00:00Nagbabalik ang ulat bayan, grounded ngayon ang lahat ng Super UV Helicopters ng Philippine Air Force matapos bumagsak.
00:08Ang isa sa mga ito sa Agusan del Sur kahapon, yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:15Na-recover na ang labi ng anim na sakay ng Super UV Helicopter ng Philippine Air Force na nag-crash sa bayan ng Loreto sa Agusan del Sur.
00:23Ayon sa tagapagsaita ng Air Force na si Colonel Maria Cristina Basco, humiling ang kaanak ng dalawa sa anim na namatay na sakay ng miyembro mula sa 505th Search and Rescue Group na mayuwi ang mga labi patungong Sambuanga at General Santos City.
00:38Ang apat naman sa mga namatay ay hinihintay na maibiyahe pabalik ng Luzon sa oras na matapos ang imbestigasyon.
00:44Sa ngayon, wala pa silang natatanggap na ulat kung may kinalaman ang lagay ng panahon o human error sa sanhi ng pag-rash ng nasabing helicopter.
00:51We cannot pinpoint exactly as of now kung ano po yun hanggat hindi po natatapos yung investigation.
00:58Ayon po yung masusing pag-aaralan ng ating mga aircraft investigators so that we would know the cause of the mishap po.
01:08Grounded ngayon ang lahat ng Super Highway choppers habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
01:13Patuloy na nagkagamit ang iba pang mga chopper ng Air Force para tumulong sa humanitarian at disaster relief operations.
01:19Para naman kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, batid na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sinapit ng anim na miyembro ng Air Force.
01:28Pinapaabot niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing mga bayani ng ating bansa at ang lahat ng tulong na nararapat ay dapat na iparating sa mga naapektuhan na pamilya.
01:40Nagpabot na rin ang pakikiramay ang Department of National Defense sa mga kaanak ng mga namatay sa nangyaring chopper crash.
01:48Sinabi rin ng DND na ang kanilang dedikasyon sa tungkulin at sakripisyo ay palaging maaalala lalo na sa kanilang paglilingkod habang hinaharap ang epekto ng bagyontino.
01:57Para naman kay Defense Secretary Gilberto Chudoro Jr., napapano nang i-upgrade ang ating mga search and rescue assets at pabilisin ang pag-procure sa mga ito.
02:07Inaasahan na may darating na limang bagong Black Hawk na dadagdag sa assets ng Air Force bago matapos ang taon.
02:12We're appealing to all the policy makers who support us with our upgrades. And it's not only the capability, that's also infrastructure, communications, and the whole gamut of resilience.
02:29Plano rin na magkaroon ng drone capability ang Office of Civil Defense na magagamit sa disaster assessment.
02:35Nawala ng komunikasyon ng nasabing Super Huey Helicopter habang ito ay papunta ng butuan dahilan para sila ay hanapin ng iba pang aircraft ng Air Force.
02:44Taong 2011, nang mabili ng Air Force ang mga refurbished Super Huey Helicopters mula sa Estados Unidos at di-reconfigure para umayon sa itinakdang operational standards at airworthiness ng Air Force.
02:56Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pipinas.