00:00I-investigahan ang Philippine Coast Guard ang namataang tila-pundasyon ng istruktura sa ilalim ng tuwig sa Baho de Masinlok.
00:10May inila tagpa ang China na harang sa entrada ng bahura para wala umanong makapasok na barko.
00:17Nakatutok si Chino Gaston.
00:19Sa ginawang Maritime Domain Awareness Flight ng Philippine Coast Guard sa Baho de Masinlok, tumambad sa tuktok ng bahura ang mga kakaibang istrukturan ito.
00:33Dalawang kumpol na parabang pundasyon o biga na nasa ilalim pa ng tubig.
00:38Hindi masabi ng PCG kung ano at kung sino ang naglagay nito.
00:42Isa sa mga itinuturing na redline o pangyayaring maaring pag-ugatan ng direct action ng gobyerno ay kung may itatayong istruktura o mag-land reclamation ng China sa Baho de Masinlok.
00:54Sa pambihirang pagkakataon, walang Chinese Coast Guard ship na nagbabantay sa loob ng lagun ng Baho de Masinlok.
01:01Mula 2012, halos hindi nawawala ng CCG vessel sa lagun kaya itinuturing itong occupation ng China sa bahura.
01:08Dahil sa pananatili ng China sa lagun, hindi makasilong ang mga mangingis ng Pilipino doon tuwing masama ang panahon.
01:16At hindi gaya ng dati, walang fighter jet ng China na sumalubong sa aeroplano ng PCG.
01:21May namataang helicopter na hindi naman lumapit kaya hindi nakilala ng mga piloto.
01:27Pero may Chinese Navy warship na nagpukol ng Radio Challenge.
01:31Pero sa entrada ng bahura, inilatag ng mga Chinese ang floating barrier para walang barkong makapasok.
01:42Ayon sa PCG, paiimbestigahan nila ang mga nakitang istruktura.
01:46Ilang kilometro mula sa Baho de Masinlok, nakita namin ang limang barko ng BIFAR at dalawang barko ng PCG
01:52na naghahatid ng krudo at ayuda sa mga mangingis ng Pilipino.
01:55Naroon din ang fish carrier ng BIFAR na MV Mamalacaya kung saan ikinakarga ang mga huling isda ng mga mangingisda sa Baho de Masinlok.
02:04Di kalayuan, nag-aabang naman ang mga barko ng China Coast Guard at ilang fishing militia ships.
02:10Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
Comments