Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Naglabas ng bagong video sa kanyang social media page si dating ako Bicol Partilist Representative Zaldico.
00:41Dito, muli niyang inakusahan si Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
00:471 billion pesos ang personal kong naihatid.
00:51Ako mismo ang nagbigay ng pera kasama ang aking driver at mga tauhan.
00:56At lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez.
01:05Ayon kay ko, kauupo lang niya bilang House Committee on Appropriations Chair nang nakatanggap na siya ng utos mula kay Romualdez.
01:14Sinabi na agad sa akin ni Speaker Romualdez na kailangan ko makapag-deliver ng 2 billion pesos kada buwan.
01:22Inutusan niya ako na mag-deliver ng 1 billion pesos para kay BBM.
01:27Ibigay kay Yusek Jojo Cadiz dahil ito raw ang drop-off point na malapit sa bahay ng Pangulo.
01:35Sinabi rin po sa akin, Speaker Martin Romualdez, na si PBBM ang nag-utos sa kanya na bilhin ang bahay para gamitin bilang bagsakan at imbaka ng pera mula sa mga SOP collection at deliveries na para sa Pangulo.
01:50Sa hiwalay na post, ipinakita naman ni Ko ang mga litrato na anya'y listahan ng mga delivery ng mali-maletang pera para anya sa Pangulo at kay Romualdez.
02:02Noong December 2, 2024, personal ko ang i-deliver ang 200 million kay Yusek Jojo Cadiz.
02:09Ayon sa kanya, dadalin daw niya ito sa bahay ng Pangulo.
02:13Noong December 5, 2024, muli akong nag-deliver ng 800 million sa parayong adres at Yusek Jojo Cadiz pa rin ang tumanggap.
02:24Sabi niya, iyon naman ay dadalin sa bagong bahay ng Pangulo.
02:29Umabot daw sa mahigit 55 billion pesos ang naihatid niya sa bahay ni Romualdez.
02:35Madalas hindi nabubuo ang hinihinging 2 billion pesos bawat buwan ni Speaker, kaya iyan ang final total.
02:47Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa pera niyon.
02:53Hinihinga namin ang pahayag ang Malacanang kaugnay ng bagong video na ito ni Ko.
02:58Pero sa isang press con, hinamo ni Pangulong Marcos si Ko na umuwi na lang sa Pilipinas at harapin ang kanyang mga kaso.
03:06Mahaba ng naging mga usapan natin tungkol sa fake news, anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit.
03:18But it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya.
03:28Ako hindi ako nagtatago. Kung meron kang akong sesyon sa akin, hindi ito.
03:32Sinusubukan din namin makuna ng pahayag si na Romualdez at Cadiz, kaugnay ng bagong video ni Ko.
03:39Si Navotas City Representative Toby Tianco, naniniwalang walang kinalaman sa isyo sa budget ang Pangulo.
03:47Nasaksihan daw niya kung paano sitahin ni Pangulong Marcos si Romualdez dahil umano sa pagkuhan ng pondo.
03:54Nangyari raw ito noong November 24 ng nakaraang taon,
03:58pagkatapos ng regular natanghalian ng kanilang pamilya sa Malacanang.
04:03Magpipinsan ang Pangulo, si Romualdez at asawa ni Tianco.
04:07Ito niya pinagalitan si former Speaker Martin Romualdez.
04:11At sinabi na kayo ni Saldi ko, sobrang na kayo, kinukuha niyo lahat ng pondo.
04:16At wala akong nagagawang flagship project.
04:20Isa pa pa lang na sinabi niya in front of me is, kayo ni Saldi, ang dami niyo kinukuha, grabe yung corruption sa house, at alam mo Martin, wala akong natatanggap dyan.
04:33Sabi ni Tianco na pag alaman niya kalaunan na nag-alit ang Pangulo dahil nagsumbong daw ang Japan International Cooperation Agency o JICA sa Pangulo
04:43na ang counterpart na pondo ng Pilipinas para sa mga proyektong pinapondohan ng JICA ay tinanggal sa pampansang budget.
04:52Ang nangyayari nung nangako si former Speaker Martin Romualdez na kung ano man yung tinanggal ng mga flagship projects ay ibabalik sa BICAM.
05:03Nung lumabas yung BICAM, nung lumabas yung GAA noong January, wala yung mga projects na yun.
05:09Tinihinga namin ang reaksyon tungkol dito si Romualdez pero wala pa siyang tugon.
05:14Noong isang linggo, inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI at ng Department of Public Works and Highways o DPWH
05:24na kasuhan ng plunder, graft at direct bribery si Romualdez, Co. at iba pa.
05:30Sa referral ng ICI, sinabi nitong isinumite nila ito ng walang findings na guilty o may pananagutan si Romualdez.
05:40Bagay na binigyang diinang kampo ni Romualdez.
05:42This clear statement reinforces our confidence in the Commission's impartiality
05:49and affirms the constitutional role of the Ombudsman as the sole authority empowered to make determination on accountability.
06:00Dati nang itinanggi ni Romualdez na kumita siya mula sa flood control projects.
06:05Isinumite naman ang PNPCI-DG sa ICI ang halos isandaang kahon ng ebidensya at dokumento
06:13galing sa kanilang imbesigasyon sa 28 flood control projects mula sa Region 1 hanggang Region 9.
06:21Once we determine those ghost projects, we will refer the matter like what we do in the previous ones.
06:28Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
06:33Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Cadiz na itunuturo ni Coe na siyang tumanggap ng perang i-deliver niya para kay Pangulong Bongbong Marcos.
06:46Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez.
06:50Tuloy pa rin sa kanyang trabaho sa kagawaran bilang undersecretary si Cadiz.
06:53Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended