00:00Handa rao si Sen. Joel Villanueva at Sen. Jengoy Estrada na humarap sa anumang investigasyon
00:05para patunayang hindi sila tumanggap ng kickback sa flood control projects.
00:10Si Estrada umalmarin ng mabanggit sa pagdinig sa Senado ang mga kaso sa PDAF scam na dati niyang kinasangkutan.
00:17Narito po ang aking unang balita.
00:22Mariin ang pagpapasinungaling ni Sen. Jengoy Estrada sa lumabas sa pagdinig ng Senate Luribon Committee
00:28kung saan pinangalanan siya ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
00:33na tumatanggap umano ng kickback mula sa maanumaliyang flood control projects.
00:37I will not allow discredited narratives to be weaponized for political grandstanding.
00:45I will not allow my honor, hard-earned and vindicated by the courts, to be solid by careless remarks.
00:54Ang inaalmahan ni Estrada ang pahayag na ito ni Sen. Francis Pangilinan sa pagdinig.
01:00Siguro kung yung na-police cases na uwi dun sa halip na abswelto, e kulong,
01:10e baka hindi na nangyari itong mas malaking kurakot.
01:15Plunder yung mga kaso nun eh.
01:17Nakakulong na nga pero na abswelto.
01:20Na-release ng korte.
01:22Pinakawalan ng ating hudikatura.
01:24Walang pinangalanan si Pangilinan pero para kay Estrada, malinaw daw na ang tinutukoy ang kanyang kasong plunder,
01:31kaugnay ng pork barrel scam noong taong 2013.
01:34Sa huli, napatunayan na walang sapat na batayan ang mga ipinukol sa akin ng mga akusasyon.
01:43To cast doubt on these decisions is not only an insult to me personally, but a dangerous affront to the judiciary.
01:53Paliwanag ni Pangilinan, binanggit lang niya ang mababang convection rate sa Sandigan Bayan
01:58upang bigyan din ang usapin ng mabagal at hindi pantay na hostisya.
02:01There was no intention of maligning any senator with that manifestation.
02:06For the record, Mr. President, and again, umihingi tayo ng unawa kaya Senator Jingoy Estrada,
02:12wala pong personalan yung ating earlier manifestation.
02:16I hope he will understand.
02:18Are you questioning the decision of the court acquitting this representation?
02:25You are a lawyer.
02:26You are undermining the judicial process in our country.
02:30You being a member of the bar.
02:32Habang nakasuspende ang sisyon, ay nakita namang kinamayan ni Pangilinan si Estrada
02:36at sila'y nag-usap.
02:38Pero hindi pa malina kung nagkasundun na ang dalawang senador.
02:41Si Senador Joel Villanueva naman na itinuro din ni Alcantara na tumatanggap umano ng kickback sa mga proyekto,
02:47idiniing wala siyang kinalaman sa umanoy anomalya sa flood control projects.
02:51Mr. Alcantara said, hindi po ako nag-request ng kahit anong flood control project.
02:58Sinabi din po niya, wala po akong alam at hindi rin po ako kailanman sinabihan tungkol sa mga proyektong yan.
03:07Sinabi rin po at inamin ni District Engineer Alcantara na may tulong daw po na may tulong daw siyang pinaabot
03:16pero hindi po sa akin, sabi po niya.
03:20At siya na rin po mismo ang nagsabi na wala po akong alam doon.
03:24Dagdag niya,
03:25Nakahanda rin po akong bigyang linaw ang mga bagay na ito sa anumang forum o lugar
03:30at patunayan na mali, malisyoso at pawang kasinungalingan lamang ang ipinupukol po sa ating pangalan.
03:39Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
03:43Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:46Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:55Mag-subscribe na sa GMA.
Comments