00:00Sa ating balita, umabot na sa 73 million pesos ang kabuang halaga ng tulong na naibigay ng Department of Social Welfare and Development
00:09sa mga residenteng naapektuhan ng tatlong bagyong pumasok sa bansa.
00:13Ito ay binubuo ng mga family food packs at non-food items.
00:17Mahigit 108,000 na family food packs ang naipamahagi sa mga naapektuhang residente.
00:23Ayon kay DSWD spokesperson Asset Eileen Dumlao, inaasahang tataas pa ang nasabing bilang kaya tuloy ang pamahagi nila ng tulong sa iba't ibang lugar sa bansa lalo na sa mga Region 8 at Region 5.
00:38Aniya, mayroon pang 380 million pesos sa standby funds ng DSWD para sa mga naapektuhan ng kalamidad.