Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi nao totoo at pilit na pilit. Yan ang sinabi ni dating House Speaker Martin Ramualdez
00:05matapos siyang idawit sa mga umunay kickback sa flood control projects.
00:09I-dinitali kasi sa Senado ng isang nagpakilalang dating security detail ni Congressman Saldico
00:14ang mga dinadala niya mga maleta na may milyong-milyong pisong pera sa bahay ni Ko at ni Ramualdez.
00:21May unang balita si Maki Pulido.
00:23Isang nagpakilalang orly regala Guteza ang iniharap ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:34Dati raw siyang nasa Philippine Marines at dati rin security detail ni Ako Bicol Partylist Representative Saldico.
00:41Sa kanyang sinumpaan sa Laysay, sinabi ni Guteza na naghatid siya ng pera kay Ko at kay dating House Speaker Martin Ramualdez.
00:48At ang tawag daw nila sa dinedeliver na pera, basura.
00:51Humigit kumulang tatlong bisis ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman Saldico
00:58at sa mga bahay ni Speaker Ramualdez sa tagig.
01:06Ayon kay Guteza, may pagkakataon din daw na nagdala si dating ACT-CIS party list at ngayon'y Benguet Representative Eric Yap
01:13na 46 na maletang may laman na tig 48 million pesos sa bahay ni Ko sa Pasig.
01:20Ang bawat malita ay may lamang humigit kumulang 48 million pesos.
01:25Ang bawat malita ay may pusit na nakadikit na nakasaad kung magkano ang laman ng bawat malita.
01:31Yung isang malaking big na malita is kasing ganito ang sukat.
01:36Ah, yung pinakamalaki.
01:38Opo. Tapos pag binuhat ko po yan, ang bigat yan, almost parang isang sakong bigat sa 50 kilos.
01:45Yung bigat?
01:46Opo.
01:47So binubuhat po ninyo, hindi na transfer po ninyo sa bahay?
01:49O, hindi na transfer sa other sakyan po.
01:51Okay, so dalawa, tatlo sa sakyan. Ganun po lagi?
01:5517, 18 po na mga malita, three times a week?
01:59Yes, yes sir.
02:00Mula sa bahay sa Pasig, hinatid daw ang mga ito ni Naguteza sa condo unit ni Ko sa Taguig.
02:06Doon daw hinati ang mga maleta.
02:08Labing isang maleta ang may lamang pera ang naiwan-umano sa kondo ni Ko.
02:12Habang ang 35, inihatid daw sa bahay ni Romualdo sa Taguig.
02:16Sinong tao ang nagre-receive?
02:19Sa mga ganun sir, ang may contact, Your Honor, is yung si Paul at si Mark lang ang may contact doon sa receiver.
02:26So pagdating doon, nakabukas na yung gate doon sa ***, pumapasok na lang kami.
02:31Then pag nabuhat na namin yung mga maleta na ibaba na, so lalabas na kami.
02:38Wala na kaming ano.
02:39Basta may deliver lang namin yung mga basura doon sa bahay, wala na kaming ano noon, Your Honor.
02:47Sabi ni Guteza, tatlong beses siyang naghatid ng pera sa bahay ni Romualdo.
02:51Pero kahit hindi daw siya basura duty, nalalaman niyang may hinahatid na pera kay Romualdo mula kay Ko
02:56dahil nababasa niya ang messages sa group chat na mga security detail.
03:01Sa tansya ni Guteza, nasa tatlong beses ito sa isang linggo.
03:04Pangkaraniwan, three times a week, mga ilan sa tingin mo yung karaniwang na i-deliver? Ilang maleta?
03:11Minsan mayroong 15 or kaya 18 ang maleta.
03:17Pero yung malalaking maleta yun, na nag-re-rate yung bawat maleta, minsan mayroong 48, may 50.
03:23Si Guteza, si Guteza.
03:24Anong status niya sa gaganyan sa mga?
03:26Ayun, madali hong i-qualify yun sa statement test. Pero re-evaluation pa rin.
03:30Okay.
03:30Siyempre, hindi sila part ng crime eh. Pero pag part ng crime, protected with us pa rin.
03:36Kasi they're still testifying for the case of the government.
03:39So we have the duty to protect them if they ask for our protection.
03:43Si Guteza, hindi ba accessory sa crime? Dahil nag-deliver siya nung...
03:46Well, ano yun eh. Ang nangyari kasi dyan, oh you can say that, pwede sabihin accessory, pero very very minimal ang role niya sa actual crime.
03:58Diba?
03:59Kung accessory, that's more or less a very light penalty compared to the principles.
04:05Sa isang pahayag, iginiit ni Romualdez na hindi siya kailanman nakatanggap o nakinabang sa kickback sa anumang infrastructure project.
04:12Gawa-gawa lang anya ang testimonya ni Guteza.
04:15Pilit na pilit daw ang pag-uugnay sa kanya sa mga sinasabing kickback.
04:20Imposible daw ang sinasabi ni Guteza dahil ang tinukoy nitong pinagdalhan umano ng delivery noong December 2024,
04:26halos isang taon na noong bakante dahil nire-renovate.
04:30Malinawa niyang politikal at produkto ng coaching o pagtuturo ang mga anya'y pahayag na perjurius o kasinungalingan.
04:37Hindi raw niya ito palalampasin.
04:40Itinanggi rin ni Yap ang aligasyon.
04:42Kahit kailan daw hindi siya tumanggap o kaya ay nag-authorize ng paghatid ng pera kaugnay ng flood control projects.
04:48Haharapin daw niya ang nag-aakusa sa tamang forum kung saan marirespeto ang kanyang karapatan sa ilalim ng konstitusyon.
04:55Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Ko,
04:57pero dati na niyang itinangging sangkot siya sa pangungomisyon sa flood control projects.
05:02Di pa rin malinaw kung nasaan na si Ko.
05:05Kinukumpirma pa rao ng Department of Justice kung totoong nasa Spain na siya.
05:09Yes, he's being tracked already.
05:11We're trying to track him and maraming tumutulong na tao.
05:15Can you confirm if nasa Spain ba talaga siya?
05:18Well, there's a boarding pass.
05:21Boarding pass ba yan?
05:22There were flight details sent to us but we have to validate.
05:25Will they clear, sir? May ilipo ba siya?
05:28Meron, meron siya ilipo. Yes, yes.
05:31Dalawang driver din ang DPWH Bulacan ang humarap sa kumite ng Senado at sinabing naghahatid din sila ng mga maleta para kay Ko sa utos daw ni Engineer Bryce Hernandez.
05:40Pero hindi nila alam kung ano ang laman ng mga maleta.
05:43Totoo po ba na kayo po ay nagdi-deliver po ng pera doon po sa bahay ni or sa condo ni Congressman Saldico?
05:52Your Honor, bali ako po isang beses lang po ako nakapag-deliver doon.
05:56Gano'ng karami po yun kung inyo po natatandaan ilang maleta, ilang sako yung deliver po ninyong pera?
06:03Your Honor, sa pagkakatanda ako po, mga nasa 6 to 8 na maleta po.
06:09Pero alam po ninyo na pera po laman ng maleta po na yun.
06:13Hindi po kinumfirm na pera so wala po kaming idea.
06:16Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended