Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi pa rin naaayaw sa mga silid aralan sa Bacolod City na nasira ng Bagyong Tino.
00:04Sa Kalasyo, Pangasina naman, baha pa rin sa ilang eskwelahan at halos dalawang linggo nang walang pasok.
00:11Live mula sa Kalasyo, Pangasina, may unang balita si Cindy Salvasio ng GMA Regional TV. Cindy?
00:18Okay.
00:22Susan, mahigpit na binabantayan at minomonitor ng DepEd Regional Office 1 ang mga binabahang paaralan dito sa buong regyon matapos ang pananalasan ng Bagyong Uwan.
00:32At bagamata, prioridad nga ng DepEd, ang kaligtasan ng mga estudyante, tinitiyak naman nila na hindi maapektuan ang pag-aaral ng mga ito.
00:41Pagpasok pa lang sa loob ng Banlag National High School sa Kalasyo, Pangasinan, bubungad na ang baha.
00:51Kaya hindi pa tinatanggal ang mga inihilerang gulong ng sasakyan sa gilid upang may madaanan ang mga gurot estudyante.
00:58Ang naipong tubig sa bahaging ito, nagmistulan ng maliit na palaisdaan. Ilang estudyante ang handa naman na rao pumasok.
01:05Pag sa Monday na lang po, pinsanan na lang po para mabawasan din ang baha dyan eh.
01:09Ang priority po kasi ng DepEd Sir ay ang safety and security ng mga guro at siyempre ng ating mga mag-aaral.
01:16Mas malala ang baha sa katabing Banlag Central School. Makikita ang lawak ng naipong tubig sa loob ng kampus.
01:24Matagal na umunong problema ito ng paaralan. Wala kasing labasan ang tubig.
01:28Nagtutulungan ang pamunuan ng paaralan, barangay council at lokal na pamahalaan upang masolsyonan ang problema.
01:34Patuloy po ang pakikipag-coordinate po natin sa kanila through their district supervisor.
01:41Kaya yung iba po nag-shift po to modular distance learning.
01:45Kadalasan po na ginagawa ng ating mga kaguruan kapag may mga bagyo o kalamidad ay nagkakaroon po sila ng mga make-up classes sa mga panahon po na humupa na po ang baha.
01:57Sinira ng bagyong uwan ang bahagi ng bubong ng gymnasium ng Banawang Elementary School.
02:03Wala namang naapektuhan sa mga silid-aralan.
02:06Handa na raw magbalik iskwela ang mga mag-aaral matapos ang halos dalawang linggong walang pasok na nagsimula pa noong wellness break.
02:14Sa Bacolod City, hindi lang mga bahay ang nasira sa pananalasan ng bagyong tino.
02:19Nasira din ang mga silid-aralan.
02:21Sa Andres Bonifacio Elementary School 1, nasira ang mga silid pati na ang mga kisame ng mga ito.
02:26May mga puno rin nabual sa paligid.
02:29Apat sa mahigit dalawampung silid ang hindi pa magamit dahil nasira ng bagyo, ayon sa pamunuan ng eskwelahan.
02:36Kaya pinalawig pa ang alternative delivery mode sa halip na ibalik ang face-to-face classes.
02:41Kapitado, gitang ato niya mga classrooms na hindi ka pwede masudat.
02:47May harita di sa frontings, ato niya park na nagkala tumbaman ng mga kanopi.
02:53Kasama ang mga silid-aralan ng Andres Bonifacio Elementary School 1 sa 134 na in-report ng DepEd Bacolod City na partially damaged.
03:02Habang may 189 naman na totally damaged sa buong lungsod dahil sa bagyo.
03:07Nagbeligid pa. Supposedly, one week lang ato niya sunbreak, ato niya health break.
03:11Till now, hindi pa regular ang ato niya class.
03:14Nag-localize ang suspension of face-to-face classes.
03:18But it doesn't mean na wala class eh.
03:20Para sa magulang na si JR, mahalagang ayusin muna ang classrooms bago ibalik ang face-to-face classes.
03:31Samantala, nagpapatuloy pa ang consolidation ng DepEd Negros Occidental, kaugnay sa tala ng mga nasirang classrooms sa probinsya.
03:38Nagsagawa na ng inspeksyon ang DepEd at Provincial Government sa ilang bayan itong November 11.
03:44Kasama sa kanilang pinuntahan ay ang mga nasirang silid-aralan.
03:47Inihahanda na rin ang tulong para sa mga paaralan.
03:56Susan, dito sa ating kinaroroonan sa Kalasyo, Pangasinan, bukod sa mga binabahang paaralan, ay may mga paaralan din na wala pang supply ng kuryente.
04:05Patuloy naman na nagkikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa mga paaralan at sa mga electric companies.
04:12Nagsagayon ay mapabilis ang power restoration.
04:15At sa ngayon, nasa maayos na rin ang sitwasyon ang karamihan sa mga paaralan dito sa bayan at nagbalik-eskwela na rin ang mga estudyante.
04:22Susan.
04:23Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
04:27Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:30Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
04:34Mga balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended