00:00At bago tayo tumungo sa ating talakayan, Yusek Marge, hindi muna kami ng update mula sa DOJ.
00:05So, nanguna na naman ang Department of Justice sa pagbibigay ng legal assistance sa mga persons deprived of liberty. Ano yung detalya nito?
00:14Yes, Asik Joey. Bilang tugon sa krusada ng DOJ na makapagbigay ng Compassionate Justice for All,
00:20halos limang daang persons deprived of liberty o PDLs sa medium security compound ng pambansang piitan ang binigyan ng libreng legal assistance ng DOJ Action Center.
00:31Ito ay bahagi ng jail decongestion program ng gobyerno para palakasin ang restorative justice ng bansa.
00:38Kabilang sa mga servisyong natanggap ng mga PDLs ang counseling ukol sa good conduct time allowance, parol, clemency at iba pang legal remedies.
00:47Kasama rito ang Public Attorney's Office at mahigit 146 volunteer lawyers at law students sa ilalim ng Integrated Bar of the Philippines at marami pang iba ang sumama.
00:59Pinuri naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Boyeng Rimulya ang DOJ Action Center sa hakbang na ito na tiyak na magbibigay ng malaking ambag sa pagbabagong buhay ng mga PDLs.
01:10Ito naman, Yusek, patuloy yung pagtitiyak ng DOJ sa kapakanahan ng mga batang biktima ng pang-aabuso sa pamamagitan ng bagong case management protocol.
01:19Interesting ito. Ano po ba nitalia nito, Yusek March?
01:21Asik Wang, bilang pagsulong sa pangako ni Justice Secretary Boyeng Rimulya na itaguyod ang compassionate justice para sa mga bata,
01:29pinangunahan kamakailan ng Department of Justice bilang chair ng Committee for the Special Protection of Children o CSPC
01:36ang paglulunsad ng revised protocol for the case management of child victims of abuse, neglect, exploitation and discrimination o ang CANE plus D.
01:46Binibigyang din ng bagong protocol ang tatlong pangunahing katangian, clarity, coordination at child sensitivity.
01:54Ang makabagong protocol ay magsisilbing gabay para sa mga DOJ prosecutors para maging mas malinaw at madali ang proseso sa pagtugon
02:02sa mga kaso ng child abuse at exploitation sa ngalan ng rule of law.
02:06Sa pamamagitan ng CSPC Resolution No. 01 Series of 2025, lahat ng ahensyang kasapi rito ay inaatasang sumunod sa bagong balangkas ng protocol
02:17bilang simbolo ng pakikisa sa layunin ng bagong Pilipinas na pagtibayin ang child protection system ng bansa.
02:28Maraming salamat sa mga update mula sa Department of Justice, Yusek March.
02:32You're welcome.