00:00Samantala, inalala ng mga residente ng Provident Village sa Marikina
00:04ang madilim na karanasan sa pananalasa ng Bagyong Undoy noong 2009
00:09kasabay ng ikalabing-alim na anibersaryo ng pagtama ng bagyo.
00:13Ang detalya sa report ni Harley Valbuena ng PTV, Manila.
00:18Hinding-hindi malilimutan ni Agusto Faundo
00:21ang madilim na karanasan sa Provident Village sa Marikina City
00:25ng manalasa ang Bagyong Undoy noong 2009.
00:27Sa kasalukuyang pananalasa ng Bagyong Opong sa ilang bahagi ng bansa,
00:41inaalala rin ngayon ang ikalabing-alim na anibersaryo ng Bagyong Undoy.
00:46Bagamat hindi ganon kalakas ang dala nitong hangin,
00:49nagpaula naman ito nang tinatayang nasa 455mm ng tubigulan
00:54sa loob ng 24 na oras na isa sa pinakamataas na rainfall volume
00:59na dinala ng isang bagyo sa kasaysayan ng bansa.
01:03Sinalanta nito ang halos buong Metro Manila at mga katabing lalawigan tulad ng Rizal,
01:09isa sa pinakamatinding tinamaan, ang Provident Village sa Marikina.
01:13Ang Undoy ay kumitil sa buhay ng kabuwaang 464 na katao,
01:19habang mahigit 500 ang nasugatan at mahigit 30 ang missing o hindi na nakita.
01:25Umabot naman sa 11 billion pesos ang iniwan itong pinsala sa agrikultura at infrastruktura.
01:32Dahil sa lawak ng pinsala sa buhay at mga ariyarian,
01:35iniretiro ng pag-asa ang pangalang Undoy,
01:37ibig sabihin ay hindi na ito maaaring gamitin sa mga susunod na bagyo.
01:42Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente ng Provident Village.
01:46Dahil lumihis ang bagyong opong at hindi tumama sa Metro Manila,
01:50bit-bit na rin nila ang leksyon mula sa bagyong Undoy.
01:53At ngayon ay mas handa at alisto na sila sa lahat ng oras
01:58para sa anumang sakuna o kalamidad sa hinaharap.
02:01Trauma na rin kami kaya almost na pag-wans na ganyan na may kalamidad talaga.
02:05Nagsisilikas na kami talaga, automatic na yan.
02:08Hindi na na kami naghihintay na para umapaw pa dito.
02:12Lumilikas na kami para sa mga pamilya rin dito.
02:16Para sa Integrated State Media, Harley Valbena ng PTV.