Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugata ng isang siklista ng senior citizen matapos sumalpok sa kasalubong na kotse sa Rizal.
00:06Ang nahulikan na disgrasya, tinutukan ni E.J. Gomez.
00:15Yan ang nasapul sa video ng pagsalpok ng isang siklista sa kasalubong nitong kotse sa San Mateo Rizal alas 8.30 ng umaga kahapon.
00:27Na kunan din sa takakam ng kotse ang aktwal na pagsalpok.
00:48Yung takbo naman ng kotse na paahon, normal lang siya na, syempre umaahon, hindi siya matulin.
00:53Itong bike naman, talagang matulin po.
00:57Nabasag ang salamin at nayupi at nagasgas ang pintuan ng driver's seat.
01:02Nasira rin ang side mirror ng sasakyan.
01:05Yung pinangyarihan po ay sharp curve po yun.
01:08Napaka-delikado.
01:09Kinukonsider namin siya na accident prone.
01:12Binigyan ng first aid ang 63-anyos na biker na residente ng Quezon City.
01:17Ayon sa pulisya, nakalabas na ng ospital ng siklista at patuloy na nagpapagaling.
01:23Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ng pahayad ang siklista.
01:27Nagkaareglo rin daw ang dalawang panig.
01:30Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
01:36Bago ang undas sa Salvador, ramdam na ang dagsa ng mga dalaw sa mga pangunahing libingan ng Maynila.
01:43At mula sa Manila North Cemetery, nakatutok live, si Jonathan Andai.
01:47Jonathan.
01:48Ivan, mag-alas sa isa ng gabi, magsasara na itong Manila North Cemetery.
01:55Unti-unti na nagsisilabasan yung mga dumalaw kanina.
01:57Pero kanina, dagsapo yung mga dumalaw rito.
02:00Nasa 30,000 sa taya ng pamunuhan ng Manila North Cemetery.
02:04Pero ang inaasahan talaga nila, aabot ito ng 2 milyon hanggang sa November 2.
02:10Dumagsa kanina ang mga dumalaw sa Manila North Cemetery.
02:19Ang ilang ayaw maglakad, dubalaw na ngayong pwede pang pumasok ang mga sasakyan.
02:23Sakit na ito.
02:25Mga November 1, dati na-try nyo na pumunta dito?
02:28Oo, na-try na namin. Kaya lang, ang hirap pumunta.
02:30Tapos ang layo nang nilalakad namin from dun sa... malayo pa sa gate.
02:35Doon kami nagpa-park.
02:36May mga nakahanda ng wheelchair sa mga mga ngailangan nito.
02:40He, bigat din ang traffic sa roob ng sementeryo.
02:43Simula miyerkoles, bawal na munang pumasok ang mga sasakyan rito.
02:47Nagulat kami kahapon at ngayon.
02:48Eh, ang expect namin, mga 29 pa masisimula ng dati nga.
02:53Siguro, inisip na rin nila na mas maaga, mas maganda.
02:56Last minute na rin ang paglilinis ng mga puntod na hanggang bukas na lang pwede.
03:01Saan may ilang puntod po kayo?
03:04Siguro, mga sampu, ganyan.
03:06Sa isang araw.
03:07Sa isang araw? Tapos one five?
03:10O saan magkano, isampun libo sa isang araw?
03:11Ang pulat na gano'n na isang libo eh.
03:14Kamukana isang lit yung ganyan, babayang kalimandaan.
03:18Si Rufina, nag-direct ng mga kandila sa puntod na walang lapida.
03:22Natabuna na kasi ng mga pinagpatong-patong na puntod
03:24ang libingan ng kanyang 17-day-old baby na pumano noong 2014.
03:28May nag-alokraw na ilipat ito sa tinatawag na apartment,
03:31pero tumanggi sila dahil may kontrata at bayad.
03:34Kasi lilipat din yung pag hindi namin nabayaran.
03:37Maraming pagdating ng due date, wala kami dito.
03:40Hindi na namin siya alam kung saan namin pupuntahan.
03:43May website ang Manila North Cemetery para sa paghahanap sa mga puntod.
03:47Sa isang milyong na kalibing dito, 400,000 na pangalan pa lang ang nasa website.
03:51Hanggang kanina tuloy-tuloy ang pag-i-encode ng mga impormasyon
03:54mula sa sira-sira at tinaanay ng talaan ng mga patay.
03:59Nilagyan din ang air-conditioned units ang isang gusali ng kolombaryo sa sementeryo.
04:03At dahil air-conditioned na itong kolombaryo, bawal na pong mag-tirik ng kandila dito sa loob.
04:10Ang pwede na lang dito sa labas, meron ditong candle stand kung saan pwede lang mag-tirik ng kandila yung mga tao.
04:17Kanina, sunod-sunod ang mga humahabol na maglibing, lalot hanggang sa martes na lang muna ito pwede at bawal sa mismong undas.
04:25May nakunan din kaming nagpapatugtog ng loudspeaker sa ibabaw ng puntod.
04:30Bawal yan at kukumpiskahin, sabi ng pamunuan ng sementeryo.
04:34Bawal din magdala ng alak, baraha, matatanim na bagay, pati ng mga alagang hayop.
04:38Ang mga bawal sa Manila North Cemetery, bawal din sa Manila South Cemetery.
04:44Umaga pa lang, umabot na sa 7,000 ang dumalaw doon.
04:47Ngayon ang huling araw para maglinis ng mga puntod doon.
04:50Ayon sa pamunuan ng sementeryo, sa November 1 nila inaasahan ng dagsa ng mga dadalaw.
04:55Inaasahan ko yan na itong auno. Siguro maaga pa lang. Pagkabukas, kakapal na ng todo yan. Lalo pag gumanda yung panahon.
05:02Abiso po sa mga motorista, sa darating na Webes hanggang umaga ng lunes ay isasara po sa daloy ng trapiko
05:15ang ilang bahagi ng Blooming Street, Dimasalang, Maceda at Southbound Lane ng Dimasalang Bridge
05:21at Aurora Boulevard sa paligid ng Manila North at Chinese Cemeteries.
05:27Magpapatupad dyan ng rerouting ang Manila Police District.
05:30Dito pa sa Manila North Cemetery, 6 a.m. hanggang 6 p.m. bukas itong sementeryo.
05:36Pero sa miyerkoles hanggang sa linggo, 5 a.m. to 9 p.m. na ang operating hours nito.
05:43Yan muna ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa iyo, Ivan.
05:46Maraming salamat, Jonathan Andal.
05:52Ipinakilala na ang 20 housemates sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
05:57Ang show of support ng kanila mga kapwa-artista, alamin sa aking shika.
06:01Naging makulay ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0
06:11at kapamilya boy group na BGYO.
06:14Nagbalik na rin ang dating host ng show na si Luis Manzano.
06:20Esklusibo na nating nakilala sa 24 oras ang walong housemates.
06:23Kagabi, ipinakilala na rin ang labindalawa pang housemates.
06:28Ang mga kapusong sina Anton Vinson, Wynonna Collings, Caprice Cayetano, Liv Victor, John Clifford,
06:37at Ashley Sarmiento, at kapamilya stars na sina Eliza Borromeo,
06:43Raid Victoria, Inigo Jose, Lella Ford, Rach Alim, at Fred Mosser.
06:49Sa outside world, full support sa journey ng bagong housemates ang mga nakasama nila sa industriya.
06:56At ang ex-housemate na si Charlie Fleming tila may yearning.
07:00Kuya, kinuwa mo si Lee. Kinawa mo si Joaquin. Kinawa mo si Benola. Si Marco. Si Ashley.
07:06At ang isa sa kanyang main concern,
07:08Kuya, kinuwa mo sila lahat. Wala na kaming streak!
07:11Wish tuloy ni Charlie. Bekene men pwedeng pumasok siya ulit sa bahay ni Kuya.
07:20Miembro na po ng ASEAN ang Timor Leste at sunod-sunod din ang pulong ni Pangulong Bomba Marcos sa Malaysia.
07:27Mula sa Kuala Lumpur, nakatutuklay si Marizo Mali.
07:30Yes, Pia, makasaysayan nga ang pagbubukas ng 47th Summit o ASEAN Summit at related summits ngayong araw.
07:39Dahil matapos ang 26 na taon, ngayon lang uli, nagkaroon ng bagong miyembro ang ASEAN.
07:44At ito nga ang Timor Leste na formal nang tinanggap bilang member state.
07:49Sa kanyang mga plenary intervention speech ay pinahayag ni Pangulong Bomba Marcos ang kanyang kahandaan ng ating bansa sa pag-o-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
08:04Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN member states sa Kuala Lumpur Convention Center para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at related summits ngayong araw.
08:15Pangunahing mensahe sa opening speech ni 47th ASEAN Summit Chairman, Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim,
08:22dapat magkaroon ang ASEAN ng tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership at madaling umangkup sa mga pagbabago.
08:30Isinapurumal na rin dito ang pagtanggap sa Democratic Republic of Timor Leste na 2011 pa nag-apply para maging ASEAN member state.
08:38Sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
08:41Naging emosyonal pa si Prime Minister Shanana Gusmau.
08:46Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Bombong Marcos na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
08:52Ang pagpasok daw ng Timor Leste sumasalamin sa samasamang hangarin ng rehyon tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan at ibinahaging kaunlarang.
09:01Sa plenary intervention speech nga ni Pangulong Marcos, ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
09:08Binigyan diin daw ng Pangulo ang kahalagahan ng ASEAN centrality sa pagtataguyod ng katatagan at pagtutulungan sa rehyon.
09:16Sa sidelines naman ng summit, sunod-sunod din ang pulong o bilateral meeting ng Pangulo sa mga leader ng Cambodia, Thailand, Canada, Japan, European Council at United Nations.
09:27Kabilang sa mga pinag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang nakapulong nito, kabilang sa aspeto ng turismo at ekonomiya.
09:34Nilagdaan din sa summit ang pag-amienda sa second protocol ng ASEAN Trade and Goods Agreement o Atiga.
09:40At sa Martes, ang isa pang mahalagang kasunduan na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 Upgrade kung saan inaasahan makikinabang ang mga negosyong Pinoy.
09:50At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Balik sa iyo, Pia.
09:56Maraming salamat, Marie Zumali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended