00:00Sinusulong sa Senado na ipagbawal na lahat ng online gambling operations sa bansa.
00:06Babala naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation of Pagor,
00:09bilyong-bilyong pisong kita ang mawawala sa gobyerno kung ipasasara pati ang mga legal na online gambling.
00:16May una balita si Jonathan Andal.
00:21Sinuspindi na ng LTO ang lisensya ng bus driver na hindi umano-maayos magmaneho
00:26dahil isinabay ang pagsusugal online.
00:31Pero nababahala pa rin si Sen. Rafi Tulfo sa pagkalulong ng marami sa anya'y epidemya ng online sugal.
00:39Paano na kayo kung sa gabi wala nakakitang pasahero, nag-online gambling siya,
00:44nabangga, disgrace siya, na meron tayong sakit sa ating lipunan sa pamagitan ng epidemic
00:53kung tawagin ko nitong online gambling.
00:56That's why I'm filing a bill na total stop, hindi yung regulated.
01:04Lahat pati accredited ng pagkor, kailan tayo titigil kung bagsak na ang ating bansa?
01:11Dahil damay pati legal na online gambling,
01:14tingin ni Tulfo, may malalaking taong haharang sa panukala.
01:18Habang wala pang batas, kinakalampag muna niya ang pagkor.
01:21Nananawagan ako sa pagkor maging sa ad board.
01:24Itigil na muna lahat ng advertisement sa online gambling.
01:29Sa TV, radio, newspaper, social media. Lahat.
01:35Sana magkaroon muna ng moratorium.
01:37May utos na ang pagkor na tanggalin ang lahat ng billboard ng online gambling hanggang August 15.
01:43Pero ang dati ng posisyon ng pagkor, hindi total ban, nasakop ang legal, kundi mahigpit na regulasyon lang.
01:50Ang sinisira sa online gaming industry ngayon, yung maraming iligal na patuloy na nag-ooperate.
02:00At ang masakit nito, they are operating from outside the Philippines.
02:04Ang tinatalget nila ay mga Pilipino customer.
02:10Sa taya ng pagkor, nasa sandaan ang mga iligal na nag-ooperate ng online gambling sa bansa
02:15habang pitumpong ang mga lisensyado.
02:18Babala ng labing apat sa lisensyadong online gambling operator.
02:23Hindi mapipigil ng pagbabawal ang pagsusugal ng mga Pilipino.
02:27Lilipat lang anila ang mga ito sa black market o sa mga hindi lisensyado na hindi mapananagot ng gobyerno.
02:34Sabi ng pagkor, malaki ang nalilikom ng gobyerno sa online sugal na umabot ng 50 bilyong piso noong nakaraang taon.
02:42Ang nakontribute po ng online gaming alone, hindi po ng pagkor, sa PhilHealth, meron pong kulang 6.5 bilyon piso.
02:55Kung ating titignan, ma'am, sa 30,000 average, can you imagine ilang milyon yung ating natulungan
03:04sa pamamagitan ng license fees ng online gaming sa mga pasyente ng PhilHealth?
03:12Panukala ni Tulfo, para mapunan ang mawawalang kita sa online sugal,
03:16tanggalan na lang ng pondo ang mga GL o guarantee letter na ginagamit pa ang dagdag bayad sa ospital
03:22na mga nangangailangan at mahihirap.
03:25Itigil natin yung mga GL na yan.
03:27O, ilan ba yung bilyon-bilyon yan galing sa GL?
03:31O, di lahat.
03:32Ako mismo, isusurrender ko yung GL ko.
03:35Pasintabi, sa iba, inagagamit ang mga politiko para magkaroon silang pogi points sa kanilang mga butante.
03:41Ang mga pagpapasyang ganito po ay talagang pinag-aaralan.
03:44Minsan ko po, kapag ka po mismo ang legal at license na mga online gaming sites ang iyong ibabahan,
03:52mas dumadami ang mga illegal na online gaming sites.
03:58Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
04:02Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:07para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments