Skip to playerSkip to main content
Hanggang dalawang milyong dalaw naman ang inaasahan sa Manila North Cemetery bukas. Lunes pa nagsimula ang pagdagsa ng mga pagdalaw doon at kanina, may mga nahirapan nang maghanap ng puntod. May nagliyab pa sa entrada ng sementeryo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang 2,000,000,000 naman ang inaasakan sa Manila North Cemetery bukas.
00:05Lunis pa, nagsimula ang pagdagsa ng mga pagdalaw doon at kanina,
00:09may mga nakira pa ng maghanap ng puntod.
00:12Ba, may nagliyab pa sa entrada ng sementeryo.
00:15Nakatutok si Darlene Kai.
00:20Sa napakaraming CCTV sa Manila North Cemetery,
00:24may isang nagliyab sa entrada kaninang hapon.
00:27Agad namang rumespondi ang mga kauni ng BFP kaya hindi kumalat ang sunog na iniimbestigahan pa.
00:32Pero hinihinalan dahil sa naulan ng wiring.
00:35Gumagana naman ang iba pa na gamit sa pagbabantay rito.
00:38Kanina, inabutan namin si Nana Yolanda na palingaling ang naglalakad kasama ang kanyang mga anak at apo.
00:44Taon-taon mang dumadalaw, nahihirapan siya ngayong hanapin ang puntod ng asawa dahil tila raw may nagbago.
00:51Nakakalito dahil dati, yung pag-ano namin, madamog pa eh.
00:56Ngayon, malinis na eh.
00:59Kaya punahalito kayo.
01:01Kaya yung mga palatandaan namin, hindi na namin kung saan na eh.
01:04Ang punto di Tatay Divid, tinayuan pala ng bubong ng caretaker.
01:08Nung nakaraan kasi walang bubong to.
01:11Nagpapasalamat na kami dahil andyan sila na nagbabantay.
01:14Tulad ni Nana Yolanda, maaga na rin dumalaw rito ang pamilyan Evangeline.
01:19Hindi talaga kami laging nagkikita-kita.
01:22So ito yung napakagandang pagkakataon na magsama-sama kami.
01:25Tapos syempre nagtsismisan kami.
01:27Mutikan na mamatay yung mga ano namin eh.
01:29Yung mga napagtsismisan.
01:33Hindi kasi mamila po kami nagtsismosa.
01:36Mahigit 10,000 tao ang dumalaw rito ngayong araw ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery.
01:41Kaya mahigpit ang siguridad mula pa lang sa entrada ng sementeryo.
01:44Taon-taon walang humpay yung paalala ng mga otoridad tungkol sa mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo.
01:50Pero talagang taon-taon eh hindi pa rin mawawala ng mga susubo.
01:54Kaya ilang gamit na yung mga nakumpiska, wala pa yung bisperas at mismong onda.
01:59Sulad na lang nitong ilang sigarilyo, mga gamit pampintura, may cutter dito at walis.
02:05Hindi na rin kasi pwede yung magsaayos at maglinis ng mga nicho.
02:08Kung noong nakaraang taon ay hanggang alas 7 lang ng gabi bukas ang Manila North Cemetery.
02:13Ngayong taon hanggang alas 9 ng gabi.
02:16Para hindi rin magsabay-sabay ang ano, para umaba ng konti oras nila.
02:21Ngayong Undas 2025, inaasahang aabot sa mahigit 2 milyon ang dalaw rito.
02:26Kaya kinumusta ni Manila Mayor Isco Moreno ang kahandaan ng Manila North Cemetery.
02:31Gayun din ang mga nagtitinda na bawal sa loob.
02:34Million-million kasi ang darating.
02:37Eh, hindi naman na lumalawak ang sementeryo.
02:40Impact, pasikip ng pasikip ito.
02:43Eh, ayoko naman na magkaroon ng inconvenience sa mga dadaku dito.
02:50Sinilip niya rin ang mga assistance desk kung saan pwedeng pakabitan ng libreng wristband ng mga bata,
02:56pati ang puntod finder na tumutulong sa paghanap ng mga hindi makitang nicho.
03:01Namimigay ang mga kawanin ng LGU ng kandila, bulaklak at face mask din.
03:06I'm not going to require, but I would suggest, it's highly preferred na kapag kayo'y may nararamdumak.
03:15Nag-inspeksyon din ang PNP.
03:17We are sure na magkakaroon po tayo ng isang mapayapa at ligtas na pagunitan ng undas dito sa North Cemetery.
03:26At titignan din po natin kung kailangan po natin magdagdag ng additional na kapulisan po rito.
03:32Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended