Aired (September 27, 2025): Si Daniel, 27-anyos, dating person deprived of liberty. Pero dahil sa pagsisikap na baguhin ang buhay niya, may apat na lisensya na siya bilang propesyonal ngayon. Bukod sa pagiging registered electrical engineer, isa na rin siyang certified plant mechanic, master plumber, at registered master electrician. Panoorin ang kanyang kuwento sa video. #GoodNews
00:00Dito sa Don Carlos Bucidnon, lumaki ang ngayon 27-year-old na si Daniel.
00:07Sa murang edad, tinuring na math wizard si Daniel dahil daw sa galing niya sa numero.
00:13Bata pa nga lang daw, scholar na siya at nangangarap na maging isang ingeniero.
00:18At kung tatanungin daw siya kung bakit apat ang lisensya niya sa ilalim ng Professional Regulation Commission.
00:25Gusto ko po kasing mag-tap sa board exam, kaya panay ako ng exam ng exam para magbigay honor sa university po kung saan sila yung tumulong sa aking na makatapos sa pag-aaral.
00:40Hindi man nakamit ang inaasang-asam na manguna sa board exams, hindi rin naman daw niya inasahan na makakamit ang apat na lisensya.
00:49Lalo pat minsan na siyang tumigil sa pag-aaral.
00:52Sa ikalawang semester daw kasi niya sa huling taon sa kolehyo, si Daniel e nalihis ng landas at nakulong.
00:59Dinakip ako, pinasok ako sa bilangguan. Yun yung reason po na huminto ako sa pag-aaral.
01:06Ang maliwanag na kinabukasan ni Daniel, nabalot ng dilim sa piitan.
01:10Malaki po yung adjustments po kasi mahirap dun. 180 degrees opposite sa kung saan ako lumaki na environment.
01:19So malaki po yung mga adjustments.
01:22Umikot man bigla ang mundo niya sa loob, pilit niyang inilaban ang pangarap na diploma.
01:28Laking pasasalamat naman daw ni Daniel na pinayagan siya ng kanyang pinapasukang universidad na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kahit nasa loob.
01:37Nabigyan din po ako ng opportunity na ipagpatuloy yung last semester ko po sa loob.
01:42Doon ko po ginawa yung tesis ko.
01:43At ang good news daw niya, sa gitna ng mga pagsubok, kahit nasa loob noong mga panahon yun, walang palya rin sa pagbisita ang kanyang ina na si Antonia.
01:57Ako ang magdala sa iyang e-exam, i-addo ko sa MOS1, i-addo na po ko sa PDRC. Pag ika na po sa PDRC, ansiran niya ang iyang test paper.
02:09Mauna akong gibuhat. Nga grabe ang akong sakripisyo for the sake sa akong anak na makawaman lang yung eskwila siya.
02:15At sa pagtsatsaga, sa wakas, nakapagtapos si Daniel.
02:20Sa loob ng halos dalawang taong nasa loob ng piitan, si Daniel tuluyang laban sa buhay habang nagbibigay inspirasyon sa mga kapwa niya in me.
02:30Naging ano din po ako, manungkulan yung trusty po, yung parang mayor at saka bastonero, cabo sa loob. Yan yung pinagkakabalahan ko po sa loob.
02:42Pero sa gitna ng mga ito, may isa pang hamon na sumubok sa katatagan ng binata.
02:49Yung papa ko po ay may colon cancer, stage 4 po. Ang sarap ng tumakas sa mga panahon na yun eh. Makita ko lang si papa na buhay.
02:58Patapos na rin daw ang sintensya niya noon.
03:01Sabi ko, Lord, tulungan niyo po akong makalabas dito at makita yung parents ko, especially yung papa ko.
03:08Welcome home!
03:12At tila, dininig na nga ng langit ang mga dasal niya. Makalipas ng dalawang linggo, nakalaya na siya.
03:21Nadismiss yung case, nakalaya ako. Naabutan ko pa yung papa ko na buhay, pero nasa higaan na po.
03:28Ang saya ko kasi, naabutan ko pa yung papa ko na nakita pa kami. Sumigla po siya sa panahon na dumating ako sa bahay.
03:41At tila ba, hinintay lang ang kanyang paglaya. Makalipas lang ang isang linggo.
03:46Tuluyan na rin na maalam ang kanyang ama.
03:52Pangako ni Daniel sa pamilya. Babawi siya at magtatagumpay rito sa labas.
04:04Nag-take ng board exam, pumasa, at electrical engineer na ngayon sa isang government agency.
04:11Hindi pa natapos sa isa ha?
04:13Nagsariling sikap sa pagre-review para sa tatlo pang lisensyang kinuha niya.
04:18O ha?
04:26Busy man sa trabaho, hindi naman daw palalagpas ni Daniel na bisitahin ang puntot ng kanyang ama.
04:33Lord, salamat Lord. Ang bait po ni papa.
04:36Nasacrifice yung buhay niya para sa kalayaan ko.
04:39Ang narealize ko Lord na yung buhay niya, yun pala siguro yung kapalit ng kalayaan ko.
04:46Pero mas the best po kayo, Lord.
04:50Thankful ako sa buhay ni papa.
04:55Thankful din po ako sa inyo.
04:58Hindi rin tinatalikuran ni Daniel ang kanyang pinanggalingan noon.
05:02Kung kaya't pagkatapos bisitahin ang ama, si Daniel tumungo na rin sa minsay naging tahanan niya.
05:09Ito po yung mga pipes na nilibing ko dito.
05:15Ito po yung ebedensya po na dito po ako nag-tesis sa loob.
05:19Sulti sa iya ha, iwas si ma-inspired ang uban ng mga persons deprived of liberty na dilipa o lahi ang tanaan.
05:29Bisag naamo din sa sulod.
05:30Let your experience as PDL, as your lesson learned and inspiration to others,
05:38even inside the PILO PDLs and even the outside.
05:45Nada pa man noon si Daniel, natutong bumangon at umariba sa buhay.
05:51Malipay po ta sa successful sa itong anak.
05:54Kaya hindi basta-basta ang itong nagian, ang mga agian.
05:58Pero at the end day ay happy ending day na naagyoy ka ng kadaugan sa mga pagsulay.
06:05Hindi man kapiling ang kanyang ama, mas lalo niyang ginagalingan sa buhay para sa mga taong pinakamamahal niya.
06:15Ang success lang makakamit kapag nagpursige ka at hindi ka mag-quit,
06:24hindi ka hihinto sa pag-abot ng mga pangarap mo.
06:28Dapat masipag ka rin.
06:30Kasi yan yung isa sa mga rason na magiging successful ang isang tao.
Be the first to comment