- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Lord! Sama ka Lord!
00:02Oh!
00:03Malin lang!
00:15Ngayon, ang huling araw ng health break sa mga public schools sa Metro Manila
00:20para sa disinfection, kontra sakit at pagsusuri ng mga school building
00:24sa gitna po ng agam-agam dahil sa magkakasunod na lindol.
00:28Kamusahin na po natin ang ginawang building inspection sa Pasay
00:31sa ulot on the spot ni Jun Veneracion.
00:34Jun?
00:36Connie, sinimulan ng inspeksyonin ng mga local official at mga city engineer
00:41ang mga eskwelahan sa lusod ng Pasay
00:43dahil sa mga kaso ng malatrang kasong sakit at banta ng lindol.
00:48Ngayon ang ikalawa at huling araw ng suspension ng face-to-face classes
00:52sa Metro Manila dahil nga sa dumaraming sakit.
00:55Kapag hindi natapos ang disinspeksyon at inspection
00:59sa mga school building, sabi ni Pasay Mayor Emi Calixto Rubiano
01:04ay baka ma-extend pa ang glass suspension.
01:07Pero siyempre, gagawin daw nila ang lahat para ito'y matapos.
01:10Sa loob ng aling na buwan, 230 ang mga tinamaan ng influenza-like illness sa lungsod.
01:17Pero ngayon ay uwalun na lang daw ang active cases
01:20at hindi naman may tuturing na alarming, sabi ni Mayor Rubiano.
01:24Kasabay ng disinspeksyon,
01:26ay nagsagawa na rin ng inspeksyon ng mga taga City Engineering Office.
01:31Pagamat tapos na raw sila sa annual inspection sa mga gusali sa lungsod,
01:35mas mabuti na raw ang nakakasiguro,
01:37kaya nagsagawa muli ng inspeksyon kasunod ng balalakas na lindol.
01:40Nagbigay na rin ang karalibang hardhat ng Pasay LGU,
01:44kaya lahat na ng mga estudyante at guro ay meron ang magagamit kapag may sakuna.
01:50Balik sa ikon.
01:51Maraming salamat, June Veneracion.
01:55Kala sa Bantanang Lindol.
01:57Update naman po tayo sa lagay ng panahon.
01:59Ngayong may binabantayan tayong LPA.
02:02Kausapin po natin si Pag-asa Weather Specialist, Liza Esculiar.
02:06Magandang umaga at welcome sa Balitang Hari.
02:09Magandang umaga rin po sa inyo, Ma'am Connie.
02:11At magandang umaga po sa ating mga kababayan.
02:14Opa, Ma'am.
02:15Glyza, kailan ho magiging bagyo itong LPA na nasa labas pa rin ng ating PAR?
02:21Ina-expect natin, Connie, na itong nasa 1,780 kilometers east ng northeastern Mindanao,
02:29na low pressure area na ating minomonitor.
02:31I expected natin pinakamaagang magiging bagyo ngayong gabi or bukas ng madingang araw.
02:37Pero maaari din po na Friday or Saturday pa ito mabuo.
02:41Medyo malaki po ang uncertainty ng timing po ng formation po nitong low pressure area
02:47na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:49At sa anong direksyon po ito inaasahang kikilos at sa mga lugar ang maapektuhan, Ma'am?
02:55Ito pong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na low pressure area,
03:01inaasahang makakalapit po sa ating bansa by Saturday or Sunday.
03:05Ina-expect po natin sa extreme northern lison po ulit ito.
03:08Tatahang or okay scenario po natin dito po sa northern lison.
03:13Mabanggit po lang po ma'am po ni meron po tayo isa pang low pressure area na minomonitor.
03:18Nandito lang po ito sa coastal waters ng Vincennes, Camarines, Norte.
03:22Kaya kung mapapansin nyo po maulan po sa Metro Manila at ilang bahagi po ng Calabarzon.
03:27Ngunit ito naman pong nasa malapit na low pressure area,
03:30ay inaasahan din pong malulusaw bukas po yan.
03:33So wala naman tayong sabay na LPA na inaasahan po na papasok po sa ating Philippine Area of Responsibility?
03:41Wala naman po dahil bukas itong malapit na low pressure area ay magdi-dissipate po o matutunaw po.
03:48At likely po yung pasok po ng Philippine Area of Responsibility ay second half po ng week.
03:55So hindi po sila magsasabay.
03:56I see. Pero sabi nga nila pag malayo pa at nasa dagat, may posibilidad pa itong magpalakas lalo bilang isang bagyo.
04:04Nakikita po ba natin na magiging malakas muli ito pong si Ramil kung sakasakaling makapasok po siya
04:09sa PAR?
04:12Tama po yan, Ma'am Connie.
04:14Ito pong low pressure area na ating minomonitor sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility
04:19ay inaasahan po natin na magiging bagyo po ito at likely po yung highest intensity
04:25one of the forecast po natin ngayon ay severe tropical storm.
04:29Siyempre, nangangamba tayong lalo dun po sa mga lugar na tinamaan na po ng lindol ng Davao, Cebu.
04:36Ano po ba ang maasahan nilang panahon kapag pumasok na ito si Ramil sa ating Philippine Area of Responsibility
04:42at tuluyan na maging bagyo?
04:43So, so far po dito po sa Cebu at Davao Oriental, yung mga areas po na binanggit po ninyo
04:49na nagkaroon po ng lindol noong nakarang araw, inaasahan po natin na ngayon hanggang bukas
04:55ay magiging maganda po po ang panahon nito at maging hanggang sa Webes po maganda po ang panahon.
05:01Nagtangi mga localized na mga pagulan o thunderstorm lang po ang inaasahan po natin sa lugar.
05:06However, pagdating po ng Friday, expect po natin na magiging maulan po yung area
05:11dahil sa trough po na itong binabantayin po nating low pressure area
05:15at ina-expect po natin magiging bagyos sa susunod na mga araw.
05:19Marami pong salamat sa inyong update sa amin.
05:22Yan naman po si pag-asa weather specialist Glaiza Esculiar.
05:25Ibinida sa World Expo sa Osaka, Japan, ang sining at kultura ng mga Pilipino.
05:34Pati na ang mensahe ng pagbangon mula sa mga kalamidad.
05:38Ang exhibit na yan, ginawara ng Silver Award para sa Exhibition Design for Self-Built Pavilions.
05:45Balit ang hatid ni Bea Pinlak.
05:46Mga makukulay na awitin at sayaw.
05:58Malikhaing mga produkto.
06:01Tatak Pinoy na sining.
06:03At kakaibang teknolohiya para ibida ang ganda ng Pilipinas.
06:09Ilan lang yan sa naipakita sa Philippine Pavilion sa World Expo 2025
06:13sa mahigit isang milyong taong bumisita mula ng buksan nito sa publiko noong Abril.
06:20Samotsaring pakulo ang inihanda ng iba-ibang bansa para ibida ang kanilang sining at kultura
06:25dito sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan.
06:28Ang isa sa mga pinilahan dito, ang Philippine Pavilion kung saan tampok ang pag-ahabi o weaving.
06:33Iginawad sa Philippine Pavilion ang Silver Award sa Exhibition Design for Self-Built Pavilions.
06:41Poland naman ang nanalo ng gold at bronze para sa Austria.
06:44Nakakatawa kasi may representation tayo.
06:47Kaya natin makipagsabayan sa ibang bansa.
06:49Nakaka-proud siya kasi pinapakita yung different textile weaving ng bawat region natin.
06:54At para sa full Pinoy experience,
06:57sinalensh din natin ang ilang bumisita sa pavilion kung pamilyar sila sa ilang Filipino words.
07:03Mahalo kita!
07:05Ang ganda mo!
07:07Mabukai!
07:08Ang ibang bumisita sa Philippine Pavilion, nagpa-plano na raw magbakasyon sa Pilipinas.
07:14We've been to the Philippines last May for our family trip, but it's not enough.
07:24We love to go to the Philippines more and more.
07:28So we miss the Philippines!
07:30I saw that you have good beaches there, so I love beaches.
07:34So I think that is the kind of visiting that I will do in the Philippines.
07:38Bukod sa pagbida ng sining at kultura ng Pilipinas,
07:41tumayo rin na simbolo ng pag-asa ang Philippine Pavilion,
07:45lalo na sa gitna ng sunod-sunod na sakunang naminsala sa Pilipinas itong mga nakaraang linggo.
07:52Through it all, this pavilion stood as a reminder
07:56that we are a people who will rise and we will rise together.
08:02We showed the world that even in the face of nature's fiercest tests,
08:08the Filipino spirit will continue to shine.
08:13More opportunity certainly for our economy because yung marami pong mga Japanese businesses
08:20that are very interested in the Philippines now.
08:22And they show their interest by really being there.
08:27We are talking to them about possibly sourcing products for sale
08:32from our small and medium enterprises in the Philippines.
08:40Sa pagsasara ng Philippine Pavilion sa Osaka, Japan,
08:43may iniwalitong pangako na muli itong mabibigyang buhay
08:47sa ASEAN Tourism Forum Travel Exchange sa Pilipinas.
08:52Bea Pinlap, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:56Estasecto Encantadix, handa na sa tigmaan ng new generation of sangres.
09:06Atake!
09:24Yan ang pang malakasang visual effects na napanood sa episode
09:28ng Encantavia Chronicles Sangre Kagabi.
09:31Isa ito sa mga iconic na eksena sa Encantadia Universe na inabangan ng fans.
09:37Naglalagablab ang gayak na pandigma ni Flamara Faith Da Selva.
09:41Humahagupit naman ang warrior outfit ni Dea Angel Guardian.
09:45Umaagos ang battle gear na suot ni Adamus Kelvin Miranda.
09:49At nagpapayanig naman ang armor ni Terra Bianca Umali.
09:53Ngayong ganap na silang mga tagapangalaga ng mga brilyante,
09:56handa na silang bawiin ang mga kahariyan sa Encantadia.
10:00Abangan ang pagsalakay nila mamaya sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
10:07Mainit na balita, tig-sampung libong pisong ayuda
10:11ang ibibigay ng gobyerno sa mga naluging magsasaka
10:14dahil sa mababang presyo ng palay.
10:17Yan po ang pagpipiyak ni Pangulong Bongbong Marcos
10:19sa kanyang pagdalo sa pagpapasinaya
10:22sa Union Water Impounding Dam sa Claveria, Cagayan.
10:27Bukod po sa ayuda, maglalagay din ng Rice Processing Center sa Lalawigan
10:32at mamimigay ng makinarya at mga sasakyan
10:35para matulungan ang mga magsasaka.
10:38Ang dam ay magsisilbing irigasyon sa mga pananim
10:41at flood control measure na rin
10:43na pipigil sa bahang dulot ng bagyo
10:45o malakas na ulan sa lugar.
10:48Mahigit sang libong magsasaka
10:49ang makikinabang sa halos
10:51walong daang milyong pisong halaga
10:53ng proyekto.
10:56Ito ang GMA Regional TV News.
11:01Love on top ang feels na hatid
11:03na isang wedding proposal sa Mount Apo.
11:06Last weekend, planong akyate
11:21ng magkasintahang Harold Vergara
11:23at Sherry Miltreña
11:25ang highest peak sa buong bansa.
11:27Sa tuktok ng bundok pala,
11:29balak mag-propose ni Harold.
11:31Pero dahil sa mga lindol
11:33na naramdaman dito sa Davao Region,
11:35ipinatigil muna ng organizers
11:37ang hike paakyat.
11:38Kaya nanatili si na Harold at Sherry Miltreña
11:40sa tinakaran campsite.
11:42Hindi manarating ang tuktok,
11:44itinuloy pa rin ang lalaki
11:45ang proposal sa harap
11:47ng iconic landmark
11:48na Almasigatree.
11:50Sumakses naman siya
11:51at nakuha ang matamis na oo.
11:54Umakyat na mag-boyfriend, girlfriend
11:55at bumaba bilang mag-fiancé.
11:59Congrats!
12:05Eto, speaking of lindol,
12:07prepared Nesmars,
12:09no one left behind.
12:10Dama.
12:11Kasama rin dapat
12:12sa paghahanda
12:13ang ating beloved pets.
12:16Eto nga, e.
12:17Ganyan po, aha,
12:18ang idinemo ng firm mom of two
12:20na si Hugh Scooper
12:21Franzine Torres.
12:23Inuruan niya
12:24ang mga asong
12:24si na Nuggets
12:25at Mackie
12:26kung paano magtago
12:28sa ilalim ng upuan
12:29at la mesa.
12:30Natulong po ng ilang dog treats
12:32na pasunod naman
12:33ang Shih Tzu
12:33at Golden Retriever.
12:35Hindi man daw
12:35maging muscle memory
12:37na mga aso
12:38ang dog cover and hold.
12:40At least daw
12:40ay may hint
12:41o idea na
12:42ang kanyang fur babies
12:43kung saan pwedeng magtago
12:45in case of emergency.
Recommended
10:07
|
Up next
11:15
6:25
3:32
25:38
12:55
16:59
12:25
6:36
6:33
17:05
10:39
16:37
13:20
Be the first to comment