00:00Natagpuan patay ang isang senior citizen na kasambahay sa pinapasokan niyang bahay sa Taytay Rizal.
00:06Naaresto naman ang 45 taong gulang na suspect na dating caregiver sa bahay.
00:11Ang naging ugat ng krimen alamin sa unang balita ni E.J. Gomez.
00:18Nakadapa, duguan at wala ng buhay nang matagpuan ng mga otoridad ang 70-anyos na babaeng kasambahay
00:26sa pinagtatrabaho niyang bahay sa Barangay San Isidro, Taytay Rizal.
00:31Ang biktimang kinilalang si Rosie Mon, pinagpapalo ng electric grinder sa ulo ayon sa pulisya.
00:38Suspect sa krimen ang dating caregiver sa bahay.
00:41Magkasama raw ang dalawa bago ang insidente base sa pahayag ng biyana ng biktima sa pulisya.
00:47Inalukuman nun ang trabaho ng biktima ang suspect na napagalamang may utang sa kanya.
00:52Pumayag daw ang suspect pero nauwi raw sa pagtatalo ang usapan ng dalawa.
00:58Ninalait daw po siya noong biktima tungkol sa kanyang pamilya na hindi na po niya nagustuhan na uwi po ito sa pagtatalo.
01:10Yung biktima raw po ang unang nanakit sa kanya.
01:13Binato daw po siya ng baso. Binato rin daw po siya noong electric grinder po.
01:20Nagagawan daw ang dalawa sa electric grinder hanggang sa makuha ito ng sospek at saka pinagpapalo ang biktima.
01:27Hindi po bababa sa walong pukpuk po ang ginawa ng ating sospek sa biktima.
01:35At hemorragic shock po ang sanhinang pagkamatay ng ating biktima.
01:39Halos hindi na po makita, ma-identify yung mukha ng ating biktima doon.
01:45Sa follow-up operation ng pulisya, natunto ng sospek sa bahay ng kanyang anak sa Rodriguez Rizal matapos ituro ng kanyang asawa.
01:53Aminado ang sospek sa krimen dahil daw sa hinanakit.
01:57Kaysa daw po yung mga anak ko po ay iba-iba daw po yung tatay.
02:02Mayroon po kaysa daw po yung asawa ko, mayroong babae.
02:05Sobrang sakit man lang po siyempre.
02:07Pinalo po ako sa tuhod ng kahoy, kaya po ako panay pa sa akin.
02:11Yung electric grinder po gusto niya pong ipukpuk sa akin.
02:14Anong naaga ko po sa kanya yung grinder, sa kanya ko po naipukpuk.
02:18Sobrang pagsisisi po.
02:20Hindi ko naman po sinasadyang pumantong sa ganong pangyayari.
02:23Talagang napakasakit sa aming magkakapatid, sa mga anak niya.
02:28Hindi namin matanggap ang pangyayari.
02:33Buhay ang kinuha niya, maaaring lang pagdusahan po niya.
02:37Sa custodial facility ng taytay pulis nakakulungang sospek na inquest na siya at sinampahan ang kasong homicide.
02:46Ito ang unang balita.
02:47EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
02:51Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:55Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments