Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inusisa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang isang tauhan ng WJ Construction na dinadawit sa isyo sa flood control projects.
00:07Siya ang nakuna ng CCTV na bumisita sa Senado noong August 19.
00:12Kinumpronta rin ni Sen. Jingo Estrada si dating DPWA Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:17matapos sabihin tumanggap umano siya ng kickback sa flood control projects.
00:22May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:24Sinabi mo sa testimony mo sa house na binigay mo ang pera kay D.E. Henry Alcantara
00:34at siya ang nagsabi sa iyo na bibigyan daw niya ako. Is this correct?
00:39Wala pong specific na sinabing ganon, Your Honor.
00:42Pagkatapos mo ko dinurug sa house ngayon, wala kang specific na sinabi.
00:47Kinumpronta ni Sen. Jingo Estrada si dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez
00:54kaugnay ng aligasyon nitong tumanggap ang senador ng kickback mula sa flood control projects.
01:01Sabi ni Hernandez sa camera, isang staff daw ni Estrada na naggangalang Ben Ramos
01:07ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction matapos makakuha ng proyekto sa Bulacan.
01:15Itinanggi ni Estrada na may staff siyang Ben Ramos.
01:19Paano niya malala ng staff ko si Ben Ramos? How will he know?
01:24Hindi ko rin po alam. Yun lang po ang sinabi sa akin ni Boss Henry.
01:27Kaya po nagkaroon po kami ng connect ni Mambeng Ramos at si Mambeng.
01:31Alam mo Mr. Bryce, masyado ka na nagsisinungaling eh.
01:35Ang pakilala kay Mambeng is staff po ni Sen. Jingo.
01:41Pero hindi po specifically sinabi ko na yung proponent is para po kay Sen. Jingo.
01:47Hindi po. Ibang projects po yung sinasabi ko na nakatagpo kay Sen. Jingo.
01:51Hindi po yung specifically noong 2022.
01:54Ang tinutukoy na Boss ni Hernandez ay si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
02:01Pero itinanggi rin niyang nakatanggap siya ng pera para ibigay sa politiko.
02:06I respectfully deny po yung sinasabi niya na biligay niya po sa akin na may mga ganun pong issue.
02:12So tama si Sen. Laxon, the burden of proof lies with you, Mr. Hernandez.
02:18Kasi tahasan mo sinabi sa House of Representatives at kinundinan naman ako ng taong bayan.
02:25Hindi inimbita sa pagdinig si Ramos for humanitarian reasons dahil may stage 4 cancer siya.
02:31Dumalo naman sa pagdinig si Mina Jose ng WJ Construction.
02:35Paglilinaw niya, siya ang ka-message ni Hernandez at hindi si Ramos.
02:40Kaibigan daw niya si Ramos na nag-refer daw sa kanya kay Hernandez para sa isang joint venture na hindi natuloy.
02:47Sa ipinakitang text message ni Hernandez, may i-deliver o mano si Jose.
02:52Sa message mo noong December 11, which was a Sunday, may sinasabi ng isang delivery.
02:58Tama po ba?
02:59Yes po.
02:59Ano ito? Para saan at para kanino?
03:01I meant by delivery po are the documents na hinihingi niya po for the processing po ng joint venture.
03:08I have never given nor received any money from any public official or government employee, including this Mr. Bryce Hernandez.
03:19Thus, I strongly deny his accusations.
03:23Pero giit ni Hernandez, nagbigay ng obligasyon si Jose.
03:27Ano yung obligation na yun? Pera? Para kanino? Lagay? Ano yung context ng obligation?
03:34Pera po siya para sa proponent.
03:36Ano yung sabihin? Lagay para sa proponent?
03:39Yung advance po. Opo.
03:41Advance para sa proponent?
03:41Yung parang bayad po para dahil nakuha niya yung project na yun.
03:45Mr. Jose.
03:46Your Honor, I don't know what he was talking about.
03:49Nitong August 19, nakuna ng CCTV si Jose na dumating sa Senado para magtungo sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo.
03:58Pero bago niyan, ay dumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee kung saan staff si Ramos.
04:05Meron po kasing problem yung peres ni Sen. Erwin na binabaha po siya, lalo po pag umuulan.
04:10So, ako po yung na-refer na contractor nung staff niya na kung pwede po tingnan namin gawa ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya.
04:22Upon learning, her name was mentioned by Engineer Bryce.
04:27We immediately requested to cancel all contracts with WJ.
04:34Para nagamit po yung opisina ko para dumaan po siya sa broom kung ano man yung kanyang business doon, Mr. Chair.
04:41Sabi ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para magbigay ng pera.
04:45So, hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
04:51Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
04:54Okay. So, talagang safe ka na.
05:01Please continue.
05:02Sabi naman ni Hernandez, hindi niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpasok ng flood control projects.
05:27Ang boss daw niya dati na si Alcantara ang nakakaalam nito.
05:32Respectful denier, honor. Hindi ko nga po kilala ito si, pangalan ito, Mina.
05:38At yung Ben Ramos po, alam ko po, nung nagdatanong nga po ako, sila po magkakilala.
05:43Nagpakita ng bagong text messages si Hernandez mula December 10, 2022 na magpapatunay umanong nagdala ng pera sa opisina nila ang WJ Construction.
05:54Meron po akong follow-up na text message po na nag-confirm na nagdala po si, it's either ma'am Beng or ma'am Mina sa office.
06:04Dinala po dun sa administrative officer namin noong time na yun.
06:08Meron po akong text message na yun.
06:10Galing po sa chief of staff ni boss Henry Alcantara.
06:14Kinonfirm po na nakapagdala na ng obligasyon.
06:16Base sa screenshots, sinabi ng chief of staff umano ni Alcantara na nakuha na sa administrative officers nila yung pinadala nila Beng Ramos.
06:25Nag-text ito ulit matapos ang ilang araw, kung ipasasabay na raw ba yung kay Beng Ramos?
06:31Sabi raw niya, sige, ipasabay na.
06:34Anong context yan?
06:35Yung pera po na dinala nila ng Beng Ramos.
06:37Anong project yan?
06:39Your Honor, nakalimutan ko na yung specific anong project to, 2022.
06:43Pinutol muna ni Sen. Ping Lakso ng usaping ito habang wala raw kompletong detalya si Hernandez.
06:50Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended