00:00A member of the ASEAN is a member of the ASEAN and a member of the ASEAN and a member of the ASEAN.
00:30Sa plenary intervention speech ay pinahayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang kahandaan ng ating bansa sa pag-o-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
00:42Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN member states sa Kuala Lumpur Convention Center para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at related summits ngayong araw.
00:52Pangunahing mensahe sa opening speech ni 47th ASEAN Summit Chairman Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, dapat magkaroon ang ASEAN ng tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership at madaling umangkop sa mga pagbabago.
01:07Isinapurumal na rin dito ang pagtanggap sa Democratic Republic of Timor-Leste na 2011 pa nag-apply para maging ASEAN member state.
01:15Sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
01:18Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
01:24Ang pagpasok daw ng Timor-Leste sumasalamin sa samasamang hangarin ng rehyon tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan at ibinahaging kaunlarang.
01:32Sa plenary intervention speech nga ni Pangulong Marcos, ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
01:39Binigyan diin daw ng Pangulo ang kahalagahan ng ASEAN centrality sa pagtataguyod ng katatagan at pagtutulungan sa rehyon.
01:47Binigyan diin ni Pangulong Marcos Jr. na nakatuon sa practical, inclusive at measurable initiatives ang pag-o-host ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.
01:58Nagpahayag din si Pangulong Marcos Jr. sa patuloy na pagsulong sa legasya ng ASEAN.
02:04Ayon kay Pangulong Marcos Jr., layunin umano ng Pilipinas na makamit ang ASEAN Vision 2045.
02:11Sa sidelines naman ng summit, sunod-sunod din ang pulong o bilateral meeting ng Pangulo sa mga leader ng Cambodia, Thailand, Canada, Japan, European Council at United Nations.
02:22Kabilang sa mga pinag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang nakapulong nito, kabilang sa aspeto ng turismo at ekonomiya.
02:29Nilagdaan din sa summit ang pag-amienda sa second protocol ng ASEAN Trade and Goods Agreement o Atiga.
02:36At sa martes, ang isa pang mahalagang kasunduan na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 upgrade kung saan inaasahan makikinabang ang mga negosyong Pinoy.
02:46At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Balik sa iyo, Pia.
02:51Maraming salamat, Marie Zumali.
02:53Maraming salamat, Marie Zumali.
Comments