00:00Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:05laban sa paggamit ng kanilang cash aid sa pagsusugal.
00:09Inutos ni DSWD Secretary Rex Gatchelian sa kagawaran na paalalahanan
00:14ang kanilang mga beneficiaryo na ang pondo ng DSWD ay para lamang sa basic needs
00:20at hindi para sa iba pang gamit.
00:23Ang mga mahuhuling beneficiaryo na gumagamit ng ayuda sa pagsusugal
00:27ay maaring matanggal sa financial assistance programs ng DSWD.
00:32Pwede rin silang ma-disqualify ka sa iba pang cash assistance ng gobyerno.
00:36Inutos din ni Gatchelian sa mga kagawaran ang mas mahigpit na pagbabantay
00:41sa distribusyon at mga mekanismo para matugunan ang anumang paglabag.
00:46Ang utos ay kasunod ng kampanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:50kontra sugal at sa mga negatibong epekto nito sa pamilyang Pilipino.