00:00Okay, ito naman ha mga car spes, silipin naman natin yung mga naganap sa kamakailan lamang na Food Ingredients Asia and Vita Foods Asia 2025 sa Bangkok, Thailand. Panorin po natin ito.
00:11Sa panahon ngayon na mabilis ang takbo ng buhay at dumarami ang health challenges ng bawat indibidwal,
00:18mas pinapahalagahan ng mga consumer ang functional foods, dietary supplements at mga produktong hindi lang nakakatulong sa katawan,
00:28kundi tumutulong din sa ating kalikasan sa pamagitan ng sustainable sourcing at eco-friendly innovations.
00:36At kaugnay niyan, kamakailan lang ginanap sa Bangkok, Thailand ang Fee Asia at Vita Foods Asia 2025,
00:43dalawang malalaking international events na nagsama para ipakita ang pinakabagong inobasyon sa Food Ingredients at Nutraceuticals.
00:55Food Ingredients Asia is all about food sector, while Vita Food Asia is about supplement nutraceuticals, which is a subset of food.
01:06We can see that Vita Food Asia is more on herbal extract and value-added extract,
01:13which means that the byproducts produced from food sector can extract the substance and even the nutrition to produce in Nutraceutical products.
01:26Maygit 36,000 industry professionals mula sa 70 bansa ang dumalo.
01:31Habang higit 1,500 exhibitors naman ang nagpakita ng makabagong solusyon at ingredients para sa mas malusog at sustainable na kinabukasan.
01:42Dito ay nagbigay rin ng pahayag ang Global Nutrition Leader na si Ms. Danayda Velasco patungkol sa kahalagahan ng naturang event.
01:50This is the time to showcase the Philippine products and because of the business matching, it will really provide an economic opportunity for the Philippines.
02:04Para sa Pilipinas, isang mahalagang pagkakataon ng ganitong mga pagtitipon.
02:08At sa pagbubukas ng event, nagbigay din rin si DTI Assistant Secretary Naila Riza Bautista sa kahalagahan ng partisipasyon ng bansa.
02:18Dahil sa pamagitan ng exposure at pakikipag-ugnayan, mas nagiging handa ang mga Filipino innovators at negosyo na makasabay sa global standards at makapasok sa mas malalaking merkado.
02:30At para mas lalo pang ipromote ang healthy lifestyle, nagdaos din ng 5K Fun Run Activity bilang bahagi ng event, kung saan nagsama-sama ang mga delegado, exhibitors at participants hindi lamang para sa networking, kundi para rin ipakita ang kahalagahan ng aktibong pamumuhay sa ating kalusugan.
02:49Sa dulo ng lahat, ipinakita ng Food Ingredients Asia at Vita Foods Asia 2025 na ang industriya ng pagkain at nutraceuticals ay higit pa sa simpleng negosyo.
03:05Ito ay isang commitment na lumikha ng mga produktong may saisay, makatao at may kakayahang magdala ng mas malusog na bukas para sa lahat.