Skip to playerSkip to main content
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Apektado naman ang kabuhayan ng ilang residentes sa Dagupan, Pangasinan, matapos masalanta ng Bagyong Uwan.
00:07At kumuha na tayo ng latest mula kay Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:12Sandy?
00:16Pia, i-dineklara na ang state of calamity sa buong lungsod ng Dagupan City dahil sa matinding pinsala na iniwan ng Bagyong Uwan.
00:24Wala nang magawa si Hara kung tititigan na lang ang ipinundar nitong bahay sa barangay Bunoan, Gazet, Dagupan City.
00:34Lubos siyang nangihinayang at nalulungkot ng wasakin ng malakas na hangin at ulang dala ng Bagyong Uwan ang kanyang bahay.
00:41Isa si Hara sa mga nakatira malapit sa baybayin sa lungsod. Kaya nang tumama ang malakas na bagyo, natangay ang bahay nito.
00:48Hindi niya alam kung paano mapapaayos ang nasira niyang bahay at kung paano sila makababangon mula sa epekto ng bagyo.
00:55Si Eduardo naman nagulat nang tumambad sa kanya ang nasira niyang bangka na gamit niya sa paghahanap buhay.
01:01Tiniyak daw niya na secured at nasa maayos na lugar ang kanyang bangka bago tumama ang bagyo.
01:07Kaya hindi niya inakalang tatangayin at masisira ito ng malalakas na alon sa baybayin.
01:13Ang cottage namang ito sinira rin ng Bagyong Uwan. Maging ang ilang mga kabahayan sa dabing dagat, hindi nakaligtas sa storm surge na dala ng bagyo.
01:22Ngayong araw, puspusan ang paglilinis, pagkukumpuni at pagsasayos ng mga residente sa kanilang mga bahay na nasalanta ng bagyo.
01:30Hiling nila na sana'y matulungan sila upang makabangong muli.
01:34Patuloy pa rin nakaalerto ang Coast Guard Substation Dagupan sa coastal at low-lying area sa syudad.
01:40May inilabas na storm surge advisory sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw kung saan nakararanas pa rin ng isa hanggang tatlong metrong taas ng alon sa mga karagatan.
01:51Pinapayuhan pa rin ang mga residente na maging alerto at mapagmagsyag sa anumang lagay o sitwasyon ng panahon.
01:59Piyasa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtaas ng antas ng tubig sa ilang mga interior barangays.
02:04Piyasa ngayon din ng ilang mga kalsada dito sa Dagupan City.
02:08Kaya naman patuloy pa rin ang abiso ng lokal na pamahalaan sa mga kababayan natin na huwag po basta-bastang lumusong sa mga tubig baha upang hindi makakuha ng sakit na maaaring may dulot nito.
02:20Pia.
02:21Sandy, nabanggit mo na mayroon pa rin storm surge advisory 1 to 3 meters na taas ng mga alon.
02:27So ibig sabihin ba nito, Sandy, marami pa rin ang nananatili sa mga evacuation center at hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan?
02:38O Pia, sa assessment natin kanina sa isa sa mga evacuation center na malapit nga sa baybayin dito sa Dagupan City,
02:46ay marami pa rin mga evacuees na pansamantala munang nanunuluyan sa lugar na yun.
02:52Karamihan sa kanila nasa 800 pataas na mga evacuees dahil nga natatakot pa rin sila sa nangyaring storm surge kagabi na kung saan biglaang tumaas yung tubig at umabot sa mga residential area.
03:05Kaya naman hanggang ngayon ay yung ilang sa kanila umuuwi sa kanilang mga bahay pero hindi para umalis na sa evacuation center,
03:13kundi para mag-ayos, maglinis, magluto, pagkatapos ay babalik din sa evacuation center para na rin sa kanilang kaligtasan.
03:21At nabanggit mo rin, Sandy, na nasa state of calamity na nga ang buong Dagupan.
03:27So ibig sabihin, makakatanggap ng tulong ang mga residente doon, ang mga kababayan natin doon para sa pagkukupunin ng kanilang mga tahanan at mga nasirang gamit?
03:35Oo, Pia, sa nakuha natin na informasyon kanina, nabanggit naman nila na tiyak daw na may iaabot namang tulong ang acting mayor dito sa Dagupan City para sa mga nasalanta.
03:51Partikular na yung nabanggit kanina na nasiraan itong mga bahay na malapit sa baybayin dito sa Dagupan City.
03:57Alright, Sandy, maraming salamat sa update mo. Si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended