10:41Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:44Nakatakdang iburol sa Pilipinas ang labi ni sparkle artist at influencer na si Eman Atienza.
10:55Inanunsyo yan ng kanyang ama na si Kuya Kim Atienza.
10:58Sa November 3 at 4 daw, nakatakdang iburol si Eman sa Heritage Memorial Park sa Taguig.
11:04Bukas daw ito sa mga gustong makiramay mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 10 ng gabi.
11:10Noong October 22, pumanaw si Eman sa edad na 19.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended