Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samantala, makakapanayin po natin sa Department of Health Assistant Secretary Albert Domingo.
00:05Magandang umaga at welcome po sa Malitang Hali.
00:09Magandang umaga, Connie. Magandang umaga sa lahat ng mga kapuso na nakikilig at nanonood.
00:13Opo, makikikamusta lamang kami sa inyong monitoring sa mga nagkaka-flu-like illnesses pa rin natin sa bansa po.
00:22Opo, pasok po rin po dun sa ating sinasabing flu season.
00:27Panahon ito ng malatrang kasong sakit.
00:31At ang pinakahuling bilang po na nakuha natin na kumpirmado po from August 31 to September 13,
00:37yung nationwide count po ay 10,265.
00:41Tapos ito po ay tumaas ng bagya lamang ng limang porsyento noong September 14 hanggang September 27,
00:49na meron po tayong naitala na 10,740.
00:53Ngayon po meron pong preliminary na figure sa paunang bilang noong September 28 hanggang October 11 na 6,457.
01:05Ito po ay mas mababa ng 39% kumpara sa nakaraang tala.
01:10Pero ang sinasabi nga po namin ay dahil pa po napahuyan,
01:13maaari nga tumaas po yung bilang na hindi naman lalayo dun sa nakikita natin na 5% increase.
01:19So mga pwede, Connie, nasa panahon tayo ng malatrang kasong sakit.
01:23Every year po, ganito lagi.
01:25Okay, so sabi niya may 5% increase.
01:27Pero ngayong lalo na na Amihan ay pumasok na po sa ating bansa,
01:31papalamig ng papalamig ang ating panahon.
01:34Hanggang 5% na lang po ba ang tinitignan natin pagtaas talaga?
01:37Nabanggit niyo po, Connie, yung Amihan at magandang paalala niyo po sa akin yan, no?
01:44Sintomas kasi ng malatrang kasong sakit ay kahawig ng mga sintomas na nakikita ng allergic rhinitis.
01:53Ang allergic rhinitis, lalo na ngayon na nagpapalit na yung ating hangin at lumalamig at nagiging mas tuyo,
01:59nagkakaroon po ng iritasyon yung ating ilong ngayon na lamunan na aakalahin po natin na trangkaso
02:05kasi bahing tayo ng bahing pero yung pala hindi trangkaso, yung pala siya ay allergy.
02:10Kaya nagkakaroon po maaari ng confusion na akala natin ay trangkaso siya,
02:15yung pala dahil nagpapalit na yung panahon.
02:18Okay, so huwag din po tayo mabahala.
02:20At ano ba yung mga paalala natin?
02:22Ngayong marami pa rin po ang pupunta sa mga simenteryo para gunitain ang undas
02:26tapos meron po tayong mga nagkalat na mga flu-like illnesses pa rin po.
02:31Yes, nagsisimula na nga po yung biyahe ng ating mga kapuso na pupuntayan lahat sa weekend na ito
02:37kung saan magsasama-sama mga pamilya.
02:40Yun pong ating paalala, kung kakayanin po na huwag na munang isama yung mga musmos
02:45at saka yung mga nakatatanda na lalo na may mga sakit,
02:48magandang manatili nilang po sa bahay at doon magnilay-milay
02:52para huwag pong makakuha ng anumang maaaring makahawa sa kanila sa sementeryo.
02:57Ikalawa po yung pag-uhugas ng kamay.
02:59Kung hirap po maghanap ng hugasan na may sabon at upig,
03:03magdala po ng maliit na botelya ng alkohol o kaya ng ating hand sanitizer
03:07para ating mapanatiling malinis sa ating kamay.
03:10And then importante po may dali rin tayong face mask.
03:13Hindi na po usapin yung required o hindi.
03:16Kaya ako sa pinugitay is yung tamang paggamit ng ating face mask
03:19na natatakpan ang parehong ilong at bibig,
03:23lalo na pag maraming tao doon sa sementeryo kung saan tayo pupunta.
03:26Alright, maraming pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hali, sir.
03:30Thank you!
03:32Yan po naman si Health Assistant Secretary Albert Domingo.
03:35Yan po naman si Health Assistant Secretary Albert Domingo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended