Skip to playerSkip to main content
Kumpirmadong ghost project ang mahigit 400 proyekto kontra-baha sa bansa, ayon sa DPWH. Panimulang bilang pa lang ‘yan at posibleng madagdagan pa. Sinubmit na ang listahan ng mga ghost project sa Independent Commission for Infrastructure. Pagtiyak ng komisyon, wala silang sasantuhin at hindi isisikreto ang mga inspeksyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Goals Project
00:30At hindi isisikreto ang mga inspeksyon. Nakatutok si Joseph Morong.
01:00Inisyal na bilang pa lamang yan mula sa 8,000 proyektong sinuyod ng Department of Economy, Planning and Development o DepDev at mga polis at sundalo hanggang nitong October 6.
01:11Karamihan sa mga ito nasa Luzon pero meron ding nasa Visayas at Mindanao.
01:15Hindi pa binanggit kung magkano ang halaga ng mga ghost projects.
01:29Isinimit na na ng DPWH ang listahan ng mga proyektong yan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI na nag-iimbestiga sa anomalya at nagbubuo ng kaso laban sa mga posibleng sangkot sa mga maanumalyang proyekto.
01:44Kompleto na yung mga dokumento at mga ebidensya dandun. Puntaan natin yan. Validated na rin naman ito mga ito sa malaking bagay.
01:51But it doesn't prevent the general from going there looking personally para mas sigurado tayo.
01:57Ang misyong mag-inspeksyon na kaatang kay bagong ICI Special Advisor at Investigator Rodolfo Azurin.
02:04Napakalaki at napakahirap because si Jar Magalong ang pinapayatan natin but kakayanin natin ito.
02:11Sa dami na mahigit apat na raan ng mga ghost projects, kung may mapupuntahan silang isang proyekto kada araw ay lalagpas pa rin sila ng isang taon.
02:20Hindi naman lahat ay pupuntahan natin yun. Ibig sabihin is i-divide namin yung mga mag-iinspector at magpavalidate.
02:29Mas madali ring patunayan kung wala talagang proyektong makikita.
02:33Madaling i-establish yung liability and accountability kapag ghost project. Kasi ghost nga. Hindi na mahaba yung case build up.
02:45Pero kailangan pa rin ng tulong lalot posibleng sangkot ang mga taga DPWH mismo.
02:52Kaya nga ang naging strategy ni Yusek Bisnar is to really tap the AFP and the PNP.
02:59But of course, DPWH needs to also get involved. Kaya nga of course, there are trust issues in DPWH.
03:10We have to look for independent validators.
03:14Tinausap na ni Azurin ang AFP at PNP kaugnay nito.
03:18Tiniyak ni Azurin na walang sasantuhin o lugar na iiwasan ng inspeksyon at hindi rin isisikreto ang mga inspeksyon.
03:26Definitely hindi tayo papayag na lahat is investigan natin lahat.
03:30Hindi naman na ano. Kasi nga si Secretary Beans naman is very open sa ano. So gano'n din kami.
03:36Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended