00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Arrestado ang isang lalaking suspect sa kabi-kabilang pagnanakaw sa Antipolo, Rizal.
00:17Chris, ano na ba yung mga ninakaw raw ng mga suspect?
00:22Susan, mga alahas, gamit sa bahay at cellphone daw,
00:26ang kabilang sa mga pinunteryan ng sospek mula sa mismo mga kabarangay niya sa San Isidro.
00:32Kabilang dyan ang nahulikam na pag-akyat bahay niya sa isang bahay roon.
00:36Umakyat ang kawatan sa veranda ng second floor at sapilitang binuksan ang bintana ng isang kwarto.
00:42Nahuli siya ng biktima habang kinukuha ang isang kwintas at mga singsing.
00:47Kaya lumabas siya sa bintana para makatakas.
00:49Ayon sa pulisya, mahigit 40,000 piso ang halaga ng natangay niyang mga alahas.
00:54Hindi na nabawi ang mga ito.
00:57Bukod dyan, nahulikam din ang sospek sa magkahihwalay na pagtakas matapos umanong magdakaw ng cellphone at amplifier.
01:04Kalaunan, naaresto ng maotoridad ang sospek na maharap sa mga reklamong theft.
01:09Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
Comments