Skip to playerSkip to main content
  • 5 weeks ago
Panayam kay PDEA Spokesperson, Atty. Joseph Frederick Calulut ukol sa update sa conviction rate sa mga sinampang drug cases at mga nasabat na ilegal na droga

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa conviction rate ng mga isinampang drug cases at mga nasabat na illegal na droga.
00:06Ating pag-usapan kasama si Atty. Joseph Frederick Calulot,
00:09ang tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency, Opedea.
00:13Magandang tanghali po. Very worshipful po yung sir.
00:15Magandang tanghali po. Ito yung aboy. Magandang tanghali din po.
00:19Magandang tanghali.
00:19A second, Joey.
00:22Hingi lang po kami ng update sa drug cases na isinampang.
00:25Gaano po karami na po yung conviction rate natin mula nung nagsimula ang Marcos administration?
00:31Mula nung naopo ang ating presidente, nagkaroon na po tayo ng 87.95% na conviction rate.
00:39So, ibig sabihin po, mula nung July 2022 up to August of this year,
00:4547,438 cases po ito ang na-convict out of the 53,939 cases na na-file.
00:52Hindi lang po ito ng PEDEA, but together with other law enforcement agencies.
00:57Attorney, sa datos na binigay nyo, ano po yung naging strategy ng PEDEA para makamit yung ganito kataas na conviction rate na halos kalahati na mga kasong isinampan ninyo?
01:10Asik, Joey, magandang ginawa ating partnership with the National Prosecution Service.
01:14Sa katunayan, yung support na binibigay ho ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullion,
01:21nararamdaman ho na hindi lang ho ng PEDEA, but other law enforcement agencies.
01:25Dahil hindi ho pwedeng i-file yung kaso kung wala ho itong solid foundation for conviction.
01:32Ito yung tawag na reasonable certainty of conviction, no?
01:35Yes po.
01:36Pero gano'ng po kahalaga na mag-focus sa legal out ng mga kaso kumpara naman dun sa dami lang nung ina-aresto natin?
01:43At, Kuya, maganda daw ko yan kasi makikita ko ng mga mamamayan, ng tao,
01:49na ang institusyon nun natin working and no one is above the law.
01:53At the same time na ang ating mga kababayan magkakaroon nun ng fair, impartial na hearing.
02:02And at the same time, yung justice system is working, accessible po para sa kanila.
02:07Sa ibang usapin naman, Atty. Kalulot, hingi naman kami ng update dun sa higit P88 million pesos worth na illegal drugs
02:14na nasabat doon sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at Sultan Kudarat lamang kamakailan.
02:23Papua, say Joey, nung isang araw, nagkaroon po tayo ng destruction of dangerous drugs.
02:27Doon ho sa Mindanao na kung saan, meron ho sinira po dyan na around 12,874 grams of shabu.
02:38Ito ho na ho yung pinakamalaking pagsisiran ng dangerous drugs sa Bangsamoro Autonomous Region.
02:45Kaya maaaring natin masabi na matagumpay ho ito.
02:49Sa katunayan ho, ang Chief Minister ho nagkatin po ng destruction of dangerous drugs.
02:54Kaya saan, so paano ito? Saan pumasok itong mga drugs na ito? At saka saan naman sila nagbula?
03:00Kaya yung mga sinira po natin dyan ng dangerous drugs, ito po yun ang galing sa anti-illegal drug operations
03:05ng isinigawa ng other law enforcement agencies together with BIDEA.
03:12So ito ay yung mga patuloy na operasyon na ginagawa ho natin doon,
03:17plus yung mga expired na gamot.
03:21Kasama ho dyan sa mga sinira ho natin.
03:22Dabanggit nyo yung tuloy-tuloy na operasyon ng BIDEA.
03:27So maaasahan ba din natin, Atty. Kalulot, na tuloy-tuloy yung pagsira
03:31ng mga illegal na droga na nako-confiscate po, nare-recover ng BIDEA?
03:36Tama po kayo dyan, Aseg Joey.
03:38Sa katunayan ho, itong term ho ng ating presidente,
03:4256 destruction activities na ho ang ginawa ng BIDEA.
03:46Since BIDEA is the lead agency when it comes to dangerous drugs,
03:49yung mga na-surrender po sa atin, yung mga na-seize ho ng other law enforcement agencies,
03:54at saka yung mga nakumpis ka na rin ng BIDEA.
03:56Yan ho, sinisira ho natin.
03:58Nagkaroon ho tayo ng 56 destruction activities.
04:01Ang value po nyan, that's around 73.99 billion pesos.
04:05We compared that also with the last administration.
04:1052 destruction activities lang ho yung naisagawa noon,
04:13that's for the 6-year term na ho noon.
04:16And ang value po nyan, that's around 81.76 billion pesos.
04:21So kalahati pa lang ho yung termino ng ating Pangulo.
04:26Malalampasan na ho natin yung value nung mga siya rin naka-administration.
04:30Maganda yan. Ulitin natin, no?
04:31Kaugunayin yan, Kuyang, no?
04:33Nasa magkano na po talaga yung halaga ng nasabat na illegal na droga ng BIDEA
04:36simula noong July 2022.
04:38At anong klase yun mga illegal drugs ang karamihan na nakukumpis ka natin?
04:42Kuyang, noong July 2022 up to August of this year,
04:49nasa 87.19 billion pesos na ho na halaga ng dangerous drugs
04:54ang nakukumpis ka ho ng BIDEA and other law enforcement agencies.
04:57Ang balko nito yun, siya buho yan, that's around 11,680 kilos.
05:05So we're speaking of kilos po rito, hindi lang o gramo-gramo.
05:08Kanina, attorney, yung pinag-uusapan natin na ay conviction rate.
05:11Punta naman tayo doon sa mga nahuhuli o naa-aresto pa lang.
05:15So to date po, ilan po kung meron kayong datos yung mga naa-aresto
05:19at ilan dito yung makukonsider natin high-value targets?
05:23Asik, Joey, mula July 2022 up to August of this year,
05:28162,597 na tao po ang na-aresto na ho hindi lang ng BIDEA
05:35but also other law enforcement agencies
05:37na ito ho yung mga tao ito ang mga nagbenta
05:40or may maintain na mga drug din
05:43or were in possession of dangerous drugs
05:45na ito po'y pinagbabawal ho ng ating batas.
05:49Out of these 162,000, 10,342 ang tinatawag nating high-value targets.
05:55Ang importante, hindi lang yung value
05:57but yung effect na natatanggal natin.
05:59Kaya kaugnay niyan, ilan na po ngayon ang nadeklarang drug cleared
06:02at ilan na po ang nadeklarang drug free para feel good tayo.
06:06As of August 2025,
06:10ang nadeklarang drug cleared barangays na po sa ating bansa
06:13is 29,633.
06:15And ilan hong drug free ngayon nasa 6,193 barangays na po.
06:22Para malinaw lang din at para sa kaalaman ng ating mga kababayan,
06:26ano nga po uli yung ibig sabihin ng drug cleared at yung drug free?
06:30Ayun, asik Joey, magandang katanungan mo yan.
06:32Ganto po yan.
06:33When we speak of drug cleared barangays,
06:36ibig sabihin ho,
06:37dati drug affected yung barangay na yan.
06:40So kung sinabi natin drug affected,
06:42meron hong drug pusher,
06:44may drug user or may drug din dyan sa barangay na yan.
06:48Nagkaroon ho ng proseso na kung saan nag-undergo yan
06:51ng barangay drug clearing program
06:53and nai-deklara ho yan na drug clear.
06:56Ngayon, ano itong drug free?
06:57Iba ho ang drug free sa drug clear.
06:59Pag sinasabi natin drug free naman,
07:01meron tayong tinatawag na drug unaffected barangay.
07:07Ano naman ho yun?
07:07Mula ho noong umpisa pa ho,
07:10wala ho na-validate na drug user or drug pusher dyan ho sa barangay na yan.
07:17Hindi ho dahil drug unaffected yan,
07:18wala ho gagawin ho ang ating mga hensya.
07:21Nagkaroon tayo ng verification process
07:23kung saan yung mga drug unaffected barangays,
07:27i-verify ho yan ng ating barangay drug clearing committee.
07:31And pagka nakita ho na na-maintain ho nila yung status na yan,
07:37saka ho i-de-declare na drug free yung barangay.
07:40Ayun pala yun.
07:40Mas maganda na yung komunidad mo ay to begin with drug free.
07:45Pero kung drug cleared naman,
07:46ibig sabihin nagtatrabaho ang PDEA at ang ating mga law enforcement.
07:50Hindi naman sila tumitigil.
07:51As if Joey, alam ko po yan.
07:53Pero again, yung ating administration,
07:56zero tolerance talaga yan pagdating sa dangerous drugs.
08:00At meron tayong tuloy-tuloy, alam natin,
08:03tuloy-tuloy yung kampanya natin.
08:04Pero ano lang po yung mga hakbang ngayon ng PDEA
08:06para palakasin palalo yung kampanya natin
08:08contra illegal droga?
08:10Ako yan, tuloy-tuloy pa naman ho yung ating partnership
08:13with other agencies like the Bureau of Customs.
08:17So lalo natin pinalakas yung ating mga interdiction units.
08:20Kaya ho napapabalitaan natin na may mga nasasapat ho dyan
08:23sa ating mga airports.
08:25And also yung sa mga pantalo natin,
08:28may mga nauhuliw tayo dyan na mga kilo-kilo ng shabu
08:30because also intensified intelligence-driven operations.
08:36Hindi lang po dyan tumitigil sa supply reduction po.
08:38Meron po tayong demand reduction programs.
08:41Tuloy-tuloy pa rin ho ang pagpuntaan sa mga paralan,
08:44sa mga opisina,
08:46sa mga organization para sabihin ho sa kanila
08:50kung ano yung efekto na illegal na droga,
08:52ano ang batas,
08:54and kung anong maaari ho nilang gawin
08:56para ma-maintain or magkaroon ng drug-free workplace
09:00na policy sa kanilang mga opisina.
09:04Maraming salamat sa pagpupursige ng PIDEA Attorney
09:07at maraming salamat sa inyong oras,
09:10PIDEA spokesperson,
09:11Attorney Joseph Frederick Kalulut.
09:14Thank you, sir.
09:14Thank you po.
09:15Thank you po kayo.

Recommended