Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Siniwala ng Department of Environment and Natural Resources, DENR, ang flood control project sa Laguna, Dubai, na imbis makatulong, nakapagpalala pa raw sa baha.
00:10Dusot naman sa Senate Finance Committee ang 2026 proposed budget ng Department of Public Works and Highways.
00:17May unang balita si Mav Gonzalez.
00:19Mahigit siyam na raang proyektong gustong papondohan ulit ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa 2026 kahit napondohan na ngayong 2025 ang napansin sa budget ng kagawaran.
00:34Paliwanag dito ni DPWH Secretary Vince Dizon, nagmukalang umuulit ang mga ito dahil generic ang pangalan ng mga proyekto.
00:41Halos 800 na raw ang na-validate ng DPWH at natuklasang itinutuloy pa.
00:46Pinababa po namin ang mga proyektong ito based on geo tag locations and pina-validate po natin kung ito bang mga proyektong ito ay completed na ba.
01:01Kukuwanan po ng litrato, ng dated at tag photos para makita po na unang-una sa sarili nating mata, makikita natin na hindi pa tapos yung proyekto at merong continuation.
01:14Kaya pinalitan na raw nila ang pangalan ng mga proyekto para lagyan ng technical description.
01:20Nakalagay na rin kung continuation ito o completion ng isang proyekto.
01:24Lampas 11 billion pesos ang halaga nang na-validate na ng DPWH pero may halos 3 bilyong piso pang hindi na-check dahil kinulang na raw sa oras ang DPWH.
01:33Meron ba kayong nakitang talagang doble, nag-repeat siya based on your analysis?
01:42Mr. Chairman, let me find out.
01:46Yung talagang doble.
01:48Dito po sa 798, wala pong nakita.
01:53Lahat yun po ay na-validate given the submissions.
01:57Doon sa remaining 148, hindi po natin alam.
02:00So that's why Mr. Chairman, ako po, I will put it on the record.
02:05If the committee will not grant us any more time, please feel free po to just remove that.
02:10Binigyan ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Wyn Gatchalian nang hanggang biyernes ang DPWH para subukan pang i-validate ang ibang proyekto.
02:19Inaprubahan na ng komite ang proposed budget ng DPWH para sa 2026 at isusumiti na sa plenaryo kapag naibigay na ng kagawaran ang mga hinihingin dokumento ng Senado.
02:29Sa gitna ng mga kontrobersyang kinakaharap ng DPWH dahil sa flood control projects,
02:34isiniwalat ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga maanumalya o manong proyekto na nakita nila sa pamamagitan ng satellite imagery.
02:44Isa rito ang isang flood control project sa Laguna, Debay na sa halip na kontroli ng pagbaha ay lalo paraw itong pinilalala.
02:51Lumabas na hindi pala ito flood control project, kundi isang reclamation project.
02:55This is a flood control project within Laguna, Debay.
03:01But if you look at the satellite images, they are actually reclamation projects within the lake, right along C6.
03:14And so this is a different kind of issue because there are much, much more permits, environmental impact.
03:22Maybe it even causes further flooding within the Laguna Lake area when you do reclamation projects.
03:30Ayon pa kay DENR Undersecretary CP David, may ibang proyekto na sa halip mapigilan ng baha ay lalo pang magpapabaha.
03:38Tinukoy niya ang dalawang dikes sa Kamiling River sa Tarlac at isang itinayong dikes sa Lumpataan, Davao de Oro.
03:45Sabi ni DPWH Sekretary Vince Tizon, ipatitigil na nila ang pagtatayo ng mga depektibong flood control project na walang plano
03:52at hindi naman nakakatulong laban sa baha. Baka nga raw kailangan pambaklase ng ilang nagawa na.
03:57Maybe we might even need to dismantle some of those flood control projects because of their net harmful effects to the community.
04:07Pero may patakaran daw ang Commission on Audit na hindi pwedeng basta magdemolish ng proyekto sa loob ng ilang taon kaya maingat nila itong pag-aaralan.
04:15Sinita rin sa pagdinig ng Senado ang lumobong pondo para sa farm-to-market roads.
04:20Mula sa 16 billion pesos na hiningin ng ehekutibo sa 2026, dumoble ito sa 32 billion pesos sa bersyong ipinasa ng Kamara.
04:29Ayon sa Department of Agriculture, dapat kasama sa network plan ang anumang ipagagawang farm-to-market road.
04:35Hindi rin maipatutupad ng DPWH ang mga proyekto kung hindi ito i-validate ng DA.
04:40For validation pa po Mr. Chairman, some of those FMRs.
04:44So yung natitirang 8 billion, wala ito sa network plan?
04:49Wala pa po ngayon sa network plan.
04:52Kung hindi ma-validate hanggang biyernes ang mga questionabling proyekto, tatanggalin na ito sa pupondohan para sa 2026.
04:59Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
05:03Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
05:14Igan, mauna ka sa mga balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended