Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Pati si ICI Executive Director Attorney Brian Hosaka.
00:34Pinilitan ni Azurin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong
00:38na nag-resign bilang Special Advisor itong Setyembre.
00:43Ang iba pang detalye, ihahatid namin maya-maya lang.
00:47Lord! Sama ka Lord!
00:49Nakaranas ng malakas na aftershock ang mga taga-Bugos City sa Cebu kaninang madaling araw,
01:08halos dalawang linggo mula po sa main shock na magnitude 6.9.
01:13Batay sa datos ng PIVOX, magnitude 5.8 ang lakas ng lindol na tumama kaninang pasado alauna ng madaling araw.
01:22Naramdaman din po yan sa iba't ibang bahagi ng Cebu maging sa mga karatig na lalawigan tulad sa Iloilo, Bohol, pati sa Negros Occidental.
01:32Ang mga nananatili naman sa itinayong tent city sa Bogos City o sa Cebu ay napalabas po ng kanikanilang mga tent.
01:40Sa Cebu City, napalabas din ng gusali ang mga empleyado ng ilang kumpanya kasunod ng pagyanig.
01:47Nagpalipas muna sila ng oras sa kalsada.
01:52Magnitude 6 na pagyanig naman ang tumama sa Surigao del Su nitong Sabado.
01:57Ayon sa PIVOX, sadyang marami ang aktibong faults at trenches sa bansa, kaya pangkaraniwan ang mga lindol.
02:05Balitang hatid ni Argil Relator ng GMA Regional TV.
02:10Patulog na ang mag-anak na ito sa tandag Surigao del Sur nang biglang.
02:23Yumanik ang magnitude 6 na lindol.
02:25Agad na niyakap ng mag-asawa ang dalawa nilang anak.
02:29Saka lumabas na huminto na ang pagyanig.
02:32Nagsilabasan din ang mga pasyente ng isang ospital sa lungsod.
02:39Sa bayan ng Tagbina, napatayo rin mula sa higaan ang lalaking ito.
02:44Nang maramdaman ang lindol.
02:46Ang isa niyang kasama sa bahay, tumalon mula sa terrace, pababa sa kanilang garahe.
02:51Nagdipon sila at nagmatyag hanggang humupa ang pagyanig.
02:54Naitala ng FIVOX ang epicenter ng lindol sa dagat malapit sa bayan ng Kagwait.
03:02Kita sa CCTV kung paanong inalog ng lindol ang sarisaring ito sa barangay Unidad.
03:09Naglaglaga ng ilang mga paninda sa halos labindalawang sigundong pagyanig.
03:15Nagimbal naman ang mag-anak na ito nang maramdaman ang lindol.
03:19Ayon kay U-Scooper, Sheila May Barshal-Humanoy,
03:23ligtas silang mag-anak pero may mga gamit silang nabasag.
03:37Wala rin na italang sugatan.
03:40May mga inilikas na residente pero pinauwi na.
03:44Dama rin ang pagyanig sa bayan ng Lanuza.
03:49Ramdam din ang lindol sa San Francisco, Agusan del Sur.
03:55Sa lakas ng pagyanig, naalog ang CCTV ito at tila idinuyan pa ang mga sasakyan sa paligid.
04:04Oh my God, boy! May pumutok!
04:07Ayon sa FIVOX, naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Northern Mindanao,
04:12Caraga, Eastern Visayas at Davao Region.
04:15R. Jill Relator ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated Loops.
04:28Mainit na balita.
04:29Binawi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang protocol plates
04:34na in-issue sa mga opisyal ng kagawaran at mga ahensya sa ilalim nito.
04:39Ayon kay Lopez, ito'y para maiwasan ang pang-aabuso sa paggamit ng protocol plates.
04:44Bawal na rin ang transportation officials na gumamit ng sirena o wang-wang, blinker at iba pang kaparehong gadget.
04:52Sabi ng DOTR, maari pa rin gumamit ng protocol plates ang iba pang matataas sa opisyal ng gobyerno tulad ng presidente at vicepresidente.
05:00Alinsunod sa Executive Order No. 56, ang pagbawi sa protocol plates ng DOTR officials ay kasunod po ng viral video ng driver ni DOTR Undersecretary Ricky Alfonso
05:13na nanakit-umanon ng isang motorista.
05:16Ang naturang sasakyan ni Alfonso may protocol plate No. 10 na para sa presiding justice ng Court of Appeals,
05:24Court of Tax Appeals, Sandigan Bayan at Solicitor General.
05:28Wala pang pahayag si Alfonso, kaugnay sa insidente.
05:37Mga kapuso, isang bagong low-pressure area ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
05:44Namataan po yan ang pag-asa 2,295 kilometers silangan ng southern Mindanao.
05:50May chance na itong maging bagyo at posibleng pumasok ng PAR bago mag-weekend.
05:55Kung sakali, tatawagin niya na bagyong ramil.
05:59Sa ngayon, Easter Least ang magdadala ng mainit na temperatura at pag-uulan sa Luzon at Visayas.
06:06Mas makakaasa sa maayos na panahon ang Mindanao pero posibleng pa rin ang mga local thunderstorm.
06:13Sa mga susunod na oras, maraming bahagi pa rin po ng bansa ang uulanin.
06:18Kaya maging alerto sa heavy to intense rains na maari hong magdulot ng baha o landslide.
06:23Base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:29Magkasunod namang nag-alboroto ang dalawang bulkan sa bansa nito pong weekend.
06:35Nagkaroon po ng ash emission o pagbuga ng abo ang bulkan Kalaon sa Negros Island umaga kahapon.
06:42Nagtagal po yan ng kalahating oras.
06:45Ayon sa FIVOX, nagkaroon ng ash emission dahil sa paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.
06:52Nananatili sa Alert Level 2 ang kanlaon.
06:55Ang bulkang Bulusa naman sa Sorsogon, nakitaan po ng FIVOX ng pagtaas ng seismic activity nitong weekend.
07:03Nagkaroon ng 72 volcanic earthquakes doon mula hating gabi hanggang umaga ng Sabado.
07:10Aabot naman sa 25 ang pagyanig kahapon.
07:15Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulusa.
07:17Nagkatensyon ang mga ralihista at pulisya sa Makati-Saquinos protesta laban sa Administrasyong Marcos at umanay katiwalian sa gobyerno.
07:30Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang malakanyang tungkol po sa protesta.
07:34Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:36Yan ang paulit-ulit na sigaw na mga grupong magdamagang nagprotesta laban sa Administrasyong Marcos at sa umanay korupsyon sa gobyerno.
07:58Panawagan nila ibalik ang mga ninakaw na pera ng taong bayan.
08:04Ang mga kasama sa rally unang nagmarcha mula Maynila patungong Makati City.
08:09Kabilang si Cavitee 4th District Representative Kiko Barzaga.
08:13Araw-araw daw nilang gagawin ang protesta sa harap ng mga pinakamayayamang subdivision kung saan nakatira umano ang mga congressman.
08:22Ngayon, sila naman yung makakaramdam ng feeling na yung kalaban nila, yung mga naghanap ng hostesya ay nasa labas na ng mga gates nila.
08:33Panawagan niya sa Pangulo.
08:38We believed in you, all of us did actually. We all thought you would make things better but things are not better.
08:43Sobrang dami nang nawala ng tiwala sa kanya and I think it's time for him to resign.
08:47Kailan pa kayo magising sa katotohanan? Walang nakasaad sa konstitusyon natin na kampihan ninyo ang mga politikong magnanakaw.
08:56Mag-aalas 12 ng hating gabi, dumating ang dagdag ng mga polis.
09:01Pasado alas 12.30 kanina, bumuhos ang ulan.
09:05Unti-unting nabawasan ang mga nagpo-protesta hanggang umabot na lang sa humigit kumulang 50 ang natira.
09:11Kabilang sa kanila ang dalawang senior citizen.
09:13Nang magsimulang mag-ingay muli ang mga nag-protesta, nagbarikada muli ang PNP.
09:19Namuo ang tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga polis.
Be the first to comment