Skip to playerSkip to main content
Aired (September 28, 2025): Sa murang edad, naging sandigan ng pamilya si Lovely matapos ipagpaliban ang kolehiyo. Ang kanyang tirahan – isang container dorm sa Cainta, Rizal. Paano kaya niya pinapasan ang responsibilidad ng pagiging breadwinner at nangungupahan?

Panoorin ang buong episode: https://youtu.be/q6L45y-MQXk

#TheAtomAraulloSpecials #BahayBahayan

Watch 'The Atom Araullo Specials' every last Sunday of the month on GMA Network, hosted by award-winning broadcast journalist Atom Araullo. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Si Lovely, isang taon palang nagtatrabaho sa Maynila.
00:06Saan kaya siya nakatira?
00:13Hello? Nepo Baby yan?
00:17Hindi dito nakatira si Lovely.
00:23Dito siya, nangungupahan.
00:30Sa puso ng kainta Rizal, matatagpuan ng kakaibang istruktura.
00:37Mga pinagpatong-patong na shipping containers na nagsisilbi ngayong paupahan.
00:47Tuwing umaga, ganito ang karangiwang tagpo sa City Hub Dormitory.
00:52Abala ang lahat sa pag-ahanda para pumasok sa trabaho.
01:00Ang labing siyam na taong gulang na si Lovely, mag-iisang taon nang nangungupahan dito.
01:18Sa maliit na kamang ito, pinakakasya niya ang kanyang sarili at kaunting mga gamit.
01:24Nak-knock!
01:37Hello po.
01:38Hello, Lovely!
01:39Hello po!
01:40Basta ka?
01:41Okay lang po.
01:42Oh, mapasok ka sa work?
01:43Yes po.
01:44Oo.
01:44Hindi ka pa naman late ha?
01:45Hindi pa naman po.
01:47So dito ka nakastay?
01:48Opo.
01:49Ito po yung space ka.
01:51Pero ito lang talaga yun.
01:52Lahat nung gamit mo nandito na rin.
01:54Opo.
01:55Tapos ano, electric fan na kayo?
01:57Electrectal po.
01:57Okay.
01:58Oo.
01:59Kamusta naman? Buti nagkakasya ka dito.
02:01Yes po.
02:02May nagkakasya.
02:03Oo.
02:04Meron ba nakana dito?
02:06Nagsi-stay dito?
02:07Bali, bakante po yan.
02:09Bakante, no?
02:09Opo.
02:09Try ko nga.
02:11Sige, sir.
02:19Pwede ba sa ano to?
02:21Sa tangkad ko?
02:22Oo, okay.
02:24Alam mo, okay naman siya.
02:26Parang comfortable naman.
02:29Opo.
02:30Tapos may maliit na bintana dito, no?
02:32Apo.
02:33Kaya lang, kailangan.
02:35Yun.
02:36Para may konting hangin.
02:39Not bad.
02:41Kaya lang, paano nagkakasya yung gamit mo dito?
02:43Sa muli nalagay.
02:44Sa may paanan po.
02:46Tapos yung iba naman po.
02:47Diyan po sa may footlocker.
02:48Ah, meron ding locker dito?
02:49Apo, ayan po.
02:50Yes, po.
02:51Kasama na to doon sa rent?
02:53Apo, kasama po yun.
02:54Okay.
02:55Tapos kung mag-a-add po kayo ng isa pang locker yung mas malaki, doon po sa may dulo.
02:59Ah, meron sa labas?
03:01Okay.
03:01Meron po.
03:01200 po ata isang locker.
03:05Per month?
03:06Mm, per month.
03:09So, ayan.
03:10I mean, very basic lang, no?
03:12Parang, merong laigaan, meron kang sampayan, merong cortina, so privacy.
03:21See, that's it.
03:301,995 pesos ang upa rito kada buwan para sa mga fan rooms, gaya ng kay Lovely.
03:38May 10% discount para sa minimum wage earners.
03:41Kung gusto mo ng konting ginhawa, additional 1,000 pesos naman para sa mga air-conditioned room.
03:50Ang upa sa fan room, jackpot na raw para kay Lovely na di kalakihan ng sweldo.
04:02Okay naman na po siya kasi include naman na po lahat.
04:04Kasama kuryente at tubig.
04:09Ano bang work mo ngayon?
04:10Ah, cashier po sa grocery store.
04:13Oo.
04:14Magkano ang kita mo doon?
04:15Baba lang po.
04:17Minimum, mga 560.
04:20Tapos plus OT naman po.
04:23Mabot din siya ng 900.
04:29Sa buong Pilipinas, tinatayang nasa 5 million ang sumisweldo ng minimum wage.
04:38Hindi pa kasama rito yung mga bahagi ng tinatawag na informal sector o yung walang formal na trabaho.
04:46Sila ang mga manggagawa at empleyado na nagpapatakbo ng ating ekonomiya.
04:56Tulad ng marami nating kababayan, lumuwa si Lovely ng Maynila para makipagsapalaran.
05:02Tubong Hala-Hala Rizal ang talaga.
05:07Kung mahirap daw ang buhay sa lungsod, mas mahirap pa rin sa probinsya.
05:13Kahit may sarili silang bahay roon.
05:15Mababa po kasi yung sahod doon.
05:18Imagine mo po, 250 a day lang.
05:20Kaya mas pinili ko na lang na lumayong sa kanila.
05:23Mas nakaka-stress ba dito?
05:25Tingin mo?
05:26O nababalanse rin naman ng parang...
05:28Ano sir, bali ano po, pagka nandito ako, syempre na-stress po ako.
05:34Pero pag nandun din naman ako, mas na-stress din ako.
05:37Kasi syempre, iniisip po yung sa pagkain namin, araw-araw, may family ko po.
05:43Kung nandun ako, paano na po kami?
05:45Panganay sa tatlong magkakapatid, si Lovely ang sandala ng pamilya.
05:57Kaya pagka-graduate ng senior high school, ipinagpaliban muna niya ang kolehyo at agad nang nagtrabaho.
06:05Bali pinapadala ko po sa kanila, ano, 2-5.
06:08Tapos yung matitira po sa akin para sa upa tapos yung allowance ko po.
06:13Nakaka-ipon ka pa ba?
06:16Hindi po.
06:16Talaga, naubos talaga lahat.
06:18Lalo na po pagkailangan.
06:22Hihirap nung ganun, ano?
06:23Paano kung may kailangan kang pag-ipunan o kaya may emergency?
06:28Yan nga po yung iniisip ko din eh.
06:31Na kung paano ako makakapag-ipon.
06:33Kung lahat parang ano sa akin.
06:36Dumadaan lang, no?
06:37Oo.
06:38Saglit lang.
06:39Dahil gipit na gipit ang budget, ang mga tulad ni Lovely, kailangan ng murang paupahan habang nagtatrabaho sa Maynila.
06:53Sa Facebook, pakakahanap ng mga nag-aalok ng simpleng matutuluyan.
06:59Na tinatawag ding, capsule rooms.
07:01Ang iba, nasa likod ng rehas ang tulugan.
07:09Dahil sa liit ng espasyo, katabi na ng banyo ang ibang higaan.
07:14Magandang tignan sa litrato.
07:22Pero medyo iba na ang itsura sa totoong buhay.
07:26Sinubukan naming kausapin ang mga nagpapatakbo ng mga paupahang ito.
07:31Pero walang gustong humarap sa kamera.
07:35Kahit mura ang paupahan, dapat manatili itong disente.
07:39Yan ang paniniwala ni Panya Bunsiritum, ang founder at CEO ng City Hub.
07:45Ano yung kaibahan itong housing facility na ito sa iba pang mga paupahal sa Metro Manila?
07:53Well, ang City Hub actually, nakadesenyo ito para sa ating mga minimum wage worker na nagtatrabaho sa Metro Manila.
08:00Pero malalayo yung inuwihan, mga taga Bulacan, Cavite, Laguna.
08:05So, para kaming hotel ng mga workers, minimum wage workers.
08:08At the same time, ang style niya, kumbaga parang communal, parang sama-sama.
08:15Yes, correct. So, ang City Hub ay designed as a co-living space.
08:212011 itinatag ang City Hub.
08:25Ngayon, may tatlo na itong branches na nakatayo malapit sa ilang central business districts ng Metro Manila.
08:31Dito sa Kainta, nasa 400 tenants daw ang kaya nilang serbisyohan.
08:40Bawat container van kasi, kayang tirhan ng nasa 22 tao.
08:45Paano niyo po masisiguro na mananatiling affordable yung paupahan na ito?
08:53Dahil may ibang options din naman yung mga kababayan natin.
08:57We have to be very efficient sa pagdidesign ng aming facility.
09:03You know, aside from yung construction, dapat mahanapan namin ng paraan, paano maging mura.
09:08Kaya nga ginagamit namin itong lumang container.
09:11Pangalawa is, kailangan yung operational cost mo, medyo mababa rin.
09:16Kung mapapansin mo, at a 400 dorm, believe it or not, ang manpower namin is 8 lang.
09:21But since we designed it very efficiently, nagagawa nila ito.
Comments

Recommended