Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Aired (July 27, 2025): Para saan nga ba ginagamit ang agarwood na mula sa puno ng Lapnisan? Bakit ito napakamahal sa merkado? At ano ang kapalit ng lahat ng ito para sa ating kalikasan?

Panoorin ang buong episode: https://youtu.be/YKLoRDYcPOE

#TheAtomAraulloSpecials #GintongPuno

Watch 'The Atom Araullo Specials' every last Sunday of the month on GMA Network, hosted by award-winning broadcast journalist Atom Araullo. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa nakalipas na dekada,
00:04pumotok ang interes sa agriwood sa Pilipinas.
00:12Ang punong hinahayaan lang dati,
00:16isa-isang pinutol sa kagubatan
00:20dahil sa pangako ng malaking kita.
00:24Ngayon, critically endangered na ang labnisan.
00:30Dahil iilan na lang ang mga lugar sa bansa na may natitira pang matatandang puno,
00:35lalong naging delikado ang kalakaran.
00:40Ang ibang mga hunter,
00:42na tila kabilang sa mga organisadong grupo,
00:45pinapasok na rin ang mga protected areas.
00:51Kuha ito ng isang kamera sa Northwest Panay Peninsula Natural Park.
00:56Dayo lang daw ang mga agarwood poacher dito.
01:00Na tila armado pa ng mga mahabang baril.
01:13Nakipagkita uli ako sa buyer na si Dante Saluzon.
01:18Naipuslit na niya ang agarwood galing sa mga bundok ng Mindanao.
01:22So, pa nagbebenta ka, ganito yung transaction?
01:25Ganito, usually, yeah.
01:26Send testing tawag dito,
01:28na dapat amoyin din ang kliyente mo
01:30kasi maibang mga nagbabagsak ng galing sa probinsa.
01:34Kala nila agarwood, hindi yung agarwood.
01:38Ang agarwood, na tinatawag ring wood,
01:41hinahanap-hanap ng mga foreign buyers dahil sa kanyang amoy,
01:46lalo na pagsinindihan.
01:48Ng wood.
01:49Iilawan yan siya.
01:54So, ito.
01:57Sige, ilagay ko ito ng...
02:00para lalabas yung mas maraming oil.
02:03Pakita mo yung nagbaburn na yung oil niya.
02:13Hindi mo masasabing basta mabango eh.
02:15Ang complex nung scent niya eh.
02:17May matamis, merong sweet smell,
02:21may woody smell,
02:23may earthy smell.
02:26Kwento ni Dante,
02:27karamihan sa mga kliyente niya
02:29galing Middle East o di kaya'y China.
02:32Kung saan may mahabang kasaysayan na
02:35ng paggamit ng agarwood.
02:38Few minutes or few seconds na naaboy nila yung uso.
02:41Straight forward.
02:42I get this.
02:43How many kilos?
02:44I give me two.
02:45Give me three kilos.
02:47Tapos nagbabayad na agad yun?
02:48Agad-agad.
02:50Pero totoo bang nagkakahalaga
02:52ng milyong-milyong piso
02:54ang isang kilo ng agarwood?
02:57Yung pinakamahal, yun yung mga oil
02:58na galing sa mga matatanang trees
03:00like 50 years old and beyond.
03:01Wala tayong makuha doon, sir.
03:03Parang naubos na atla yung
03:04first wave ng mga pochers sa Pilipinas.
03:07Yung sinasabi niya ng
03:08million-million na kilo per kilo,
03:103 million,
03:11parang halos naubos na nila yan.
03:12Bakit naubos?
03:13Ano na nangyayari?
03:15Eh siyempre,
03:16nung lalaman nila,
03:17bahal nga yung agarwood
03:18at hinahanap ng mga ibang
03:19foreigners
03:20na maganda talaga
03:21yung wild na Philippines,
03:22talaga'y ginagulugad nila
03:23yung buong Pilipinas
03:24wala
03:25buson, puntang Mindanao.
03:36Ang matatanang puno ng lapnisan,
03:38natural na gumagawa ng agarwood
03:39sa piling pagkakataon.
03:41Halimbawa,
03:43kapag nasusugatan sila
03:45ng mga hayop sa gubat
03:46o napipinsala ng bagyo.
03:50Pero bihira lang itong mangyari.
03:52Kaya sabi ni Dante,
03:53tsambahan lang daw
03:55ang paghahanap ng agarwood dati.
03:58Putulong ng putul
03:59kasi out of 100 trees,
04:01meron lang 3% dyan na may laman.
04:04So, 3 to 7%.
04:05So, isang dahil pinutul mo,
04:07tatlo to limang kahoy lang
04:09napakinabang ang dares, wala.
04:10So, sayang naman.
04:11Sayang yun.
04:13Ang mga binibentang agarwood
04:15ni Dante ngayon
04:16galing nalang umano
04:17sa mga inoculated na puno
04:20na umaabot na lang daw
04:21ng 300,000 pesos
04:23kada kilo.
04:25Pero bawal pa rin ito
04:26dahil galing
04:27sa mga puno
04:28sa kagubatan.
04:34Regular daw
04:35na nakikipagkita si Dante
04:36sa mga banyagang kliyente,
04:38hindi lang sa Pilipinas
04:39kundi sa labas ng bansa.
04:47Hindi ko ba nakakaproblema yan
04:48sa ano?
04:49Costumes?
04:50Wala naman ko, sir.
04:51Kasi minsan,
04:52nilagay ko lang sa pagkain ko.
04:54Local airport,
04:55kaya ilang airport,
04:56wala naman.
04:57Ito, kumbaga,
04:58nilagay mo lang dun sa pagkain,
04:59nilagay sa loob ng damit.
05:01Hindi naman nakikita.
05:03Darating din daw ang araw na puro tanim na lapnisa na lamang ang aanihin nila Dante.
05:12Pero sa ngayon, tuloy pa rin siya sa pagbebenta ng iligal.
05:17Kasi wala pa naman talagang nagtanim na malalaki na.
05:21But I'm sure may hangganan to eh.
05:23Kasi ba't ako pupunta ng bundok if I have hundreds or thousand trees sa farm ko?
05:28Pagamat tila maluwag na nakakakilos ang mga tulad ni Dante,
05:37marami na rin ang nahuli.
05:40Ayon sa Department of Environment and Natural Resources,
05:43mula 2016 hanggang 2021,
05:46bumabot ng P132M ang halaga
05:49ng nasa Batna Agarwood
05:51mula sa iligal na kalakaran.
05:54May mga nahuli na rin banyaga.
05:57Sa buong mundo,
05:59tinati ang $30 billion o 1.7 trillion pesos
06:03ang global agarwood market.

Recommended