Skip to playerSkip to main content
Nag-resign bilang mambabatas si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sabay sa deadline ng Kamara ngayong araw para umuwi siya ng Pilipinas. Sabi ni Co, effective immediately ang kanyang “irrevocable resignation” dahil sa aniya'y mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.


Giit ng ilang mambabatas at ng justice department,
tuloy at walang takas sa kaso si Co kahit pa nag-resign na. Tinanggap na rin ng House Speaker ang resignation sabay punang 'di nagpadala ng medical certificate si co gayong medical ang dahilan ng kanyang leave.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30...mula sa Interpol para matukoy kung nasaan si Ko.
00:33Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:36Sandra!
00:40Vicky Emil, nagbiti ko na nga bilang kongresista itong si Congressman Zaldico
00:45pero ayon na rin sa ilan sa kanyang mga kasamahan dito,
00:49hindi man siya humarap sa Ethics Committee,
00:51ay hindi pa rin niya basta-basta maiiwasan ang mga kaso laban sa kanya.
01:00Ngayong araw ang deadline na ibinigay ng Kamara para magbalikbansa
01:04si Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
01:07sa gitna na investigasyon kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.
01:12Pero sa halip na magpakita sa Kamara si Ko,
01:15isinumite kaninang hapon ang kanyang resignation letter bilang miyembro ng Kamara.
01:20Naka-address ito kay Speaker Faustino D. III
01:23at sa Committee on Ethics and Privileges.
01:26Sabi ni Ko,
01:27effective immediately ang kanyang irrevocable resignation
01:30dahil saan niya ay mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
01:35Binanggit din niya nga muna ay pagkakait umano ng due process sa kanya.
01:39Ang Ako Bicol Partilist daw ang pipini ng kanyang magiging kapalit.
01:42Ayon kay Ko,
01:43ipatatanggal na rin daw niya ang kanyang gamit sa kanyang opisina sa batasang pambansa.
01:48Matatanda ang noong Hulyo pa naka-medical leave si Ko
01:51sa gitna ng kontrobersya sa mga flood control projects.
01:55Si Ko,
01:55ang dating chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations
01:59na nagbalakas sa 2025 national budget
02:02na nabahiran ang issue ng budget insertions.
02:06Nagtungo ng Amerika si Ko para magpagamot
02:08pero binawi kamakailan ni Speaker D.
02:11ang kanyang travel authority.
02:13Sa pinakahuling impormasyon,
02:14ay wala na sa Amerika si Ko
02:16na sinasabing nasa bansang Spain ngayon.
02:19Sa kanyang sulat,
02:20sinagot din ni Ko ang ethics complaint
02:22na isinampalaban sa kanya
02:23ni Rep. Toby Tianko.
02:26Anya,
02:27walang basya ng aksasyon ni Tianko
02:28na siya ang mastermind
02:30at nagpahintulot ng last-minute insertion
02:33at realignment
02:34sa 2025 General Appropriations Act
02:37o GAA.
02:39Lahat daw ng items sa 2025 GAA
02:41at may cameral report
02:43ay inaprobahan sa plenary sessions
02:45at sumunod sa proseso ng kongreso.
02:49Improbable o malabo daw
02:50kung hindi man imposible
02:52na siya lang mag-isa
02:53ang naglagay ng mga naturang insertion
02:56ng walang approval ng Senado at Kamara.
02:59Kalaunan,
03:00pinirmahan daw ito ni Pangulong
03:02Ferdinand Marcos Jr.
03:04na nangangahulugan umanong
03:05na suro ito ng mabuti ng Pangulo.
03:08Mainam daw na hintayin na lang
03:10ng Ethics Committee
03:11ang desisyon na Supreme Court
03:13at Ombudsman sa mga kaso
03:15o kaugnay nito.
03:16Iginit ni Ko
03:17na bumiyahin siya
03:18dahil sa dahilang medikal
03:19at wala naman daw requirement
03:21na magsabit siya
03:23ng medical certificate.
03:25Hindi rin daw totoo
03:26ang paratang ni Tianko
03:27na dinidisplay nila
03:28ng kanyang pamilya
03:29ang kanilang maggarbong pamumuhay.
03:32Itinanggi rin ni Ko
03:33na kumita siya
03:34bilang kongresista
03:35mula sa mga proyekto
03:36ng San West Inc.
03:38na dati niyang pag-aari.
03:40Sasagutin daw niya
03:41ang mga wala o manong
03:42basehang akusasyon
03:43sa tamang panahon
03:45at forum.
03:46Sagot naman ni Tianko
03:47sa pagre-resign ni Ko
03:48hindi pa rin ito
03:49makaliligtas
03:50sa mga kaso.
03:51Pag-iwas yun
03:53sa mas marami pang tanong
03:55sa Ethics Committee.
03:57Kahit naman mag-resign siya
03:58hindi naman siya makakaiwas.
04:00Wala pang pahayag sa ngayon
04:01si Speaker Faustino D.
04:03Bagong mag-resign si Ko
04:04sinabi ng Ethics Committee
04:06ngayong araw
04:06na magsasagawa sila
04:08ng hearing
04:08kaugnay sa reklamo ni Ko.
04:10Hindi pa maliraw sa ngayon
04:12kung ano ang susunod
04:13na hakbang ng komite.
04:14Kinakailangan niya
04:15umuwi at harapin ito.
04:16Mahalaga yung kanyang sasabihin
04:17para ipaliwanag
04:18ano ba talaga
04:19ang nangyari
04:19at sino ba dapat
04:20ang managot
04:21at bigyan ng parusa.
04:22Ayon na rin
04:23kay Justice Secretary
04:24Jesus Crispin Remulia
04:25tuloy pa rin
04:26ang mga kaso
04:27laban kay Ko.
04:28Humiling na rin
04:29ang DOJ
04:30ng Blue Notice
04:31mula sa Interpol
04:32para kumalat ng karagdagang
04:34impormasyon
04:34ukol sa aktibidad
04:36at lokasyon ni Ko.
04:38I don't expect him
04:39to come home.
04:39I mean
04:40the way that
04:41everything is right now
04:43I don't think
04:43he will just go home.
04:44Emil, nag-press conference
04:51ngayong hapon
04:52si Speaker Faustino D
04:53at si Ethics Committee
04:54Chairman J.C. Avalos
04:56at abangan niyo po
04:56ang detalyan niyan
04:57maya-maya lamang
04:58at samantala
04:59sinabi naman po
05:00ni Comilex Chairman
05:01George Erwin Garcia
05:02naintay nila
05:03yung sulat mula
05:04sa kamera
05:05para maitalaga
05:06yung susunod na
05:07ako-bicol nominee
05:08na papalit kay Ko.
05:10Emil?
05:11Maraming salamat
05:11Sandra Aguinaldo.
05:12Aminado ang
05:14House Ethics Committee
05:15na nawala na sila
05:16ng horisdiksyon
05:17sa pagbibitiw
05:18ni ako-bicol
05:19party list
05:19Representative Zaldi Ko.
05:21Pino na naman
05:22ang House Speaker
05:23ang di pagpapadala
05:25ng medical certificate
05:26ni Ko
05:26gayong medical
05:28ang dahilan
05:29ng kanyang leave.
05:30Nakatutok live
05:31si Maris Umali.
05:32Maris.
05:36Vicky,
05:37tinanggap na rao
05:37ni House Speaker
05:38Faustino D. III
05:40ang biglaang
05:41pagbibitiw
05:42ni Akobicol
05:43Partialist
05:43Representative
05:44Zaldi Ko.
05:49Ikinagulat daw
05:49ng pamunuan
05:50ng kamera
05:50ang timing
05:51ng immediate
05:52and irrevocable
05:53resignation ni Ko
05:54sa mismong araw
05:56ng deadline
05:56na ibinigay nila
05:57sa kanya
05:57para humarap
05:58sa mababang
05:59kapulungan
05:59ng Kongreso
06:00at harapin
06:01ang mga
06:01aligasyon
06:02ng anomalyang
06:02ipinupukol
06:03sa kanya.
06:04Dahil sa pagbibitiw,
06:05sabi ni House
06:06Ethics Committee
06:07Chairman J.C.
06:07Avalos,
06:08wala na raw
06:09kapangyarihan
06:10ang komite
06:10na ipagpatuloy
06:11ang investigasyon
06:12laban sa kanya.
06:13Ang DOJ
06:14o ang Independent
06:16Commission on Infrastructure
06:17o ICI
06:18na lamang
06:18ang maaaring
06:19kumilos
06:20ukol sa
06:20mareklamo
06:21laban sa kanya.
06:22Ayon kay Speaker
06:22D.
06:23Baga matinanggap
06:24na niya
06:24ang resignation
06:25ni Co
06:25pag-uusapan pa raw
06:26ng kamera
06:27kung ano
06:27ang magiging
06:28susunod na hakbang
06:29o proseso
06:30at kung idaraan pa ito
06:32sa manifestation
06:33ng plenaryo.
06:35Pino na rin ni D.
06:36na wala man lang
06:36ipinadala ang
06:37medical certificate
06:38si Co
06:39kayong medical
06:40ang dahilan
06:40ng kanyang leave.
06:41Wala pa raw silang
06:42impormasyon
06:43kung nasa Pilipinas
06:44na si Co
06:44pero base sa records
06:45ng immigration
06:46hindi pa ito
06:47nakikitang pumasok
06:48sa bansa.
06:49Narito po ang pahayag
06:50ni House Speaker D.
06:51Kaya
06:53ang tingin namin dito
06:55ay
06:56bahala na
06:58ang Department of Justice
07:00at ganoon din
07:01ang ICI
07:02kung anong pwede
07:04nilang ipataw
07:04pero kailangan talagang
07:06bumalik siya
07:06sa lahat ng parang
07:07na magawa.
07:09Dapat mapabalik siya
07:10at managutan siya
07:11sa mga issues
07:12laban kay
07:13Congressman Saldico.
07:19Vicky,
07:20sinabi naman
07:20ng kamera
07:21na sa ngayon
07:22ang prioridad nila
07:23ay maipasa
07:24ang pambansang budget
07:25para sa 2026.
07:26Katunayan hanggang
07:27sa mga sandaling ito
07:27ay nagpapatuloy pa rin
07:29ang plenary hearing
07:30para sa budget
07:30ang Department of Agriculture
07:32at nakatakda pang sumalang
07:34ang Department of Health
07:35at DPWH.
07:36Vicky?
07:37Maraming salamat sa iyo
07:38Mariz Umali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended