Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Hindi nagsasawang magpaalala ang mga doktor na kung makagat o makalmot ng hayop, magpabakuna na agad kontra-rabies dahil lubha itong nakamamatay. Dalawang kababayan kasi natin ang kinitil ng rabies kamakailan. 'Yan ang exclusive report ni Jonathan ndal.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi nagsasawang magpaalala ang mga doktor na kung makagat o makalmot ng hayop,
00:05magpabakuna agad kontra sa nakamamatay na rabies.
00:09Dalawang kababayan natin ang namatay sa rabies kamakailan.
00:12Yan ang exclusive report ni Jonathan Nanda.
00:30Ito ang mga huling sandali ng 25 taong gulang na si Nicole bago mamatay dahil sa rabies.
00:37Sabado, lumabas ang mga sintomas pero Marso pa lang siya nakagat ng aso.
00:42Sa ospital, iginapos na siya ng maging balisa at magaslaw.
01:00Matindi rin ang tama ng rabies kay Janelo Limbing, factory worker at dating CAFGO na nasawi sa rabies noong May 18.
01:08Siyam na buwan nang lumipas ng makagat siya ng aso.
01:11Naka-isang torok lang siya ng bakuna sa rabies at hindi na nasundan.
01:15Ngayong first quarter ng 2025, may 55 kaso ng rabies na naitala ang DOH.
01:21Noong 2024, lahat ng nagkarabies sa Pilipinas na matay.
01:25Central Nervous System ang inaatake ng rabies virus.
01:28Na ipapasa ito sa kagat o kalmot ng hayop na infected nito.
01:32Sabi ng WHO, ang virus pwedeng umabot ng hanggang isang taon ng incubation period
01:38o panahon mula sa pagpasok sa katawan hanggang paglabas ng sintomas.
01:42Nakamamatay man ng rabies, maagapan ito ng bakuna.
01:46Immediately po sana, pag nakagat po tayo at malalim yun dun sa mga sugat,
01:50magpuntan na po dun sa pinakamalapit na health facility.
01:53Not necessarily mabibigyan po kayo agad ng vaksin,
01:56depende rin po kasi dun sa dami ng nakapila,
01:58pero at least mabibigyan po kayo nung dun sa instructions,
02:01anong gagawin po ninyo kung habang nagaantay po kayo na mabakunahan.
02:05May libring bakuna sa rabies sa mga LGU,
02:08sa RITM sa Montinlupa,
02:09amang Rodriguez Hospital sa Marikina
02:11at sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
02:13Sa San Lazaro, may 100,000 vials pa raw sila para sa buong taon.
02:17Kung maubos ito, nakakahingi naman ng tulong sa DOH.
02:20Sa Quezon City kung saan hanggang 300 na nagpapabakuna kada araw
02:24para sa mga lehitimong residente ang supply nila para hindi maubos.
02:28Kung non-resident, pwede nilang bigyan ng first shot
02:31pero ang mga susunod na dose dapat sa kanika nilang LGU na.
02:35May animal bite treatment package din sa PhilHealth na P5,850.
02:40Sakop nito ang bakuna sa rabies at tetanus at local wound care.
02:45Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:48Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:53Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended