Niyanig muli ng magnitude 4.8 na aftershock ang Manay, Davao Oriental bago mag-alas kwatro ng hapon kanina. Dahil sa naunang tumama na M7.4 na lindol, wasak at halos 'di na mapakinabangan ang kakatapos lang na barangay hall at bagong munisipyo sa bayan. Problema rin ang pagkain at inumin roon.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:10Nianig muli ng magnitude 4.8 na aftershock ang Manay Davao Oriental bago mag-alas 4 ng hapon kanina.
00:16Sa lakas ng lindol, wasak at halos hindi na mapakinabangan ang katatapos lamang na barangay hall at bagong munisipyo sa bayan.
00:25Problema rin ng pagkain at inumin roon.
00:27Nakatutok si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
00:34Nagkabasag-basag ang mga salamin at nagkalat ang mga tumpok ng semento ng barangay hall na ito sa barangay San Isidro sa Manay Davao Oriental,
00:43kasunod ng tumamag magnitude 7.4 na lindol noong nakaraang linggo.
00:47Ang likurang bahagi ng barangay hall tuluyan ng nawasak.
00:51Nitong August lang itinurn over ang barangay hall na ito dito sa San Isidro.
00:55Makalipas ang dalawang buwan, matapos ang pagyanig.
01:00Ito na ang itsura, warak na warak, hindi na mapapakinabangan.
01:03Hindi namin maka-cater yung mga taong nangilangan ng mga kredensyal po.
01:11Pero may ano naman, bumalik kami sa old namin na barangay hall.
01:16Pero pag mag-ulan yun, tulog talaga po.
01:19Pati ang bagong municipal hall ng Manay, hindi pa nga nagagamit ay nasira na.
01:24Ilan lang ito sa mga iniwang pinsala ng lindol sa lugar.
01:27At pinangangambahang madagdagan pa dahil sa mga aftershock.
01:31Sa gymnasium na ito katabi ng munisipyo, inihahanda naman ang mga tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan.
01:38Mula rin sa mga donasyon ng iba't ibang grupo.
01:40Still, kung di process pa yung assessment namin, mag-aabutan pa tayo nito ng mga two weeks, para talagang makabalik na sa normal.
01:51However, yung mga totally wrecked at saka mga partially damaged, still needs na talagang mag-stay muna sila temporarily sa mga family tents, mutual tents, and some will be in the evacuation center.
02:06Malaking problema ng mga biktima ng lindol, ang pagkain at maiinom na tubig.
02:12Kanina, may naabutan ang aming news team na grupong namamahagi ng relief items.
02:29Patuloy naman ang rasyon ng tubig para sa mga residente.
02:33Samantala, dito sa liblib na barangay ng San Fermin, natanggal na ngayong araw ang humambalang na malaking bato sa kalsada na siyang nagpapahirap sa relief operations.
02:44Para sa GMA Integrated News, Jandi S. Esteban, Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment