House Speaker Faustino "Bojie" Dy III tried to emphatize with Nueva Ecija farmer Danilo Bolos, and assure him and the government didn't treat like him and people like him as dirt, even if that’s exactly how the latter feels.
Bolos' description of farmers' everyday struggles left the congressmen in attendance shaken.
00:00Ah, Danilo Bolos po. Ah, isang partner leader po mula sa Nueva Ecea. Ah, kami po eh nagpapasalamat at sa ganitong pagkakataon, nabibigyang halaga yung amin pong kinabubuhay.
00:15Subalit ngayon po, sadyang malungkot po yung inaabot lang. Konti na lang po yung kinikita. Nalulugi po.
00:30Kaya, sa ganitong pagkakataon eh, kahit ganito po yung aming nararamdaman, eh nakita ko naman po yung inyong pagpupunyagi upang ihangat ang aming buhay.
00:45Sana po, sa mga susunod at darating na panahon at ang aming pagsasaka, eh mayangat naman po ng konti.
00:56Ramdam naman po namin lahat yung ayuda na nanggagaling sa pamahalaan. Tulad po nung binhe, nung pong fertilizer.
01:06Yan pong mga parmechanization, andyan po.
01:09Subalit, nagtataka po kami, bilyon-bilyon ng ginagasos ng pamahalaan. Subalit, tuwing aani po kami, hindi naman po namin maramdaman yung mga ipinamamahagi ng pamahalaan.
01:25Bagamat na rin po lahat, nakikita naman po namin, tuwing aani na lang po kami, ang presyo ng palay, andun po talaga yung pagdurusa namin.
01:38Kaya po yung konting naiipo namin, nawawala pa po dahil nadudukot po namin, imbis na madagdagan siya, eh nadudukot po talaga.
01:53Papano po yung pag-aaral ng aming manganang?
01:56Bagamat kumakain po kami ng tatlong beses sa isang araw, eh, hindi naman po sapat yung aming kinikita.
02:07Sana po, sa pamamagitan ng hearing po na ito, mawakasan po sana ang aming paghihira.
02:15Tulad na lang po yung mga kalsada sa aming bukirin, hindi po mga daanang kalabaw man nababalaho pa.
02:21Samantalang, ginugugol pala natin, eh, billion-billion sa mga infrastruktura, nawawala naman.
02:32Kami po, eh, talagang gusto ng tumigil sa aming pagsasaka.
02:36Subalit, ito na po yung buhay namin.
02:39Pag tumigil po kami, paano po, wala naman kami pupuntahang iba, kundi itong magbongkal lang ng lupa.
02:46Wala po talaga kaming kaalam, kundi itong pagtatanim ng palay o paggawa ng ating mga pagkain.
02:57Sana po, sa ganitong pagkakataon, tulad po yung RA 11203 po na yan, yan po ang sadyang nagpahirap sa amin.
03:06Mula't sapul po yan, talagang dinamdam po namin yan.
03:09Halos marami na pong mga kasamahan namin mga anak, hindi na po nakapag-aral.
03:15Siya na po ang tumutulong sa magulang upang magsaka.
03:18Subalit, andun pa rin ang paghihirap.
03:21Kaya, umaalis din po yung bata na amin pong sanang katuwang sa pagsasaka.
03:27Wala na rin po, umaalis na rin.
03:29Dahil nga sa sobrang hirap namin, sobrang hirap ng mga magulang.
03:33Kaya, sana po, tulad nabanggit po kanina ni Speaker na magbibigay na naman po ng ayuda na halagang PITON LIBO.
03:43Eh, nangyayari po para kaming pulubin.
03:47Yung ayuda hindi naman po talagang sapat para kami umahon.
03:51Ang mahalaga po sa amin talaga ay yung presyo lang ng palay, yung amin pong produkto.
03:56Mabigyan lang po sana ng halaga.
03:59Yung hirap namin, isipin lang po natin yung 8 hanggang 10 piso.
04:03Kada kilo.
04:05Eh, namumuhunan na po kami ng 14 hanggang 15 pesos kada kilo.
04:09Sa sobrang mahal po ng fertilizer, sa sobrang mahal po ng mga inputs, ng mga pesticidio,
04:15hindi po talaga masusulit.
04:17Nangungutang po kami.
04:18Ang tubo po kada buwan, 3% kada buwan.
04:24Hindi naman po namin pwedeng asahan ng asahan itong mga lending conduits na itong mga pamahalaan.
04:30Napakahirap pong umutang dito.
04:31Ang dami pong hinahanap na kung ano-anong dokumento na para po kami makautang.
04:38Sana po luwagan ito.
04:39At sana kung talagang magpapautang, huwag naman po sanang ganun kaigpit.
04:46Wala na po.
04:47Ito na lang po talaga yung aming buhay.
04:51Kaya nananawagan po ako sa inyo, mga kasapyan po nitong came back po na ito sa inyo po, mga mambabatas.
05:01Nasa inyo po ang aming buhay.
05:03Kapagka isa hanggang dalawang taon at ganito pa po ang aming buhay, wala na po.
05:09Lulubay na po talaga kami.
05:11Mapupunta na po sa mga kung kanita nino lang ang aming mga lupain.
05:17Sana po.
05:19Pakiusap lang po sa inyo.
05:20Mr. Speaker.
05:22Sana po.
05:22Sa batas tayo na para naman umunlad ang buhay namin.
05:28Yung pong sinasabi nilang floor price.
05:31Sana po.
05:33Matupad na po ito.
05:34Yun lang po.
05:34Maraming maraming salamat po sa inyo, mga mambabatas.
05:37Maraming salamat po.
05:39Mr. Chair, may I?
05:40Yes, please.
05:41Honorable Speaker, Pajik.
05:45Unang-una po ay humingi kami ng paumanin.
05:49Sa kagustuhan lamang po ng ating gobyerno na matugunan ang mga pangailangan ng ating mga farmers.
06:00Pero hindi po nangangulugan na mababa po ang aming pagtingin sa inyo.
06:06Mataas po ang respeto namin sa inyo.
06:09Kung wala po yung masisipag natin, farmers, hindi mabubuhay ang ating bansang Pilipinas.
06:16Kayo po yung nagsasakripisyo.
06:19Ano man po ang inyong,
06:24ang inyong pong sama ng inyong dinadala na bigat ng inyong kalooban,
06:31nandyan pa rin po kayo nagtsatsaga at nagsasakripisyo para po sa ating kababayan.
06:36Kaya sa amin pong lalawig na tinuturing po namin kayo bilang mga magulang namin.
06:43Dahil kayo po yung nagpapakain sa amin.
06:46Kaya mabuhay po kayo.
06:47At hayaan nyo po, gagawin po namin ang lahat para matiyak na ang kapakanan ng bawat farmers dito po sa ating bansa ay talagang mapoteksyonan natin.
07:00Hindi lamang po sa larangan ng mga programa na inahatid ng ating Department of Agriculture,
07:06kundi lalong-lalo na mapataas natin at maging maganda at maging hawa ang buhay ng bawat magsasaka.
07:14So, yun lamang po Mr. Chair. Maraming salamat.
Be the first to comment