00:00Aarangkada na naman ang oil price hike bukas, 5-15 piso na ang itataas o itinaas ng presyo ng petrolyo ngayong taon.
00:09Kaya umaama ulit ang ilang transport group. May report si Katrina Son.
00:16Malaking dagok sa Pilipinas kapag nagmahal ang petrolyong ating inaangkat.
00:21Ngayong taon nga, batay sa pagsusuri ng GMA Integrated News Research,
00:25mahigit dalawampung beses ng nagtaas presyo sa gasolina, diesel at kerosene.
00:31Ang net price increase mula halos 6 pesos hanggang halos 18 pesos kada litro.
00:36Kaya ang presyo ngayon kada litro sa NCR, 50-70 pesos sa gasolina, 49-65 pesos sa diesel, at 73-89 pesos sa kerosene.
00:48At dahil sa mga isyo sa ibang bansa, kaya may oil price hike na naman bukas.
00:5220 centavos sa gasolina at kerosene, at 80 centavos sa diesel.
00:56Mag-intensify yung airstrike na Russia at Ukraine.
01:01Inarget ng US yung mga sanksyon, lalo na yung mga Iranian oil revenue stream.
01:07Ito din po si Saudi Aramco at yung Iraq state oil marketer na SOMO,
01:13tinigil din po nila yung export sa India refinery.
01:16Kaya ngayong gabi, nagpagas na si Ferdinand Cabudbud na apat na taon ng delivery truck driver.
01:23Dati, nakaka-take home daw siya ng 3,000 to 4,000 pesos sa pagde-deliver.
01:28Ngayon, masaya na raw siya kung may may uuwing 800 to 1,000 pesos.
01:32Ang ilang na mamasada naman, umaaray sa pagmahal ng petrolyo, kaya hinabaan daw ang oras ng biyahe.
01:47Ang masyadong mahal, eh, parang na kami. Parang nung paglalabuhayan namin, doon na lang pupunta sa gasolina na lang.
01:58Sana po, iba ba ang presyo ng diesel? Kasi hirap na rin kami sa boundary pa lang, sa kita.
02:03Hirap na biyahe.
02:05Pinag-aaralan daw ng ilang transport group na buling ihirin ang taas masahe.
02:10Marihin po namin kinukundi na itong halos lingguhan na pagtataas na naman ang presyo ng petrolyo.
02:16At dadagdag ito doon sa malaking halaga na nawawala sa kita ng ating mga driver.
02:21Ang masakit para sa amin, regulated ang pamasahe kontrolado ng gobyerno kung magkano ang gusto nilang ibigay.
02:30Kagaya yung aming hinihingi na piso lamang, hindi pa kami kayang maingresan.
02:35Katrina Son, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.