00:00Update tayo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure.
00:08May ulat on the spot si Joseph Morong. Joseph?
00:15Susan, nasa 300 mga super health centers na hindi pa kumpleto at hindi mapakinabangan
00:21ang laman ng report na isinumite ng Department of Health
00:25sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ngayong umaga.
00:28Mismong si DOH Secretary Ted Herbosa ang nagsumite ng listahan sa ICI
00:34bukod kasi sa flood control projects ay mandato rin ng ICI na investigahan
00:39ang infrastructure projects nitong nakaraang sampung taon.
00:42Ang mga super health centers sana ay mas magandang mga health clinics
00:46sa mga local government units pero sa kanilang investigasyon daw
00:49sa 800 na mga super health centers sa bansa
00:53nasa 300 ang hindi pa kumpleto o non-operational.
00:57Ayon kay Secretary Herbosa, iniimbestigahan nila kung sino sa DPWH, DOH, mga LGU
01:04ang dapat managot kung bakit hindi pa mapakinabangan ang mga ito.
01:09Sabi ni Herbosa, nangako ang ICI na tutulungan sila sa investigasyon
01:12na gusto ng ICI na ipagpatuloy ng DOH.
01:16Samantala sa ibang balita, Susan, ay pinabulaanan ni Secretary Herbosa
01:20ang kumakalat na fake news o disinformation na may lockdown sa ilang syudad dahil sa flu outbreak.
01:28Paglilinaw ni Secretary Herbosa, walang pinaplanong lockdown ng DOH
01:32at ang mga sakit na naranasan daw ng ilan ay influenza-like illnesses
01:38na ay tinuturing na seasonal respiratory illness
01:42at hindi rin kailangan ng mask mandate o pagpatupad ang gobyerno
01:47ng malawakang pagmamask sa mga pampublikong lugar.
01:50Pero hinihikayat ang DOH on a personal level,
01:53yung mga publiko na kung may flu o may sakit,
01:56ay magmask pa rin para hindi makahawa sa inyong mga kasama,
01:59sa inyong trabaho o kaya sa eskwelahan o sa mga bahay.
02:02Narito ang pahayag ni Secretary Herbosa.
02:32Maraming salamat, Joseph Morong.
03:02Maraming salamat, Joseph Morong.
Comments