00:00Sa La Union naman, nailigtas sa muntikang pagkalunod ang isang babae habang lumalangoy sa dagat sa San Juan.
00:07Sa video, kita ang pagresponde ng tauhan ng Philippine Coast Guard sa 16 na taong gulang na hinahampas ng malalakas na alon.
00:16Nahila rin siya pabalik sa dalampasigan matapos na malapitan ng rescuer.
00:21Napansin ang Coast Guard personnel na nahihirapang makabalik sa dalampasigan ng biktima kaya agad siyang nagsagawa ng rescue operation.
00:28Isinailalim sa medical assessment ang dalagita at nasa maayos ng kalagayan.
Comments