Skip to playerSkip to main content
Kung kahapon, hindi sumasagot sa radio challenge ng PCG ang barko ng China na namataan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, ngayong araw China naman ang nangra-radyo sa eroplanong sinasakyan ng mga opisyal ng AFP habang patungong Pag-asa Island.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung kahapon, hindi sumasagot sa radio challenge ng PCG ang barko ng China na namataan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas,
00:09ngayong araw, China naman ang nangraradyo sa eroplanong sinasakyan ng mga opisyal ng AFP habang patung pag-asa island.
00:18Nakatutok live si Chino Gaston.
00:21Chino!
00:22Vicky, patuloy na nakakaranas ng radio challenge mula sa mga Chinese sa mga eroplano ng AFP tuwing lumalapit dito sa pag-asa island gaya ng naranasan natin kaninang umaga sa ating pagdating dito.
00:41Madaling araw kanina nang lumipad ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force Lulan, ang mga opisyal ng AFP at mga mamamahayag para bumisita sa pag-asa island.
00:52Layon ng AFP na ipakita ang mga bagong istruktura at sitwasyon sa pag-asa island at iba pang mga military outpost sa Kalayaan Island Group.
01:01Ilan sa nakisabay sa eroplano kanina ang ilang residente at mga guro ng elementary school ng isla.
01:07Pero habang papalapit ng pag-asa, nag-radio challenge ang mga Chinese mula sa kalapit na Subi Reef.
01:12Before we landed, there was a radio challenge. There was one radio challenge that occurred but hindi na ito nag-prosper.
01:20And with that, ang sagot naman ng ating mga piloto is of course we are testing pa rin and upholding our sovereign.
01:27With this, we have conducted itong media-embedded maritime patrol na makita na lalaga natin itong situation in the area.
01:35Halos tapos na ang airport control tower ng isla at kompleto na rin ang tatlong kilometrong haba na runway.
01:42Kasalukuyang pinapahaba pa ang dulo nito para makalapag ang mas malalaking eroplano.
01:48Tila tanda naman ang lumang pag-asa island, ang nabubulok na watchtower na ito at mga abandonadong lumang amphibious tanks na dinala rito noong dekada si Tenta.
01:57Ang kuryente ng isla nagmumula sa community generator na ito. Ang tubig naman nagmumula sa isang desalination machine, makinang sumasala ng tubig dagat para gawing tubig inumin.
02:09Nagagamit na rin ang boat shelter bagamat tuloy ang improvements at ang pagpapalawak nito.
02:14Sa pangingisda namin, medyo naghirap na po yung isda sa pag-asa kalayaan na ilan dahil po sa cyanide ng mga bitnamis.
02:22Yung sa mga barko naman ng Chinese na nakapaikot dito sa amin, isa rin yan, hindi kami makapag-pising ng maayos kung saan doon kami nakakakuha ng maraming isda.
02:32Vicky, dahil panakanaka ang pag-uulan at malalaki ang alon sa palibot ng Pag-asa Island sa pagdating natin kaninang umaga dito,
02:45hindi natin namataan itong mga Chinese Coast Guard Vessel o yung tinatawag na Chinese Fishing Militia na kadalasan nakikita sa palibot ng isla.
02:53Pero pagdating ng hapon na naging maliwalas na ang panahon, nakita na natin sila muling lumilibot sa isla ilang kilometro lamang mula sa Dalampasigan ng Pag-asa Island.
03:05Vicky?
03:06Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended