00:00Ngayong unang araw ng pasukan, patuloy pa rin ang pagtanggap ng ilang paaralan ng late enrollees para sa school year 2025-2026.
00:09Sa Lagaw National High School, sa General Santos City, may inihanda na silang lugar para tanggapin ang mga late enrollees.
00:16Naasikaso raw ito ng kanilang non-teaching personnel para hindi maantala ang pagtuturo ng kanilang mga guro.
00:23Sa Iloilo City National High School, mahigit 6,000 estudyante na ang naka-enroll na inaasahan pang madagdagan dahil sa late enrollees.
00:33May bago namang gusali ang Don Vicente Rama Memorial Elementary School dito sa Cebu City.
00:39Ang problema, kulang pa rin ang mga mesa at upuan. Kaya ipagagamit daw muna ang mga lumang mesa at upuan sa mga estudyante.
00:53Ang problema, kulang pa rin ang mga.
Comments