00:00Arrestado sa Malabon ng isang babaeng dating kahera sa isang supermarket sa Kaloocan na kanyang umanong paulit-ulit na ninakawan.
00:08Tumangin muna ang sumagot sa mga paratang ang akusado.
00:11Unang balita si Bea Pinlak.
00:22Tahimik lang ang 35-anyos na babaeng ito nang arrestuhin siya sa Malabon kahapon.
00:28May warrant of arrest siya dahil sa serye ng Pagnanakaw-Umano noong 2020.
00:34Nangyari ang krimen sa isang supermarket sa Kaloocan kung saan nagtrabaho bilang kahera ang babae.
00:41Inireklamo siya ng dati niyang employer ayon sa pulisya.
00:45Yung mga kasamahan niya, kapag magpapunch, bibili ng produkto galing ito sa supermarket, siya bilang kahera.
00:54Hindi niya pinapunch lahat ng produkto.
01:00At pagkatapos, pagkatapos nilang masagawa yung mali nilang ginagawa,
01:05sa kanila paghahati-hatian yung proceeds ng mga ninakaw nila.
01:10Limang beses niyang ginawa sa ibang pagkakataon at sa magkakaibang panahon.
01:15Ayon sa pulisya, bago lumabas ang warrant of arrest, nakapunta na raw sa Saudi Arabiang akusado para magtrabaho bilang domestic helper.
01:25Itong akusado natin ay nakapag-abroad tapos nakauwi lang siya noong 2023.
01:33Nahuli ng pulisya ang akusado sa kanyang bahay sa barangay Tonsuya, Malabon,
01:38matapos makuha ang impormasyon na nakabalik na siya ng Pilipinas.
01:43Sinubukan naming kuhanan siya ng pahayag.
01:46Paumanid po sa inyo, hindi ko po masasagot ang inyong mga katanungan po.
01:50Sa korte ko na lamang po siya sasagotin.
01:52Five counts of qualified theft ang isinampa laban sa akusado na nakapiit ngayon sa Malabon City Police Station.
02:00Ito ang unang balita.
02:02Be up in luck para sa GMA Integrated News.
02:05Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:13Igan, mauna ka sa mga balita.
Comments