Pinaghahandaan na ang "The Big One" sa isang barangay sa Marikina na nasa West Valley Fault. Tukoy na rin ang lugar sa lungsod kung saan maaaring lumikas sakaling lumindol.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinagkakandaan na ang The Big One sa isang barangay sa Marikina na nasa West Valley Fault.
00:06Tukoy na rin ang lugar sa lungsod kung saan maaring lumikas, sakaling lumindol.
00:11Kung saan yan, tinutukan ni Sandra Aguinaldo.
00:17Ito ang A. Bonifacio Street sa barangay Barangka sa Marikina City.
00:22Matao at maraming sasakyan sa kalsada dahil maraming commercial establishments at eskwelahan.
00:27Pero sa isang bahagi nito, may isang mahalagang palatandaan na tinatawid ang kalsadang ito ng West Valley Fault
00:36na pinangangambahang magdudulot ng The Big One o magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.
00:43Itinuro din ang mga barangay official sa amin ang karugtong na fault na malapit naman sa kanilang simbahan.
00:49Ang fault na pinakaaro dito nakalagay yung West Valley Fault.
00:53Bali, ang kubra niya, paganyan, ang turo niya.
00:57Nabago itong kalsada, natabunan niyo yung espalto, hindi pa nayaangat ng city yung pinakaaro niya.
01:06Isinama din nila kami sa ikinasang earthquake drill ng Barangka National High School bilang bahagi ng paghahanda sa The Big One.
01:14Nandun yung linya talaga ng fault line sa area nila.
01:16Mag-aalala na po sila na anytime makikita naman natin sa mga balibalita na baka anytime meron pong mag-strike sa atin at yun na nga po yung tinatawin natin na The Big One.
01:28Kaya yung mga magulang po, tumutulong naman din po sila sa paghahanda at pagpe-prepare kung sakali man mangyari yun.
01:37Kasama po yung mga ating mga teacher.
01:38Sa labas ng skwelahan, nakilala namin ang isang inang nababahala para sa kanyang anak na nasa elementarya at high school.
01:47Kung maaari na mag-module na lang dahil sa pangangamba namin na nadarating na sinasabi na The Big One na Lindol.
01:56Ayon sa barangay, nakahanda na rin ang mga gamit nila pang rescue.
02:00Meron din mga go-bag na nakaredy.
02:03Tinukoy din nilang staging area ang Loyola Memorial Park sakaling mangyari ang pinangangambahan na dapat alam ng mga taga-marikina.
02:12Ang staging area po ng Barangay Barangka, nalocate na po namin yung ating Loyola Cemetery.
02:19Lahat po ng residente ng Barangay Barangka, yun po yung gagamitin natin na parang magkakaroon tayo ng command post sa area.
02:30Sana magtulong-tulong tayo sa pagiging handa.
02:34Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment