00:00Nagpaalala ang National Privacy Commission o NPC
00:04kaugnay sa tamang paggamit ng CCTV at body-worn cameras.
00:09Ayon sa NPC, dapat may lehitimong layunin ang paggamit ng CCTV
00:14kabilang na ang pagtiyak ng seguridad sa lugar.
00:18Anila, dapat din may access control at retention period ito
00:22depende sa purpose ng paggagamitan ng footage.
00:26Hindi rin daw dapat na kung sino-sino lamang ang humahawak ng access control
00:31para hindi maabuso ang paggamit nito.
00:35Kinakailangan din umanon na may lehitimong layunin ang paggamit ng body-worn cameras
00:40lalo na ang mga otoridad.
00:42Maaring makulong na hanggang limang taon ang sino mang lalabag sa Data Privacy Act.
00:48Samantala, iginit naman ang NPC na hindi pa din dapat mawala
00:52ang Data Privacy ng mga personalidad na nasa public hearing
00:56dahil sa kanilang right to privacy.
00:59Kaya po mag-ingat po tayo.
01:02Naintindihan ko po, medyo galit po tayo, frustrated.
01:05Pero hindi po yung kadahilanan para tayo naman po ay mag-violate
01:08ng isang batas ulit, which is yung Data Privacy Act.